Chapter 7:

1.2K 52 11
                                    


Pagdating nila ng art workshop, agad na humanap si Nadine ng mga paint, brushes at canvass. Biglang nafeel nya na parang may gusto siyang ipaint unlike ng nararamdaman nya a few days ago na kahit anong pilit niya ay wala pa din siyang madrawing. Si James naman ay umupo lang sa likod na para panoorin siya habang nagtitimpla siya ng mga kulay.

"So, what are you gonna paint?" tanong ni James.

"Ahh, wala lang. siguro puno? Dun naman kasi laging nagsisimula lahat. Something like cherry blossoms." Sagot naman ni Nadine.

"Oh, interesting." tugon ni James. "You know my brother will be opening a coffee shop here and he needs an extra hand to do some of the wall paintings. If you want something to do around here."

"Talaga?!" Excited na pagsagot naman ni Nadine. "Sure! Pero baka hindi niya magustuhan yung mga gagawin ko."

"Ano ka ba?! Di ba nga? Our goal is to get you back on your feet."

"Sige. Susubukan ko."

"And besides, may mga painters na din naman siyang kinuha. An extra hand is all he needs. so no pressure."

Natahimik ang dalawa habang nagcoconcentrate naman si Nadine sa kanyang pagpapaint. Inoobserbahan ni James kung pano maingat na pinaghahalo ni Nadine ang mga kulay na gusto niya para magkaroon ng iba't ibang shade ang canvass niya. Bigla namang naisip ni James ang kinwento ni Nadine sa kanya tungkol sa nangyari sa Pilipinas kaya ito biglang napapunta sa Australia. Inisip niya kung gaano kaya magkapareho si Nadine at si Ericka. Natatandaan niya na ang huling napagusapan nila ni Ericka ay ang pagpapakasal at ang pagkagusto ni James na gawin na habang maaga pa dahil sigurado na naman siya dito.

Naisip niya kung natakot din ba si Ericka sa future nila? Ganun ba hindi kasigurado ito sa kanya kaya mas napili niyang tumakbo na lang din at iwan si James ng wala manlang iniwan na bakas kung nasan ito. Malalim ang naiisip niya at iba iba pang mga pangyayari ang ginagawa niya sa utak niyang ng bigla siyang tapikin ni Nadine.

"Ayos ka lang? Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot." Nagaalalang tingin nito.

Napansin ni James na tapos na niya ang ginawang painting at napangiti ito. "Ang ganda."

"Thank you."

"Ang galing. See? Kaya mo na ulit. Gawin mo ng gawin hanggang sa it's going to feel as if you never lost your art."

Napangiti si Nadine kay James bago tumalikod ulit dito at tinignan ang painting niya. "Thank you ha. hindi ko talaga alam kung anung nakita mo sa akin at tinutulungan mo ko ng ganito. Pero this really means so much to me." tumingin ulit si Nadine kay James at hinawakan ang kamay nito. "Whatever it is you're going through, you also have me. Sino pa bang magtutulungan kundi ang kapwa mo brokenhearted dba?"

Tumingin si James sa kamay nila at hinigpitan ang hawak dito. "Thanks!"


Pabalik na ang dalawa sa hotel nila para abutan ang beach party sa gabing yun. Nagssketch ulit si Nadine sa notebook niya ng kung ano-anong bagay na nakikita niya sa daan kahit pati yung gasoline station kung saan sila tumigil para magpagas. Habang nagkakarga si James ng gas, sumandal muna siya sa pinto ng kotse kung saan nakaupo si Nadine.

"Alam mo, pareho tayo eh. Di ba nasabi ko naman sa yo na may girlfriend ako na biglang nawala. Siguro... kahit hanggang ngayon hinahanap ko pa din siya kasi gusto ko ng closure. Yun nga. If it's something we can fix ba... or I just have to let it go."

Tinigil ni Nadine ang pagsketch at tumingala para tignan si James. "Hindi pa ba sign na maglet go yung 3 years na walang paramdam?" Bigla niyang nasabi. "I mean, sorry."

Tadhana (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon