Sabi nila sa bawat isang tao daw ay may nakatadhana. Yung... mamahalin ka, pasasayahin, ibibigay sa iyo ang lahat hanggang sa hindi mo na makita yung kinabukasan mo na wala siya. At sabi nila... sa bawat isang tao daw may nag-iisang kapareha lang. Yun bang, "right person" daw. At makakasama mo lang siya sa tamang oras... sa tamang panahon.
Pero... pano mo nga ba talaga malalaman kung may tamang oras... tamang panahon... tamang tao? Paano mo ba malalaman na nakita mo na pala siya sadyang sa iba ka lang nakatingin. Siya ba yung nagtanong sa iyo kung anong oras na... kasi hindi pa din dumadating yung katagpo niya? O siya ba yung nagpa-upo sa iyo sa MRT pero sabi mo ayos lang, kasi pababa ka na din naman. Pano kung... yung inaakala mong "right person"... yung taong pinasaya ka, pinaramdam na mahal ka, at ibinigay lahat ng gusto mo at higit pa... yung taong mahal na mahal mo na din talaga... pero pano kung hindi pa din pala siya.
Posible ba yun?
Hindi ko alam. Pero ngayon, ang gusto ko lang malaman talaga ay kung paano kung gusto mo pang ipag-laban. Gusto mo pang maniwala na... siya na talaga. Pero kahit gaano mo siya kamahal... mas nasasaktan ka kaysa sumasaya. Na sa bawat umaga na gigising ka... ang naiisip mo... "mahal na mahal kita, pero hindi ko na kaya."
Paano mo ba malalaman kung... dapat ka nang bumitaw?
-N
Tumingin si Nadine sa bintana ng kwarto niya at nakitang umaga na pala. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya hindi na niya namalayan na tumirik na pala ang araw. Naririnig niya ang kapatid nyang tumatawa sa labas, siguro kalaro na naman ang Tatay nila. Ngumiti siya ng saglit bago lumingon ulit sa laptop at pinost ang sinulat niya.
Tumingin siya sa salamin at nakitang halatang halata sa mukha nya ang pagod mula sa buong gabing pag-iyak. "Hay Nadya. Walang magagawa kung iiyak ka lang ng iiyak. Mahirap tapalan ng make-up ang puso at mukhang broken-hearted. Kitang kita sa mata. Umayos ka nga. Lalake lang yun. Madami pa dyang iba!" kinumbinsi nito and sarili bago tumayo at dumerecho sa banya upang maligo.
"Sigurado ka bang nadala mo na lahat ng kelangan mo? Tatlong buwan ka dun tapos isang maleta lang yang dala mo?" banggit ng nanay ni Nadine.
"Opo mama. Wag ka nang mag-alala." Sabi naman ni Nadine habang chinecheck ang passport niya at plane ticket.
"Hay nako. Panigurado naman pag-uwi ng anak mo hindi na lang isang maleta ang dala niya. Baka isang buong balikbayan box sa dami ng ishoshopping nan dun!" sabi naman ng Tatay nito.
"Papa talaga. siyempre may isang buong balikbayan din naman para sa iyo lang." Biro ni Nadine. "O siya pano na po? Facetime nyo na lang ako ha. Sisiguruhin kong cocontact-in ko din kayo pagdating na pagdating ko dun." Lumapit si Nadine at niyakap ng mahigpit ang mga magulang nito.
"Basta anak tandaan mo, kung hindi ka pa handang bumalik... maiintindihan namin. Basta lagi kang mag-iingat dun ha. Tumawag ka kung may kelangan ka." Sabi ng nanay nito.
"Kung may makita ka naman na gwapong Aussie dun ate, wag mo na pakawalan. Pero kung ayaw mo, pwede mo namang ipakilala na lang sa akin." Pabirong hirit naman ng Kapatid nito. "Samahan mo na din ng shoes ate yung balikbayan box mo para sa akin."
"Baliw." Sabi ni Nadine. "Siya sige na. Mauna na po ako."
Pagdating ni Nadine sa naka-aasign sa kanyang upuan sa eroplano, nakita nito na nakaupo na din pala ang katabi niya na nagpapatugtog. Ngumiti siya ng tumingin ito sa kanya at saka umupo sa upuan nya. "Hi. Going to Australia?" Sabi ng lalaki.
"Yeah. For a vacation." Sagot naman ni Nadine.
"Ahh. I hope you like it there." Sabi nito. "A bit expensive compared here... pero wala namang traffic."
"Wow. Nagtatagalog ka pala."
