Chapter 4

63 5 3
                                    

Sabado ngayon at ngayon na namin uumpisahin ang plano namin ni Brent.

Niyaya ko na si Christine kahapon na manonood kami ng movie ngayon. Nagdalawang-isip pa akong yayain si Carl kasi baka siya ang makasira ng plano. Pero buti na lang ay may pupuntahan sila ng family niya ngayon kaya hindi siya makakasama.

Sumang-ayon si Christine kahit na kaming tatlo lang ni Brent ang manood. Kaso ang hindi niya alam, the moment na darating siya sa tagpuan namin, yun din ang time na tatawag ako at sasabihing hindi ako makakapunta.

Pero kung minamalas ka nga naman oo, nanakaw pa ang cellphone ko habang sumakay ako ng jeep kahapon. Walang hiya eh dalawang taon kong pinag ipunan 'yon!! Kaso wala na akong choice, siguro destined na talaga na manakaw yon. Si Lord na lang ang bahala sa magnanakaw na yon. Pero nakakapanghinayang talaga! Dalawang taon eh! Dalawang taon! Tsk.

Since no choice ako ngayon, kailangan kong pumunta sa tagpuan pero magtatago ako at tatawag gamit ang malapit na payphone. Syempre kailangan kong pumunta para makita kung dumating na ba si Christine. Buti na lang at memorize ko ang number niya.

1 o'clock pm ang usapan pero 12:30 pa lang ay nandito na ako malapit sa tagpuan namin. Nakaupo ako sa bench at pingtitinginan ako ng tao. Eh hindi ko sila masisi kasi sino ba namang Pilipino ang magsusuot ng makapal na jacket sa ilalim ng napakainit na araw. Tapos naka cap pa. Oh diba? Walang ibang magsusuot nun kundi ako lang.

Syempre noh, paano na lang kung makita ako ni Christine. Masira pa ang plano ko.

12:43 pm at nakita ko na si Brent. Hindi halatang excited siya -_-

Nakasuot siya ng 3/4 na color blue na shirt at naka jeans. Ang simple lang pero ang gwapo pa din. Kung ako pinagtitinginan sa suot ko, siya pinagtitinginan sa mukha niya. Psh.

Umupo siya sa di kalayuang bench at tumayo ako at naglakad. Umupo ako sa bench na nasa likod lang ng bench na inuupuan ni Brent. Bale magka back to back kasi ang bench so back to back din kami ni Brent.

"Brent" sabi ko na siya lang ang nakakarinig. Halatang nagulat siya. Tumingin ako sa kanya at sinabing:

"Umupo ka ng maayos, baka dumating si Christine at makita tayong nag-uusap" sabi ko sabay upo na din ng maayos at sumunod naman siya sa sinabi ko.

"Ba't ka nandito? Akala ko itetext lang kita pag nandito na si Christine tapos tatawagan mo siya at sasabihing hindi ka makakapunta?" Nagtatakang pabulong niyang tanong habang nakayuko.

"Nanakaw ang cellphone ko eh, kaya nagpunta na lang ako dito" paliwanag ko.

"Ayh ganun ba?" Sabi niya. Tumigil kami sa pag-uusap at ilang minuto ang nakalipas, may tumawag kay Brent.

"Wait Christine, ila-loud speak ko" sabi ni Brent sabay sagot sa tawag.

"Hello?" Casual na tanong ni Brent.

"Brent, ikaw na tinawagan ko kasi hindi ko ma contact si Shaira. I'm sorry talaga ah, pakisabi naman kay Shaira oh na hindi ako makakapunta diyan. Biglaan kasi dumating ang ate ko eh at ilang taon na rin kaming hindi nagkasama. Kaya I want to spend my time with her dahil babalik na naman siya sa Australia this Monday. Sorry talaga at hindi ako makakasipot" paliwanag ni Christine at nakita ko namang nalungkot si Brent pero agad ding ngumiti.

"Nako okay lang, naiintindihan ko naman at for sure ay maiintindihan ka rin ni Shaira" sabi niya.

"Hehe, salamat ah. Pero magpasalamat ka din sa akin kasi masosolo mo si Shaira" biro ni Christine at feeling ko ay pumula ang pisngi ko kaya agad akong yumuko nang tumingin si Brent sa gawi ko. Buti naka cap ako.

