Chapter 2

47 8 0
                                    

Nandito ako sa kwarto namin ng dalawa ko pang kapatid ngayon at nakatulala. Hindi pa rin ma-wala sa isip ko ang pag-amin ni Brent kanina. Pero hindi ako stupida para paniwalaan iyon. Alam kong hindi ako ang tinutukoy niya. It was supposed to be to the girl behind me--Christine. Alam kong crush niya si Christine ever since first day of class. I don't know kung nagsimula sa first year, basta ang alam ko, pag second year, may crush na siya kay Christine. The way he looks at her, hindi makikita ng iba pero kitang-kita ko because I am a keen observer. That's why I know na wala talaga akong pag-asa sa kanya.

I think aamin na siya kanina, pero siguro tinamaan na naman ng pagka-torpe, nagsinungaling na naman.

Sa lahat ba naman ng mga kaklase namin, ba't ako pa? Tsk. Okay lang naman sa akin kung magsinungaling siya kaso hindi okay sa akin pag may umaaway sa akin. Alam ko kung bakit walang nakakatagal sa kanyang babae;

Una, maraming nagka-crush sa kanya. Eh ayaw naman ng iba na makuha siya sa iba kaya sisiraan nila ang girlfriend niya.

Pangalawa, well, baka laro-laro lang talaga sa kanya ang pagpasok ng relationships.

Napatingin ako sa laptop na nasa bedside table namin. Kinuha ko ito at in-on at saka nag Facebook.

Nagulat ako sa rami ng notifications ko. Well, first time 'to. Kadalasan kasi, 3-5 lang. Tas puro pa Invited you to play.

in-open ko ang notifications at himala ay may "commented on a post that you're tagged in" at "tagged you in a post.." at "likes a post you're tagged in"

In-open ko ang "Carla Alvarez tagged you in a post"

"Hava ng hair ni bestie! Akalain mong pati si Brent ay nagka-crush sa kanya!"

'Yan ang post ng lintek na baklang 'yan. Bestie mo mukha mo. Ipagkalat ba daw? Tinag pa talaga ako at si Brent. Tsk. Tinignan ko ang mga comments ng mga plastic kong schoolmates.

Ella Grace: Talaga? Wow this girl naman!
wow this girl mo mukha mo, ni hindi nga kita kilala eh.

Bea Bee: Omygosh! May bago na si Brent? So happy for you two!
Kung alam ko lang, pinagsasaksak-saksak mo na ako sa utak mo, kung meron ka man.

Sophie M.: Ayt! The girl is pretty <3
Plastic.

At may iba pa pero hindi ko na binasa kasi nasusuka ako sa ka-plastican nila. Nagpapapansin lang naman ang mga 'yun eh.

Magla-logout na sana ako nang may biglang nag chat sa akin.

Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Brent.

Brent: Hi :)

Magre-reply ba ako? Psh. Oo crush ko siya pero hindi ibig sabihin nun na exempted siya sa pagiging suplada ko.

I chose not to reply him at nag logout na ako. Pero bago yun, I clicked the chat box para lumabas na na seen ko lang siya. Oh ha, ako pa ang nang-seen! Psh. Nang dahil sa kanya, maraming babae na ang chi-chismis sa akin. Okay lang naman sa aking na pagchismisan kaso minsan kung sobra na, baka hindi ko makaya.

In-off ko na ang laptop at binalik sa bedside table tsaka natulog.

~~o--o~~

Kinaumagahan...

"Hi Shaira!"

"Hey Shaira"

"Good morning Shai"

Ewan ko kung kailan pa ako naging sikat. The last time I checked, walang nakakakilala sa akin except sa mga kaklase at naging kaklase ko. Pero ngayon, parang lahat na ata sila kilala na ako. Kung maka Shai pa, akala mo close kami, ni hindi ko nga sila kilala. Eto 'yung isa pa sa kinaaayawan ko eh, yung maraming makakapansin sa akin. Pinapansin ako hanggang sa makakita ng pagkakamali ko at may maihusga na sila.

Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon