Chapter 3

53 7 0
                                    

"Matagal ko na siyang gusto. So can you help me? Ilakad mo naman ako sa kanya oh? Ilakad mo ko kay Christina, please?" pagmamakaawa niya at hindi ko alam pero kumirot ng konte (konte lang naman) ang puso ko. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na sabihin sa akin yan. Hindi niya ba iniisip na baka masaktan ako?

Eh bakit naman niya iisipin yon eh hindi naman niya alam na crush ko siya? Tanga ko talaga.

"Bakit ako?" tanong ko sabay subo ng pagkain.

"Kasi.. magkaibigan kayo?" patanong niyang sagot.

"Eh ba't hindi si Carla?" tanong ko ulit. Sa totoo lang, ayaw ko talagang gawin ang sinabi niya. Sino ba namang tao ang ipauubaya ang crush niya sa iba? Oo hindi ganun kalalim ang pagtingin ko sa kanya pero ayoko pa rin noh.

"Eh alam mo naman ang bibig nun. At hindi kami close" nakasimangot niyang tugon. Sa bagay, hindi talaga makakatago ng sikreto ang baklang iyon. Pero ano daw?

"Bakit, close ba tayo?" kunot-noo kong tanong.

"Oo naman!" diretsahang sagot niya.

"Kailan pa?" tanong ko na nakataas ang isang kilay.

"Ngayon lang"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinagot niya.

"Hindi ako magaling sa ganyang bagay, Brent" sagot ko at hindi ko alam kung bakit napatigil siya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay "Bakit?" tanong ko.

Tumawa siya at umiling. "Wala, okay lang naman kung ipakilala mo lang kami sa isa't isa." nakangiting tugon niya. Hindi ba siya maka sense na ayaw ko talaga? Tsk.

"Kilala niyo naman ang isa't isa ah?"

"I mean, close kayo, close tayo, hindi kami close" sabi niya na parang may gustong iparating.

"So ako ang gagamitin mong tulay para magka-close kayo" pagtatapos ko ng salita.

"Yup" sabi niya at ngumiti ulit.

Huwag mo nga akong ngitian, baka bumalik yung unti-unting nawalang feelings ko sa'yo eh.

"Ba't ba hindi ka na lang umamin? Gwapo ka naman at siguro kung liligawan mo siya, sasagutin ka niya, syempre kung magpapakabait ka." sabi ko at napakamot naman siya ng batok niya.

"Eh mas gusto ko na friends muna kami eh" nahihiyang tugon niya.

"Gusto mo friends muna kayo. Magkakaclose kayo ng dahil sa akin. And since close na kayo, papa-inlovein mo siya sa'yo. Tapos kung napapansin mo ng nahulog na siya sa'yo, liligawan mo hanggang sa maging kayo." tapos ako maiiwang luhaan.
"Yun ba ang plano mo?" Tanong ko tsaka uminom ng tubig. Grabe, parang hindi ko kakayanin 'to.

Gwapo si Brent. At kahit playboy siya, alam kong mabait siya at Hindi na ako magtataka kung maiinlove ako sa kanya pag ganito siya kalapit-lapit sa akin.

"Uuhm, oo" sabi niya. Simula nung makilala ko siya ay ngayon ko lang siya nakita na nahihiya. Marami siyang contest na nasalihan pero confident naman siyang tignan. Siguro sincere talaga siya kay Christine. Lucky her.

Napailing ako. Hindi dapat ako magselos kay Christine. Mabait na kaibigan si Christine at kung hindi dahil sa kanya, hindi din kami magiging close ni Carl. Ibig sabihin, ng dahil sa kanya nagkaroon ako ng kaibigan.

"Akala ni Christine na tayong dalawa na. Paano ka makakagawa ng move niyan?" kalmang tugon ko.

"Uhh" sambit niya na parang hindi din alam ang gagawin. Kita mo 'to. May pahalik-halik sa pisngi pa kasing nalalaman.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Huwag ka ng mamroblema diyan. Ako na ang bahala"

Napangiti naman siya sa sinabi ko

"Talaga?" tanong niya kaya tumango ako.

"Thank you talaga!" masayang tugon niya. Hay.

~~o--o~~

Nakabalik na kami sa classroom at nandun na din sina Christine at Carla. Umupo na ako sa seat ko at sinalubong ang ngiti ni Christine.

"Huwag ka ngang ngumiti dyan, natatakot na ako sa'yo ha" masungit kong tugon. Oy huwag niyong isipin na naiinis ako kay Christine. Sadyang ganito lang talaga ako sa kanya, sa kanila ni Carl.

"Kwento mo naman kung anong pinag-usapan niyo ni Brent." sabi niya.

"Oo nga girl. What happened?" excited na tugon ni Carl.

"Wala naman. Binasted ko siya" kalmadong sagot ko. Imbyerna, kung makagamit ng 'basted' parang kung sinong maganda.

"What?!" sabay nilang sigaw.

"Why?" nagtatakang tanong ni Carl

"Kasi hindi ko siya gusto, alanganin namang paasahin ko siya?" Boom, lakas makasinungaling eh noh? "Kaya sinabi kong maging close friends na lang kami, and cool naman siya dun" sabi ko. Wow ha.

"Psh, boring" sabi ni Christina

"Huwag niyo nga akong husgahan" naiinis kong tugon. "At ikaw Christina, akala ko ba ayaw mo siya para sa akin?" naiinis kong tanong.

"Eh, naisip ko na bagay naman pala kayo. And it's time na para magka love life ka. hehehe" sabi niya at napairap na lang ako.

"Wala akong oras sa lovelife-lovelife na 'yan, Tin" sagot ko

"Eh what's your plan ba girl? Are you planning to be a matandang dalaga? Sayang naman ang chada mong mukha at sexy mong body" maarteng tugon ni Carl.

"Tumahimik ka nga Carla, porke hindi pa fully nawala ang inis ko sa'yo, hindi mo ako madadala sa pambobola mo" masungit kong tugon kaya nag-pout na naman siya.

"Hey" biglang sulpot ni Brent

"Hi Brent!" Nakangiting tugon ni Christine at hindi nakawala sa akin ang pagpula ng konte ng pisngi niya pero agad naman itong nawala nang bumati si Carla.

"Hi baby Brent" malanding tugon nito.

"Sasali daw si Brent sa maliit na circle of friends natin" walang gana kong sabi.

"Huh?" Biglang tanong ni Christine at nahihiya namang tumawa at pasimpleng binulungan ako.

"Hindi ba kayo magiging awkward, Shai? Binasted mo siya diba?" Bulong niya sa akin. Patay.

"Hindi yan" tanging sagot ko na lang

"Uhm, it's okay kung ayaw niyo akong isali" nahihiyang tugon ni Brent. Ang cute niya tuloy.

"Hindi noh! Nagulat lang ako kasi, you know, binasted ka ni Shai, baka maging awkward kayo" halatang nagulat si Brent sa sinabi ni Christine kaya nag mouth sa akin si Brent ng "basted?" At awkward ko siyang ningitian.

Well, siguradong mapahiya si Brent pag malaman ng iba na nabasted siya ng babaeng tulad ko.

"H-hahaha, secret lang natin na nabasted ako ah, alam mo naman ang mga fangirls ko" nahihiya na may pagkayabang na tugon niya.

"Sureness, they might hurt Shaira girl" pagsang-ayon naman ni Carl.

"Oo nga" -Christine.

"Hehe, salamat" nahihiyang tugon ni Brent.

Dumating na ang subject teacher namin sa first subject namin sa hapon kaya bumalik na sina Carl at Brent sa kani-kanilang seats.

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon