Chapter 4: Mr. Arrogant

41 1 1
                                    

Chapter 4: Mr. Arrogant

Cinderella's POV

"Hmf. Hindi nga sya si Prince Charming!" sabi ko pagka alis nung lalaki.

Ang sabi sa bayan, pag tuwing namimili ako, mabait daw ang Prinsipe.

Baka nga hindi sya...

Mabuti pa hanapin ko ang Prinsipe. Sayang naman yung ibinigay sa akin ni Fairygodmother kung hindi ko sya makikita..

Lumabas ako sa lugar kung saan kami nagkita nung Aroganteng lalaki.

"Mukha nga syang Prinsipe sa panlabas na anyo nya pero yung ugali nya..Hay.." bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ulit ang kamay kong sinulatan nya.. Aanhin ko kaya 'to?

Naglakad lang ako ng naglakad.. Ang laki pala ng palasyo.. Hindi ko lubos isiping ganito dito sa loob.

Siguro nasa hardin na ko ng Palasyo, nakikita ko na kasi mula rito ang langit.

Lakad lang ako ng lakad pero bakit wala naman akong makitang mga nakabihis? Wala rin akong makitang mga dalagang nakakalat..

Sina Anastasia, bakit hindi ko din sila makita?

*DING DONG* DING DONG*

"Huh?! Alas dose na! Nakalimot ako sa oras!" nataranta na ko dahil alam ko na babalik na ang lahat sa dati..

Kailangan kong magmadali!

Agad akong tumakbo at lumabas sa hardin ng palasyo.

O.O

Huh.

Nasaang lugar a-ako?!..

*beeeeeep beeeep*

-----**

Jio's POV

I'm wasted! I need to go home. Ala una na din ng madaling araw.. This day is so stressful..

Sumakay ako sa kotse ko at umalis na sa bar.

After ko kasi umalis sa Stadium Area, as usual nag pakasaya muna ko sa favorite bar ko malapit lang dun.

20 minutes lang nasa bahay nadin ako eh.

Kailangang makauwi ako agad bago ko antukin ng lubusan.

Pinabilis ko ang takbo ng kotse ko...

"Sh*t! Naabutan pa ng Red light!" badtrip kelan magmamadali tska naman nag red yung sa stop light eh!

Napasandal nalang ako sa upuan ko at pinikit saglit ang mga mata ko..

"Ginoo! Bitawan nyo po ako.. Pakiusap.."

"Hehehe. Wag ka na pumiglas iha.. Sumunod ka nalang samin.."

"Tulong! Tulungan nyo po a-"

Napadilat ako sa mga narinig ko..

Tinignan ko sa kanan ko..

Dalawang mid-aged na mga manong ang hinihila ang isang babae.

Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse ko..

"Bitawan nyo sya!" sabi ko. Tch kahit alam kong player ako alam ko pano tumulong lalo na sa gantong sitwasyon.

"Aba iho! Gabi na! Umuwi ka na! Kasamahan namin tong babaeng to!"

Hindi na ko nakinig sa mga yun agad kong sinuntok ang lalaking nasa kanan ko.

Agad namang sumaklolo yung kasama nya.

Cinderella Goes Real: Glass Slippers to StilletosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon