CHAPTER 7
Tinitigan ako nang masama ni Tita. As in sobrang sama. =__=
Paktay ka diha, Tiffany!
Tapos, hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.
Niyakap ako ni Tita at nagtatatalon.
“Nakoooo! Teeepaniii! Yieee!”
HUH? O__O Para siyang bata -_- Ano bang meron?!
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto.
“Mama?! Anong nangyari sa inyo dyan?!” Pagkalingon ko, nakita ko si Kuya Clark na oh so gwapo.
HAHA! Naka fitted white shirt lang siya then naka short na checkered at medyo messy yung buhok. Bakat yung slim body niya. Siguro bagong gising ‘to. ANG POGIII! Anobey! Nakakamot siya sa ulo niya. Ang gwapo talaga, nakakainis!
Lumapit siya nang unti-unti at—
Isinara yung bibig ko-WHAT?!
Nakanganga ako?!
“Tiffy? Isa ka pa rin. Baka may pumasok na langaw.” Oo, pareho ang tawag nila sa akin ni Vin. Tsk, panira yung si Vin!
>////< Nakakahiya naman oh. Hindi kaya halata na niya? Tsk, wag! Ayokong masira closeness namin!
“Ano ka ba, Kuya Clark! Nagpapractice lang ako ng facial exercise!” excuse ko pa. San nanggaling yun?!
“Ay ganun? Turuan mo ako ng ganyan ah!” Naniwala nga =_= Mabuti na yun!
“Haha-ha Syorness!” tumawa ako nang putol-putol. Ginulo niya ulit yung buhok ko. SI Tita? Ang higpit ng yakap sa akin.
“Nakoo po! Teeepanii! Ikaaaw Talagaaa!” sigaw ulit ni Tita.
“Ma?! Ano po ba yan?! Ano pong meron kay Tiffy?!”
Tinanggal agad ni Tita yung pagkakayakap niya sa akin.
“Hay, Clarky Boy, hindi mo ba alam, itong pinsan mo—“ nakangiting sabi ni Tita habang namumula.
Tsss.
“Ano po, ma?”
“MAY BOYFRIEND NANG GWAPO AT MAYAMAN!” dugtong niya kaya napa-
“ANOOOO?!” ako at si Kuya Clark.
Napatingin sa akin si Kuya Clark at parang nakikita ko sa mukha niya na nagtataka siya sa mga sinasabi ni Tita.
“Totoo ba, Tiffy?” parang dismayado yung itsura niya. Waaah, nagseselos kaya si Kuya Clark? Hihi.
“ANO?! HIn—“
“Teepani, alam mo, ayos lang sa akin kahit magpagabi ka pa ng uwi at hindi matapos ang gawain mo sa bahay kung yun ba naman ang siguradong mapapangasawa mo eh.” Sabat ni Tita. =__=
Pero—O_O ANO RAW? Hindi na niya ako gagawing katulong niya dito? Mehehe. May naiisip ako. Naiisip niyo rin ba yun? Kung oo, pareho tayo ng takbo ng utak. HAHAA!
“Pero Tita, ano po kasi, uhh-“
“Ssh. Ngayon mo lang ako pinasaya nang ganito, ikaw bata ka. Jackpot ka sa boyfriend mo! Ang kinis ng kotse kanina! Parang hindi napuputikan, o kaya nadudumihan. Ang ganda ng suit! Pangmayan at alam ko milyon ang halaga nun! At at—“
“ANO?! HINATID KA PA NYA DITO?!” biglang sigaw ni Kuya Clark. Eeek. Nakakatakot. Parang ngayon ko lang siya narinig nang ganito. Parang may galit o inis.

BINABASA MO ANG
He'll be Married (on-going)
Teen FictionFalling for him is illegal. Loving him is a crime. For the main reason that He'll Be Married.