26/13

75 4 3
                                    

I'm back :) para sa'yo to. Sa pag-iintay mo sa ud ko... /.\

~*~

Sayang na sayang talaga!
Dating pag-ibig na alay sa iyo!
Sayang na sayang talaga!
Pagmamahal na 'di ko matatanggap sa iyooooo oh!

Kasalukuyan siyang nasa loob ng jeep at tamang tama naman na binuksan ni manong driver yung radyo at nagpatugtog. Patuloy lang sa pagkanta si Hershey sa kanyang isip ng 'Sayang na sayang' by Aegis. Maluwag na ito kaya wala na sa ayos ang kanyang upo. Kanina pa siya naka-dungaw sa bintana ng jeep, mabilis din ang pagmamaneho ni manong driver kaya yung malamig na hangin ang humahampas sa mukha at buhok niya. Feel na feel niya, may background music pa nga eh.

Inaalala niya yung kasalan kanina. Hindi pa rin niya makalimutan ang pag-acting ni Jake at Dinnah. Siya na ang hindi makapag-move on! Eh kasi ba naman, parang totoong totoo ang lahat ng kanyang nakita.

May balak kang, iwan ako..

Another song to be sang on the radio. Sumabay na naman siya sa tugtog nito na tila nagsesenti habang may malakas na hangin ang humahampas sa mukha niya.

Nababasa ko, sa mga mata mo...

Tumingin siya sa loob ng jeep, wala na palang tao! Siya na lang at si manong! Namalayan din niyang wala na siya sa daan pauwi.

Nakapatay kasi ang ilaw kaya hindi niya masyadong pansin ang nasa loob.

"Kuya," tinawag ni Hershey yung manong para buksan yung ilaw at para makapagtanong na rin kung nasaan na sila.

Di ko kaya! Di ko kaya! Ako ay iwan mo!

Hindi talaga siya maririnig nung driver dahil sa full-blast radio nito. Napatingin ulit siya sa bintana, 5:30 na pala ng gabi? Hindi niya namalayan.

"Kuya!"

Di ko kaya! Di ko kaya! Sa buhay ko ika'y mawala...

Sumigaw na siya lahat-lahat, pero hindi siya marinig ni Manong. Para kasing napansin niya na dire-diretso lang ito sa pagmamaneho na para bang wala ng tao sa loob ng jeep.

Binuksan niya ang ilaw ng flashlight niya, kinatok niya yung kahoy na bubong, "kuya!"

"S-sino k-ka?!" Balisang sabi nung driver. Parang gulat na gulat at takot na takot ito. Biglang nakaramdam si Hershey ng takot. May iba pa bang nakikita si manong maliban sa kanya?

"Hindi na po ito yung daan papunta sa may tulay?" Tanong ni Hershey. Itinigil nung driver yung jeep. Imbes na tumingin sa kanya, ito ay sumisilip na lang sa front mirror.

Nanginginig na si Hershey sa takot dahil wala ng tao sa paligid. Naiinis din siya kasi hindi nasagot yung driver. Pinagpapawisan ito! Para bang nakakita ng mul-- hindi ipis pala!

Ano bang problema ng driver na ito?

Tanong niya sa sarili.

Maganda naman ako ah?

Sabi niya sa isip ulit.

Rockefeller's Wedding-crasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon