Chapter 5

1K 41 2
                                    

"NADYAAAA!!!" bungad ng mga kaibigan niya pagkatapos magconnect ang facetime nila.

"Hi!!! Miss ko na kayo!!" Bati naman niya sa mga ito at natatawang makitang nagaagawan sila sa screen time. "Nasan kayo?

"Nasa office. Natapos nang irenovate yung department natin eh kaya tada!!" Masayang balita ni Yassi habang pinapakita naman ang bagong office. "And look! Your desk is waiting for you! Kelan ka ba uuwi?"

"Hay naku guys. Matagal pa. 3 months kasi ung vacation ko dito." Sabi niya. "And so far, i'm having fun! Parang ayoko na ngang umuwi eh!"

"Ayaw mo bang umuwi kasi maganda diyan or may iniiwasan ka lang dito?" Tukso naman ni Andre.

"By the way Nadine. Si Albie nga pala nagpunta sa bahay nyo." Kwento naman ni Yumi. "Feeling ko kung may baril lang yung tatay mo nabaril nya na sa galit yun lalakeng yun. Anu bang pinagsasabi niya na hindi kayo nagbreak? E dba nagbreak na kayo?!"

Napatigil si Nadine at tumingin sa mga kasama niya sa kotse. Si Lauren ay may ginagawa sa laptop nya sa likod ng kotse at si James naman ay nakafocus sa pagmamaneho. "Hay naku next time na lang natin pagusapan yan guys ha. Papunta kaming beach ngayon. They are going to take me surfing!"

"Whaaaat? Without us?? Boo!" Sigaw ni Andre sa background.

"Sinong kasama mo? In fairness ha gwapo yung pic bung james na pinost mo sa blog mo! Feeling ko nga kaya bugnutin lagi si Albie dito sa office kasi threatened." Sunod naman ni Yassi.

"Ay wait lang." Sabi ni nadine tinganggal nya muna ang headset nya at tumingin sa magkapatid. "Okay lang ba if you say hi to my friends back in the Philippines?"

"Sure!" Sagot ng magkapatid at kumaway sila sa camera pagkafocus ni Nadine sa kanila. "Hi everyone! Come visit Nadine here!" Volunteer ni James.

"Oh my god girl! Bet na bet!" Sabi naman ni Yumi at natawa silang lahat. Binalik ni nadine ang headset at sinita ang kaibigan.

"Baliw! Hopeless romantic yan si james no. May nagmamay-ari na ng puso nan. Diba james."

James looked at Lauren from the rear mirror at nagpanggap na lang na natawa sa sinabi ni Nadine.

"Anyway, so anong iba pang balita dyan sa Pinas?" Pagchange topic naman ni Nadine. Patuloy na nagkwentuhan ang magkakaibigan hanggang sa makarating ang tatlo sa Byron Bay.


Nakapagcheck-in na din sila at agad agad na dumerecho sa beach para magsurf. Sanay na sanay na si Lauren na magsurf kaya naman iniiwan na nito ang dalawa. Tinutulungan kasi ni James si Nadine magsurf kasi mas malalaki ang alon dito kaysa sa mga alon sa Pilipinas.

Halos mangalahati na ang araw kaya nagpahinga muna ang dalawa. Si Nadine ay nakadapa sa surfboard habang si james naman ay nakababad sa dagat sa harap niya. "So... pasado pala ako sa friends mo?" Tukso ulit ni James.

"Eh pano ba yan hindi ka pasado sa akin." Kunwaring pakipot na sagot ni Nadine. "Saka malay ko ba kung charmer ka lang tlaga. Mamaya lunurin mo ko dito ngayon."

"Eh baka nga ikaw pa ung may masamang balak sa akin. I dont even know what you did to me when i was drunk!"

Winisikan ni Nadine si James ng tubig sa mukha at natawa. "Hindi ka nga pasado sa akin!"

"Taas ng standards mo ha. What do you like in a guy ba?" James said.

"Hmm. Hindi ko alam." Napaisip si Nadine. "Like... I'm looking for security."

"Someone na... ipagtatanggol ka? Something like knight in shining armor, like that?" James said as he swam further to the ocean habang hinihila naman ang surf board ni Nadine.

Tadhana (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon