CHAPTER 1
Tiffany’s POV
Hi guys! Ako si Tiffany Andrada. 4th year student na, studying in Northern Learning Academy or simply NLA. Hindi ako ganung kayaman gaya ng mga usual na estudyante dun. It’s actually because ampon lang ako. Yes. I am orphaned since I was a year old. Di ko na maalala lahat ng iyon basta ang alam ko lang, pagkagising ko nasa pamilya na ako ng mga Navarro. Di ko alam kung bangungot ba ‘to o nightmare. Ayssh! Nako Tiffany, baliw ka na! =__=
Oo nga pala. Kakalipat ko lang sa Makati. Galing kasi ako sa kung saan dyan. Bleeh. Secret na kung san syempre. Wahaha! And, nagulat nga ako kasi natanggap ako sa nagkaroon ng full scholarsip galing sa isang Nongovernmental organization at ang iniisponsoran kasi nila ay yung NLA kaya ayun.
Teka nga, may pasok pa pala ako ngayon. Tssss.
Pinusod ko yung buhok ko atsaka naglagay ng kung anong bulaklaking ipit at iniladlad lang yung bangs ko. Naimagine niyo na kacute-an ko? Wiie joke.
Sinuot ko na yung long sleeves na white at vest na blue at skirt at nagsapatos na black.
*tok tok tok
“HOOY! BABAITA! LUMABAS KA NA DYAN! IPAGLULUTO MO PA KAMI NG UMAGAHAN! BILISAN MO NGAAAAA!”
Ayyysh. Ayan si Tita. Ganyan ang scenario naming araw-araw. Si Tita kasi, kapatid daw ng nanay ko at simula ng maulila ako, sya na ang tumayong “monster kong nanay-nanayan” tsssk!
“HOOY! ABAAA! *TOK TOK TOK* TEEPANEE! GUMISING KA NGAAA!”
Nyenye.
“OHO! Saglit lang ho!”
“ANONG SAGLIT?! BILISAN MO SABI!”
Ayysh!
Bigla kong binuksan yung pinto at –
*BLAAAG
Uh oh.
HAHAHHA!
Epic Fail.
Nawala ang kabangisan HAHAHA!
Natumba yung aswang kong tita sa sahig. Napghahalataan tuloy na tamad. Siguro kanina pa ‘to naksandal sa pintuan ko. Tsk! Napakamainipin! Kainis! Makasigaw parang Alipin ako ganun?! =___=
Nung napatitig ako sa kanya, bigla siyang napatayo na para bang walang nangyari. Inayos niya yung buhok niya at hinila pababa yung damit niya na nagulo mula dun sa pagkakabagsak at pinagpag yung damit niya. Pfft. Gusto kong tumawa =D
“Ah—t-ita a-ayos lang—b-ba—“
“HOY! NAPAKAKUPAD MO! BUMABA KA NA AT IPAGHANDA KAMI NG PAGKAIN! BILIS! KUPAD KUPAD! MAS MATINDI SA PAGONG! ABAA! TSSSSK!” sinasabi niya ‘to habang pababa ng hagdan.
Grabe ha. Kung ituring naman ako dito, aliping alipin talaga?!
*BLAM
[tunog ng nasaradong pinto]
Napalingon ako.
“Uhh—Uyy Tiffy! Ano na namang sinabi sa’yo ni nanay? *yaaawn*”, sabi niya habang kinakamot ang ulo at humihikab. ”Wag mo nang damdamin yun ha? Ganun talaga yun!” pagkasabi niya nito ginulo niya yung buhok ko atsaka bumaba.
Haaay. Buti naman at may maganda pang loob dito. Yun nga pala si Kuya Clark. Ampon lang siya nila Tita pero tignan niyo na lang, mahal na mahal siya nun. Gwapo kaya nun ni Kuya Clark na pinsan ko raw kuno. Matangkad, mestiso, mabait at halos perfect na. 4th year lang din siya kaso sabi ko nga, mas matanda siya ng konti. Isang taon lang kaya ayun, Kuya ko. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit crush ko yun. Ahee. Shhh! Hooy! Walang maingay diyan! Wala namang masama diba? Di naman talaga siya anak ni Tita at di kami magkadugo. Kaya walang masama. =) Oy secret lang yan ha!

BINABASA MO ANG
He'll be Married (on-going)
Dla nastolatkówFalling for him is illegal. Loving him is a crime. For the main reason that He'll Be Married.