CHAPTER 14
"The two of us look cute together."
TOKWA. Nastuck na sa isip ko yan. Siguro nga?
Gwapo kasi sya at ako, cute na maganda, so why not? Pero naiinis na sya dahil dun? Dahil tama yun? Sabagay. Sometimes, truth is weird.
Pagkatapos nya kasi sabihin yun, walang umimik sa amin. Ang awkward kasi eh. Nakakakilig din. Hihi Joke.
"A-ah. Babe?" pagbasag nya ng katahimikan.
"Quit it! Hindi mo ako Babe! Tsssk!"
Lalo syang lumapit sa akin. After nga nya kasi sabihin yun, lumayo kami ng onti tapos ngayon, mas malapit na sya. Eerrr? Awkward?
"Sorry. Inenjoy mo siguro yung moment natin kanina." He winked at me and he got near me again. At nagtatouch na yung skin ko sa kanya. Na parang kinacuddle nya ako. Hindi ako ready dito! Kaya binato ko sya agad ng unan. Tumawa naman sya. ugh.
"Kapal talaga! Whoo! Sino kaya? Yung may paloveyou loveyou pa dyan?"
"Kailangan yun para effective, ano ka ba."
"Uuugh! Whatever!"
"Sungit oh. Sorry na. We enjoyed it naman eh."
"Ikaw lang yun! Wag ka nang mandamay! Hay nako Vin!"
"Pero hindi ka naman nag I love you too." sumimangot naman sya agad.
"Binibigay yun sa taong mahal mo talaga! Baliw!"
"Ang sakit ha. It hurts. My heart hurts." umacting pa siya na nasasaktan kaya ayun pinagbabato ko ng unan.
"Isip bata! Ampanget! Tsk!" sigaw ko habang binabato sya at yun, tawa na naman sya nang tawa. masyadong masaya 'to ah -__-
"Makatawa ka naman dyan, parang walang bukas."
"Eh ngayon na lang ulit ako nakatawa ng ganito eh."
"B-bakit?"
"I used to laugh whenever she was at my side."
Naging seryoso na yung aura namin. Umupo na siya ng maayos at nagfade yung ngiti nya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Let's put it in this way. 2 and a half years ago, I was the happiest guy in this world. Sinagot ako ng pinakamamahal kong babae. Isang taon din akong nanligaw sa kanya at hindi sumukong suyuin sya araw-araw. Everyday I cook something for her at nilalagay ko yun secretly sa locker nya. Every week, binibigyan ko sya ng flower and minsan teddy bear. Nagpaulit-ulit yun hanggang sa sagutin nya ako.
Hindi nagbago yung sweetness namin. Araw-araw para pa rin akong nanliligaw sa kanya. Bihira lang kami mag-away as in. We had the usual late night talks, morning dates, night outs and the rest a common couple do. Meron pa kaming couple shirt nun and they always claim us as the perfect couple in the campus. I call her Baby and she calls me Baby too.
One day, a transferee came. Classmate namin sya. He was handsome, sabi nya. Matangkad kasi, maputi, seryoso, at matalino. Gwapo? Psh. Mas gwapo ako dun noh. I am the ideal guy a girl can have."
"Ehemmm." napaubo ako bigla. Eh sya na assuming. Hahaha. Napatingin naman sya sa akin kaya nagpeace sign ako.
"Eh. hehehe. Peace! Echos lang yun. Go lang."
"Hahah! Kulit mo talaga!" ginulo nya ulit buhok ko. Seriously, anong meron sa buhok ko? Kanina pa ginugulo -__-
"Oh. Tama na! Nabitin ako dun. Tuloy na!"
BINABASA MO ANG
He'll be Married (on-going)
Teen FictionFalling for him is illegal. Loving him is a crime. For the main reason that He'll Be Married.