Ngumiti ang lalaki at pinatay ang spotify niya. "Konti lang. You know. Just to impress some Filipinas. Is it working?" Pa-cute na sabi nito.
"Well, pwede na sana kaso baluktot na baluktot yung dila mo. Marami ka pang bigas na kakainin para matutunan ang Filipino."
Tumingin ang lalake sa kanya ng nakakunot ang noo. "What do you mean? Why do i have to eat rice to learn Filipino?" seryosong tanong nito.
Natigilan si Nadine sa tanong ng lalake bago siya napatawa ng malakas. "Alam mo, ngayon pa lang naiisip ko ng magiging masaya ang bakasyon ko sa Australia."
"Ha? Wait, I dont get you." sabi ng lalake habang tinitignan si Nadine na sinalpak ang earphones sa tenga niya para magpatugtog. "Hey, tell me!"
"Sshh." sabi ni Nadine, at tinodo ang volume at nagsimulang matulog.
3 hours after take-off ng magising si Nadine at mapatingin na katabi niya. Nakita din niya ang bintana ng eroplano at ang mga ulap sa labas nito. Malayo na siya sa Pilipinas sa lagay na ito. Napaisip muli siya kung tama bang umalis na lang siya bigla ng walang pasabi. Natatakot siya na baka kapag ayos na siya, at tanggap na niya... ay wala na siyang balikan pa.
Naalala niya nuon na tuwing sasakay sila ng eroplano, palaging sisiguruhin ni Albie na siya ang nakaupo sa tabi ng bintana. "Kasi mas maganda kang pagmasdan kesa sa mga ulap." Yun ang palaging sinasabi ni Albie sa kanya na kahit matatawa si Nadine pagka-corny nito, kikiligin pa din siya.
"You know what, if you want the window seat so badly you could've just asked me." narinig niyang sabi ng katabi niya.
"Huh?
"You're crying."
"What?" Tanong ni Nadine. Saka lang niya napansin na basa nga ang kanyang pisngi kaya dali dali niyang pinunasan ang mga luha niya. "Wala. Nagandahan lang ako sa mga ulap."
"Ganong kaganda... para maiyak ka?"
"Oo naman. Bakit? Hindi ka ba naiiyak kapag nakakakita ka ng ganyang kaganda?"
Umayos ng upo ang lalaki at humarap kay Nadine. Kakaiba ang mga ngiti nito kaya napaatras si Nadine. "Hindi naman ako naiiyak ngayon." Sabi nito.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"Tinanong mo ko kung hindi ba ko naiiyak kapag nakakakita ng maganda. That's why I looked at you. And hindi naman ako naiiyak." Pabirong sabi nito habang inoobserbahan ang namumulang mukha ni Nadine.
"Ewan ko sayo!" Sagot ni Nadine. Naiilang na umiwas ng tingin sa katabi niya.
"Or baka hindi ka nga ganung kaganda kaya hindi ako naiiyak." patuloy na sabi ng katabi niya.
"Wow ha. Ang gwapo mo!" hirit ni Nadine at napairap na lang na natatawa sa katabi niya.
"So I've been told." Confident naman na sagot ng lalake. "I'm James by the way. And pinapatawa lang kita. For a moment there akala ko hihingi na ko ng tissue sa flight attendant for you eh."
"Nadine." sagot naman ni Nadine.
"So... Australia. What really brings you there?" Tanong ni James. "You can tell me, you know. Since... I don't think we'll see each other again after this flight. Plus it helps unload some of your baggages."
Napatingin si Nadine sa kanya. "Close ba tayo?"
"Suplada mo naman."
"Fine. Pupunta kong Australia para makalimot."
"Ohh! Love problems. Alam mo yang love, love na yan... you shouldn't take it so seriously." sagot ni James. "Kasi if you're so serious about it, you're going to end up in deep shit. Sige ka... lalong hindi ako maiiyak kapag mapapatingin sa 'yo."
Natawa naman si Nadine sa sinabi nito. "Haggard lang ako lately kakaiyak no. Tignan mo kapag nakamove on na ko baka ngumanga ka sa ganda ko!"
"You better make sure. I have high standards." Biro naman ni James.
BINABASA MO ANG
Tadhana (JaDine)
FanfictionUmalis si Nadine ng Pilipinas para magbakasyon at makalimot sa Australia for 3 months. Sa eroplano papuntang Australia, nakilala niya si James na pabalik naman ng Australia galing sa matagal na pag-stay nito sa Pilipinas. Matutulungan kaya ni James...