Chapter 1

75 7 0
                                    

Ako nga pala si Shaira Caballes. 17 years old, 12th year of high school. Ikalawa sa apat na magkakapatid. Hindi kami mayaman. Nag-iisa lang kasi si mama na nagtataguyod sa amin. Si Papa? Hindi ko alam kung nasaan na. Sa pagkakaalam ko, 2 years old pa lang ako at pinagbubuntis pa ni mama ang kambal kong kapatid ay iniwan na niya kami. Ewan ko dun.

Sa public school lang ako nag-aaral, pero huwag ka, maraming mayayaman dun. Maganda kasi ang school na yun tsaka mas gusto ng iba kung sa public nag-aaral kasi hindi raw maganda sa private. Ewan ko ba. Para matulungan si mama, nagpa-part time job ako. Nagtitinda lang ako sa isang burger junction pagkatapos ng klase ko at tuwing weekends.

Ang panganay namin ay lalaki. May asawa't anak na siya ngayon, 23 years old na siya at ang trabaho niya ay nurse. Kaso, walang trabaho ang asawa niya kaya medyo nahihirapan silang mag-ipon. Kaya in the end, nakikitipon sila sa maliit naming bahay. Honestly medyo naiinis ako kay kuya kasi ang aga niya nagkaasawa't anak. Dapat sana pinapaaral niya muna kami para hindi masyadong mahihirapan si mama. Kaso ang aga nakabuntis. Tsk. Isang call center agent pala si mama.

Kalahating oras na akong nakatayo dito sa tabi ng daan kakahintay ng jeep. Kainis, malapit na akong ma late. Kung tutuusin, may kasalanan din naman ako dahil ang late ko ng natulog kagabi dahil sa sandamakmak na assignments at well, nanonood na din ng movies. Umuulan pa naman ngayon kaya mas mahirap sumakay. Marami ding nag-aantay ng jeep dito sa tabi ko kaya dapat kong maging mabilis sa pagsakay.

Mga ilang minuto lang ay nakatanaw na ako ng jeep. Unahan sa pagtakbo ang mga tao at syempre hindi ako papatalo. Tumakbo din ako at umakyat ng jeep at alam kong may mga naiinis sa akin dahil may mga tinulak ako. Well, pasensya na lang kayo.

Hindi naman nagtagal ay nakadating na ako sa school. Pagpasok ko pa lang ng gate, alam kong late na ako dahil wala ng masyadong studyante sa paligid.

Ang school namin ay public na parang private. Magulo ba? Well, sa school na'to, kumpleto. Magagaling ang mga guro, may gymnasium, may canteen atbp. Kaya maraming magulang ang gustong maipasok ang anak nila sa school na'to. Kaya lang, sa dami na ng gustong pumasok, hindi na natanggap ang iba. Swerte nga ako at maaga akong nagpa-enroll. Ang iba naman ay hindi nakapasa sa entrance exam. Marami ding mayayaman sa school na'to. Siguro nga sa klase namin, tatlo lang kaming hindi marangya.

Since wala naman akong magagawa, naglakad na lang ako patungong classroom na nasa third floor. Pagbukas ko ng sliding door ng classroom, lahat sila ay nakatingin sa akin.

"I'm sorry I'm late, ma'am" kalmadong sabi ko sa adviser namin na ngayo'y  sing taas na ng Eiffel Tower ang isang kilay niya. Ayaw na ayaw niyang may male-late o kaya'y makakaisturbo ng klase niya kaya ang taray niyang tignan ngayon.

"And why are you late, Ms. Caballes?" tanong niya  na nanatiling nakataas ang kilay.

"As you can see ma'am, it is raining hard at napakahirap pong sumakay ng jeep 'pag umuulan" mahinahong sagot ko. Hindi na siya nagsalita at pinaupo na niya ako.

Pag-upo ko, agad akong binulungan ng seatmate at best friend kong si Christine Alcantara. Kaibigan ko siya mula nag second year high school kami. Mayaman, maganda at mabait siya. Matalino din siya pero hindi sa pagmamayabang, mas matalino ako. Hindi tulad ng ibang mayayaman, mapagpakumbaba siya at friendly. Hindi din siya judgemental at maarte. Kaya nga nagustuhan ko siya bilang kaibigan eh.

"Ba't ba ang kalmado mo despite sa mataray na mukha ni ma'am?" tanong niya sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako tsaka kinuha ang notebook at ballpen ko mula sa bag at nagsimula ng mag take down notes.

Sa totoo lang, minsan lang talaga ako kabahan. Kinakabahan lang ako kapag maaalala kong may assignment o project tapos hindi ko pa pala nagawa. Pero minsan lang naman nangyayari yun. Kalmadong tao ako at lagi lang naka poker face. Hindi ako palangiti at hindi din ako friendly kaya dalawa lang ang kaibigan ko. Si Christine at si Carl Alvarez, o tinatawag naming Carla.