"Hahaha, thank you?" Patanong niyang sagot.

"Hahah, ikaw talaga. Sige bye na!" Sabi ni Christine tsaka binaba ang phone.

Napabuntong hininga si Brent at nilagay na ang phone niya sa bulsa.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Hay, sira ang plano. Uwi na lang tayo" saad ko at maglalakad na sana nang hawakan ni Brent ang braso ko para pigilan ako. I swear, may kuryente akong naramdaman.

"Nood na lang tayo. Sayang ang pinunta natin dito"

"Huwag na, wala akong dalang pera. Kung alam ko lang eh" pagtanggi ko. Pampamasahe lang kaya ang dala kong pera ngayon.

"Sige na, libre ko naman eh" Offer niya.

"Ay naku, nakakahiya. Huwag na" pagpapakipot ko. Gusto ko naman talagang sumama at syempre libre na yon kaso nakakahiya naman talaga.

"Huwag ka ng mahiya!"

"Osige na nga! Madali naman akong kausap eh." Sabi ko. Eh sino ba namang aayaw sa grasya? Minsan lang to kaya sulitin na.

Pumunta kami sa malapit na mall at pumila ako para bumili ng ticket habang si Brent naman ay bumili ng snacks.

Napili naming manood ng horror movie kasi parehas pala kaming mahilig nun. Though medyo matatakutin ako ay favorite ko pa rin ang horror. Ang cliche kasi ng romance.

"San tayo uupo?" Tanong ni Brent

"Diyan sa pinakaunahan, para maka focus talaga tayo sa movie. Kung sa likod kasi tayo, ang rami nating mapapansin na tao" sabi ko at naglakad na patungo sa unahan na seats. I turned my head nang mapansin kong hindi siya nakasunod sa akin.

"Bakit?" Tanong ko nang nakatulala lang siya.

Ngumiti lang siya at sinabing " Wala, I just find you amusing" at naglakad na siya patungo sa unahan. I swear, ang init ng pakiramdam ng mukha ko.

~~o--o~~

"Bwisit na babae, kung umalis ka nalang kaya diyan? Bakit ba ang curious-curious mo? Kung may multo diyan?!" Inis kong sambit sa babae sa movie. Ang hirap kasi sa mga movie na yan, pag may narinig na ingay mula sa loob ng kwarto or something, pupuntahan agad yun. Tapos slow mo pa kung maglakad. Nakakabwisit.

"Hahah, chill ka lang" tawa ni Brent at hindi ko na lang siya pinansin.

Agad akong napasigaw nang may multong lumabas.

"See? Sa pagka curious mo, ngayon pa takbo-takbo ka na?! Gosh!" Inis kong tugon kahit hindi naman ako maririnig ng babaeng nasa movie.

"Excuse me miss, pakihinto na po yang pagbulyaw niyo, naiistorbo ang baby ko eh" sabi ng katabi kong may dalang baby na natutulog.

" Ay ate, ano po bang nasa isip niyo at dito niyo pa dinala ang baby eh alam niyo naman sigurong horror ang palabas dito. Huwag ka pong mag expect na lahat ng tao dito eh natutulog" inis pero kalmado kong sambit sa babae. Lakas makapatahimik sa akin eh.

Inirapan lang niya ako at hindi na nagsalita ulit.

Napatingin ako sa likod dahil sumipol siya. Tinignan niya ako na parang natutuwa siya sa akin at omygosh ang manyak ng mukha niya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa movie pero nabigla ako nang may bumulong sa akin.

"Miss, anong pangalan mo?" Tanong ng lalaking sumipol kanina.

"Bakit?"

"Wala lang, just want to know you beautipul" grabe ang English niya, Pilipinong- pilipino.

Magsasalita na sana ako nang biglang may humila sa kamay ko patayo.

"Let's go" sabi ni Brent habang hinihila ako.

"Huh? Pero hindi pa tapos ang--"

"It's okay, the movie is boring. And that guy is bothering you" sabi niya hanggang nakalabas na kami sa cinehan.

"Are you hungry?" Tanong niya.

Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin. Omygosh, my crush is holding my hand. HHWW kami!

"Shaira?" Napatingin ako sa kanya " Are you hungry?" Tanong niya ulit

"Uhmm" hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na naman niya ako.

"Never mind, let's eat"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon