"Morning!" Bati ni Nadine kay James pagkagising niya at nakitang nagaayos si James ng buhok sa harap ng salamin.
"Oh, hey! Morning." pagbati naman ni James sa kanya. "Napasarap yata tulog mo."
"Oo nga eh. Napagod siguro ko. Teka... nasan na si Lauren?"
"She went ahead. She didn't want to wake you up kasi mukhang pagod ka daw. So once again, you're stuck with me." sabi ni James sa kanya.
"Ahh ganun ba?" Sagot naman ni Nadine.
"So anu pang gusto mong gawin dito? We can stroll around the place. Or if you want to surf pa. There's also a bonfire party tonight if you're interested. And, there's an art workshop just a few meters away from here. We can drive there and come back here later if you want." Invite naman ni James sa kanya.
"Wow ha. Mukhang pinlano mo na yung mga gagawin dito ah." Natutuwang sabi naman ni Nadine ng bumangon ito at kumuha ng masusuot na damit. "Sige. Ikaw ang tour guide. Kahit saan mo ko dalhin, makikiride lang ako." sabi nito sabay derecho sa banyo para maligo.
Habang nagddrive si James papunta sa sinasabi nitong art workshop, kumukuha naman si Nadine ng madaming pictures para sa blog entry nya na tungkol sa weekend get-away nila. Siguro matutuwa nito ang mga kaibigan niya pati na din ng pamilya niya sa mga ginagawa niyang adventures sa Australia. Nung unang nakausap niya nga ang parents niya pag-dating niya ng Australia, nag-aalala agad ang mga ito ng sabihin niyang may nakilala siyang lalake na nagpatuloy muna sa kanya. Inisip nila na baka masamang tao si James at dapat na lang ata si Nadine na magbook na lang ng hotel. Pero nang makilala naman nila si Lauren naging mas kampante na sila. At lalo na nung mga nababasa nila ang mga updates ni Nadine sa kanyang instagram tungkol sa mga ginagawa niya sa Australia.
Habang nagbbrowse siya ng bagong picture na ipopost, bigla lang niyang naisip na siguro kailangan na niyang gumawa ng desisyon tungkol sa nararamdaman niya para kay Albie. Tatlong buwan siyang magtatago sa Australia pero naisip niya din naman na imbis na magtago lang, gamitin na niya ang tatlong buwan para alamin kung anu ba talaga na lang ang nararamdaman niya para mapagpasyahan niya na kung maglelet go na lang siya at magsisimula ng bagong siya dito sa Australia o babalik sa Pilipinas ng walang nagbago.
Tumingin siya kay James at sinabi, "Alam mo... nagpropose si Albie sa akin 1 month ago."
Nagulat naman si James na napatingin sa kanya. "Oh... anung sabi mo?"
"Hindi kasi ganito yun. Di ba nga, matagal na kami? So feeling ko din naman ganun na din yung pupuntahan nun. Pero hindi ko kasi alam eh. Parang, kahit na alam ko naman, or inexpect ko naman na kami na din yung magkakatuluyan, nung nagpropose siya sa akin, parang bigla akong hindi na naman naging sigurado."
"So tumanggi ka? Kaya kayo nag-away?"
"Actually kasi, nasa party kami ng Mommy niya. Birthday kasi nun. So nandun lahat ng relatives niya halos. Tapos nandun din yung friends niya mostly. So nung bigla siyang nagpropose, kahit na hindi naman buo yung loob ko... nagsabi ako ng Yes sa kanya. at sobrang saya niya."
"But you only said yes because... you don't want to embarrass him?"
"Oo. Kasi... lumuhod pa siya talaga sa harap ko. At may ring pa tlaga siya. So what do you expect me to do?"
"Well, so... you're engaged now?"
"Actually the next morning, kinausap ko siya. at sinabi ko na hindi pa ako ready talaga. Na... wala pa yun sa mga naiisip ko. Ang dami ko pang gustong gawin ganon." Napabugtong hininga si Nadine habang naalala ang mga nangyari. "So syempre nagaway kami. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-yes ako pero babawiin ko din."
BINABASA MO ANG
Tadhana (JaDine)
FanfictionUmalis si Nadine ng Pilipinas para magbakasyon at makalimot sa Australia for 3 months. Sa eroplano papuntang Australia, nakilala niya si James na pabalik naman ng Australia galing sa matagal na pag-stay nito sa Pilipinas. Matutulungan kaya ni James...