Napatingin kami sa pintuan nang bumukas iyon, at dun nakatayo ang isa sa gwapong nilalang na kilala ko, si Brent Ford, Fil-Am, crush ko. Oo may crush ako. Babae din ako no. Teenager din. Crush ko siya ever since grade 10. Tagal na noh? Well, that time, may binigay sa aking mga papel ang adviser namin nun at inutusan akong ibigay yun sa P.E. teacher namin. Syempre una ko siyang hinanap sa gym. Kaso pag dating ko sa gym, nag-iisa lang ang tao dun. Oo, tama kayo, si Brent nga. Naglalaro siya ng basketball mag-isa at hindi ko alam pero biglang tumibok ang puso ko. Ang cool niya kasing tignan. Matagal ko na siyang kilala pero nung time na 'yon ko lang napansin ang kagwapohan niya. Kahit basa siya ng pawis ay lalo siyang gumwapo.

"May kailangan ka?" tanong niya sa akin noon at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.

"A-ah, hinahanap ko lang si Mr. Ortega" sagot ko sabay iwas tingin sa kanya.

"Wala siya dito, kakaalis lang niya, sabi niya may pupuntahan daw siya sa office niya" sagot naman niya sabay shoot ng ball sa ring.

"S-sige, salamat" sabi ko noon at agad na umalis ng gym.

Ayun. Pero feeling ko, hindi na niya naalala yun. Pero mukhang unti-unti na ding nawala ang pagka-crush ko sa kanya. Unti-unti lang naman, hindi pa naman fully nawala.

Crush ko siya pero kailanman ay hindi ako nagpapansin sa kanya di gaya ng ibang babae dyan sa tabi-tabi. Maraming nagkakagusto sa kanya at marami din siyang babae kaya nagtataka ako kung bakit crush ko siya. Hindi ako nagpapansin sa kanya since bukod sa ayaw kong magka boyfriend, alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Kasi alam ko kung sino ang crush niya.

"And why are you late again, Mr. Ford?" nakataas kilay namang tanong ni ma'am.

"I'm sorry ma'am, na traffic lang po" sagot naman niya at pinaupo na lang siya ni ma'am.

"Ico-consider ko ang mga late ngayon dahil umuulan, pero next time? Don't expect me to let you in inside the classroom." sabi ni ma'am.

~~o--o~~

Hapon na ngayon at walang teacher dahil may meeting. And since hindi pa kami pwedeng umuwi dahil kailangan pang mag-antay ng dismissal time, naisipan ng mga kaklase kong maglaro.

"Guys! Laro tayo!" sabi ng isa kong kaklase.

"Ano naman?"

"Spin the bottle!"

"Sige-sige!"

At nag form naman sila ng circle. Ako? Ayokong sumali, nakakapagod eh. Mas mabuti pang gumawa nalang ako ng assignment ngayon para hindi na hassle mamaya.

Marami sa kanila ang sumali at pinasali din nila ako kaso tumanggi ako, hindi naman nila ako pinilit kasi alam nilang likas killjoy na ako. May mga iba din akong kaklaseng hindi sumali katulad ni Christine na ngayo'y nasa likod ko at sinusuklayan ang buhok ko.

Nagsimula na silang maglaro at parang nagkakatuwaan naman sila. Kung kanino kasi nakapoint ang ulo ng bottle ay pipili kung truth or dare. May ibang truth at may iba ring dare. Natawa ako sa ibang nag dare kasi ang iba, pinahalik sa sahig, pina sexy dance sa gitna at iba pang mga kalokohan. Kaya ayaw kong sumali eh.

"Brent!" napatingin ako sa kanila ng sinigaw nila ang pangalan na yun. 'Yung moment na tinawag ang pangalan ng crush mo tas ikaw ang lilingon? Kay Brent pala naka point ang bottle at ngayon ay tatawa-tawa siya.

"Truth or dare?" tanong ng isa kong kaklase.

"Truth" sagot ni Brent tas nag smirk. Nga pala, may pagka mayabang tong si Brent.

"Hmmm, sino crush mo? Isa lang ha! Yung crush mo talaga"

Parang nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ang tanong pero napabuntong hininga siya at napatingin sa banda na inuupuan ko.

"S-siya" nauutal niyang tugon habang nakaturo sa direksyon ko. Lahat nakatingin sa akin at pati si Christine ay napahinto sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Si Shaira?" tanong ni Carla.

"Hindi ako,si--" tatanggi na sana ako nang magsalita si Brent

"Oo, si Shaira." Lahat sila natahimik at napatingin sa akin. Ilang segundo lang ay nagsimula ng maghiyawan ang mga kaklase ko habang si Brent ay ngumingiti.

At ako? Tulala.

~~o--o~~

October 4, 2015




Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon