Chap. 6 MAG-INA

2.6K 150 2
                                    

Nang umuwi si Lotus sa kanyang bahay, hindi nya maiwasang isipin si Victor. Pumasok s'ya sa loob ng bahay at sinalubong s'ya ng kanyang aso.

" Hello, Neitos." Bati n'ya sa alagang hayop.

Nakipaglaro naman ang aso sa kanya. Patalon talon ito sa dalaga. Pumasok si Lotus sa kanyang silid. Sumunod naman ang aso. Muli naman n'yang nakita ang larawan ng lalaki. Nilapitan ito ni Lotus at pinagmasdan.

"Meron ka bang magic at tila nagagayuma ako sa 'yo? I know you are not real. You're alive only in my dreams. Sayang at hindi ka totoo."

Inilagay ni Lotus ang larawan sa ilalim ng kutson ng kama.

"D'yan ka na lang..at sana tigilan mo na ako." Dagdag ni Lotus.

------------------------
Lumipas pa ang mga araw at hindi na muling dumalaw ang panaginip kay Lotus. Unti unti ring nakalimutan ng dalaga ang lalaki.

Minsan naisipang bisitahin ni Lotus ang kanyang ama. Umuwi s'ya sa bayan ng San Ruiz.

Nasa Mansyon nakatira ang kanyang ama kasama ang kanyang Madrasta. Ang pamilya Rafiel ay isa sa mayamang pamilya sa bayan ng San Ruiz.

"Magandang umaga po Señorita Lot-lot ( Lotus )." Binati s'ya ng isa sa kanilang katulong.

"Magandang umaga naman po. Si Papa nandyan po ba?"

"Opo. Kagagaling lang po n'ya sa kanyang palaisdaan. Nasa hapag kainan po s'ya kasama ng inyong ina." Sabi ng katulong.

" Madrasta.." Inulit ni Lotus.

"Ah..eh..parang ganun narin po." Napakamot sa ulo ang katulong.

Alam ni Lotus na hindi matutuwa ang kanyang madrasta na muli s'yang makikita nito. Matagal nang may lihim na alitan sina Lotus; ang madrasta at ang anak nito na si Nova.

Mula nang s'ya ay nagdalaga; ang kanyang madrasta ang nakakasama n'ya sa loob ng kanilang pamamahay at ang anak nito. Ayaw ni Lotus na tinatapakan s'ya sa loob ng kanilang pamamahay ; lalo na't may ugaling sinungaling ang mag-ina.
Umiiwas naman si Lotus ng gulo dahil ayaw n'yang magkasagutan sila ng kanyang ama.
Ngunit dumating ang punto na nagkaroon nang hindi pag-unawaan ang mag-ama dahil sa komprontasyon nina Lotus at ng kanyang madrasta. Hindi maunawaan ni Lotus kung bakit kinakampihan ng ama nito ang mag-ina. Dahil minsan...

Umaga noon nang lumapit ang isang kababata ni Lotus sa kanya..si Kathryn.

"Lot, may sasabihin sana ako sa iyo eh."

"Ano naman? Tungkol sa crush mo sa kabilang bayan. Nahulaan ko na 'yan."

"Eng!hindi nakakatulong 'yong pagpapantasya ko kung walang kakainin ang sikmura ko."

"Bakit anong problema mo?"

"Lot, wala na kasi kaming bigas. Walang kanin na mailuluto si Nanay. Alam mo namang may sakit si Tatay eh."

"Asus, 'yon lang naman pala. Ikaw pa, ang lakas mo sa akin. Pumunta ka doon sa bodega. Kumuha ka ng bigas na kaya mong buhatin. Sabihin mong pinapakuha kita ng bigas. O heto ang papel ibigay mo ito sa taga-bantay. Ngayon kung walang tao doon..iwan mo ito sa guard sa may gate. "

Binasa ni Kathryn ang papel.

"Bigyan ng bigas si Kathryn."

-Lotus ( may perma pa )

At nagmadaling umalis si Kathryn na dala ang papel.

Pagkalipas ng isang oras..

Tinungo ni Lotus ang bodega ng kanilang bigasan. Nakita ni Lotus na nagkaroon ng kaguluhan doon.

UNRECOGNIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon