"Truth or dare?" tanong ng isa kong kaklase.
"Truth" sagot ni Brent tas nag smirk. Nga pala, may pagka mayabang tong si Brent.
"Hmmm, sino crush mo? Isa lang ha! Yung crush mo talaga"
Parang nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ang tanong pero napabuntong hininga siya at napatingin sa banda na inuupuan ko.
"S-siya" nauutal niyang tugon habang nakaturo sa direksyon ko. Lahat nakatingin sa akin at pati si Christine ay napahinto sa pagsusuklay ng buhok ko.
"Si Shaira?" tanong ni Carla.
"Hindi ako,si--" tatanggi na sana ako nang magsalita si Brent
"Oo, si Shaira." Lahat sila natahimik at napatingin sa akin. Ilang segundo lang ay nagsimula ng maghiyawan ang mga kaklase ko habang si Brent ay ngumingiti.
At ako? Tulala.
~~o--o~~
October 4, 2015
BINABASA MO ANG
Twist of Fate
Teen FictionNormal na babae lang si Shaira. Hindi mahirap, hindi mayaman, hindi sikat, pero hindi rin naman loner. Normal na teenager na nagkaka-crush din gaya ng iba. Pero paano kaya kung malaman niya na ang crush niya ay crush din siya? Papaniwalaan niya ba i...