Chapter 9:

1K 62 13
                                    

Nakadapa si Nadine sa kama habang nagpapatugtog ng music at gumagawa ng designs para sa bagong portfolio na isusubmit niya sa trabaho pagbalik niya nang biglang nagring ang cellphone niya. Sa sobrang busy niya, sinagot na lang niya ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag sa kanya. 

"Hello?"

"Lalabs?" sagot sa kabilang linya.

Nagulat si Nadine ng marinig ang boses ni Albie sa telepono kung kaya napaupo siya sa kama. "Albie?"

"Hey. Kamusta ka na?" mahinang tanong naman ni Albie.

Napaisip si Nadine ng tamang dapat isagot kay Albie. Napaisip siya bigla kung kamusta na nga ba siya talaga. Bigla na lang siyang bumalik sa beach at naalala ng hinalikan siya ni James. For a moment, nakalimutan niya na kung bakit nga ba siya nasa Australia.

"Eto. Nageenjoy naman ako dito." sagot niya.

Tahimik muna ang line at akala ni Nadine wala na si Albie sa kabilang linya. Nang magsasalita na ulit siya, biglang sinabi ni Albie. "I miss you. I'm sorry. Please come back home." 

"Albie."

"I know. Naging gago ko. Pero Nadine pinagsisisihan ko na lahat. Hindi ko kayang mawala ka. Kung hindi ka pa ready, okay lang! Maghihintay ako. Kung ayaw mo ng mga plano ko para sa atin, okay lang. Hahayaan kita kung gusto mong buuin muna yung mga pangarap mo. Pero please, bumalik ka na dito. Hindi ko na kayang wala ka na sa tabi ko."

Rinig na rinig ni Nadine ang pagkadesperado ng ni Albie sa phone at nararamdaman din naman niya ang kirot sa kanyang puso. Ngunit hindi niya maisip kung bakit hindi niya kayang sagutin si Albie na miss na niya ito. Dahil ba masyado na din siyang nageenjoy sa Australia? O dahil sadyang nakakamove on na nga siya dito. 

"May halos 1 buwan at kalahati pa ko dito Albie." sagot niya. "Pag-uwi ko, saka na lang tayo magusap." sabi ni Nadine sabay pagpatay ng telepono. 

Humiga ulit siya sa kama at pilit pinapakalma ang puso niya. Hindi niya maintindihan kung anu na ang nararamdaman niya ngayon.


Simula nung muling mag-usap si Nadine at James, parang bumalik na sila sa dati nilang pagiging close. Madalas din na sumasama si Nadine sa shop ni Tom para tumulong sa final furnishing. Nagkaron din siya ng opportunity na magpaint sa wall ng mural kaya mas nagiging busy na din siya. One week na lang kasi bago magbukas ang shop at madami pa silang kelangan ayusin. Minsan naman kapag walang ginagawa si Lauren ay tumutulong din siya dito. 

Habang busy si James at si Nadine na tinatapos ang mural, nasa isang sulok naman ang magkapatid na Tom at Lauren habang pinapanood sila at hindi maikakaila na kahit sila ay may nakikitang kakaibang chemistry sa dalawa. Halos mag 2 months na si James sa Australia at simula nung nagpunta ito ng Pilipinas, iyon na ata ang pinakamatagal na panahon na nakita nila si James na hindi hinahanap si Ericka.

"You think he's finally getting over Ericka?" tanong ni Lauren sa kapatid.

"I don't know." sagot naman ni Tom. "You know him and you saw how devastated he was when Ericka left him with no words."

"Yea. He followed her like a dog. He stalked her." Lauren said. "But i dont know, Tom. I think Nadine's good for her."

"Well, I do like Nadine, but I just. I dont know. I don't want James to mistake his feelings for Nadine... just because they are both lonely. James told me about Nadine's boyfriend cheating on her." Tom said matapos tapikin ang shoulder ng kapatid. Alam niya kasi na sobrang close si Lauren kay James kaya alam din niya ang concern na nararamdaman nito para sa kapatid nila.

"Yeah. They just probably found a familiar place with each other." sagot naman ni Lauren.


The day before ng grand opening ng shop, nagdecide ang dalawa na sabay maghanap ng regalo para kay Tom. Nagikot ikot sila sa mall at naghanap ng mga bagay na pwedeng idisplay ni Tom sa restaurant. Mula sa mga frames, to flowers, to plants to vases, nalibot na yata ng dalawa ang buong mall pero wala pa din silang makita. 

Tadhana (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon