Chapter 5: Proof *POOF*

54 3 1
                                    

Chapter 5:

Jio's POV

"Hindi.. Hindi.. Panaginip lang to.. Breathe in, breathe out... Pumikit ka Jio...Whoo.." sabi ko sa sarili ko ng balisang balisa.. Hindi to nangyayari.. This is all a dream right?!

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa kama kung san nakaupo yung si Cinderella-ah-whatever girl.

"Sabi na nga ba!! Panaginip lang!" tuwang sabi ko dahil nakita kong wala na yung babae dun.

"Ok ka pa Jio... Sabi ko na nga ba panaginip lang.." bulong ko sa sarili. Such a relief!

"Ginoo, ano to?" rinig ko mula sa likuran ko..

"Ano bang nangyayari??!!" sabi ko habang unti unti humaharap sa babaeng nagsasalita.

Me -- >.<

Nakalumukot ang mukha ko. Nababaliw na nga ba ko?!

"Ano!!! Bat andito ka padin! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! Shoo!! I rebuke you! Lumayas ka dito masamang espiritu!" sigaw ko habang naka sign ang mga daliri ko ng krus.

Hindi ata tumatalab.. Yung babae kasi..

Nakatingin lang sakin with matching puppy eyes.

"Ahhhhhh!!!" pag tatantrums ko sabay talon upo sa kama ko. I give up!!!

-----***

Cinderella's POV

Kaya pala.. Nasa ibang mundo pala ako.. Kaya pala, kakaiba ang mga naririto.

Pero sabi naman ng fairy godmother ko ay gagawa agad sya ng paraan para makaalis ako dito.

Ayoko nang istorbohin ang Ginoong ito.

Kanina pa kasi sya palakad lakad.. Pabalik balik habang nag iisip.

"Ah! Siguro.. Siguro.. May hidden camera?! Asan na? Asan na yung camera?!" biglang sabi ni Ginoo sabay lapit sa akin at hawak sa balikat ko habang parang may hinahanap.

"Ginoo, ano ba ang hidden camera?" bakit nya sakin hinahanap?

"Aish! Tch. Umamin ka na nga! Sino ka ba talaga?.. Or should i say, ano ka ba talaga?!!"

"Ako si Cinderella. Bakit Ginoo? Hindi ka parin ba naniniwala?"

"Andwe!! (No)" sigaw nya sakin. Hay. Napayuko nalang ako.

"Ah! Tama tama!!.." sabi ni Ginoo sabay upo at may kinuha syang hugis kwadrado..

Tinignan ko lang sya.. Tila may binabasa sya..

Maya maya napatingin sya sakin ng gulat.

"Hindi.." sabi nun Ginoo habang umiiling

-----***

Jio's POV

"Ah!.. Tama ..tama!!" Alam ko nang gagawin ko. Kinuha ko agad ang ipad ko.

Cinderella.

I Gu-google kita!!!

"Cinderella. The Real Story."

Clinick ko agad ang hyperlink neto.

Wait.. Sabi nila kanina, dapat pupunta na sya sa piging daw nung prinsipe..

Iniscroll ko pa pababa para mas mabilis at mabasa ko yung part na yun.

*Umiiyak si Cinderella dahil hindi na sya makakapunta sa piging ng kanyang Prinsipe. Agad namang nagpakita ang kanyang Fairygodmother at biniyayaan sya ng magandang damit. Tuwang tuwa si Cinderella. Hindi lubos maisip ni Cinderella na mangyayari ang araw na ito.

Humingi ang kanyang Ninang ng isang kalabasa upang gawing karuwahe ngunit wala silang nahanap kung kaya, ginamit nalang ng kanyang Ninang ang kanyang mahiwagang patpat upang paglakbayin si Cinderella patungong palasyo ngunit..*

Bakit... May missing part??!!!

Hindi natuloy yung kwento...

Iniscroll ko pa ulit pababa..

*Natapos ang piging ng prinsepe ngunit wala syang napili mula sa mga babaeng nagdalo. Samantalang si Cinderella ay nawawala at tila nilayasan ang kanyang madrasta at mga kapatid dahil sa kalupitan ng mga ito.. 

Ang Mahal na Hari naman ay nagdesisyong magdaos muli ng piging sa susunod na buwan upang makapili ang kanyang anak ng mapapangasawa sa pagkakataong ito. Dumating an-*

BAKIT PUTOL NA NAMAN?! Hinanap ko yung next page pero wala talaga..

Napatingin nalang ako kay weirdo girl.

O.O

No, this cant be happening..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cinderella Goes Real: Glass Slippers to StilletosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon