Chap. 25

2.1K 128 3
                                    

Sa San Ruiz, abala si Damian sa pagbibilang ng mga produktong palay na isasakay sa kanyang naglalakihang mga 10-wheeled trucks.

"Bilisan ninyong dalhin yan sa Assuncion. Naghihintay ang mga mamimili natin." Utos ni Damian.

Tinungo pa ni Damian ang taniman ng kanyang mga saging.

"Suriin ninyo ang mga saging. Siguraduhing magandang saging ang ipapadala natin sa ibang bansa. Mamaya darating ang mga inspektor at susuriin yan bago mailuwas dito sa atin."

Panay utos ni Damian.

Pumunta pa sya sa kanyang taniman ng niyog, kakao at asukal. Nakasakay lamang si Damian sa kanyang kabayo.
Kahit nasa edad 60 na si Damian tikas parin ang kanyang pangangatawan.

Araw araw iniikot ni Damian ang kanyang Hacienda. Tanging si Minerva ang nag-aasikaso ng kanilang pamamahay.

Habang sumasakay si Damian sa kanyang kabayo..Nakaramdam sya ng paninikip ng kanyang dibdib. Pinahinto nya ang kabayo sa pagtakbo. At sinikap nyang bumaba. Napahawak sya sa kanyang dibdib. Pinilit nyang maglakad sa isang puno at doon sumandal.

Alam ni Damian na inaatake sya ng kanyang sakit sa puso.

Mabuti na lang...

"Señor Damian!!"

Isang tauhan ang nakakita kay Damian.

"Tulong!!!"

Sigaw ng lalaki habang tinutulongan si Damian.

Biglang nandilim ang paningin ni Damian. Agad syang sinugod sa ospital.

-------------------------------

Samantala, kagagaling lamang ni Lotus sa isang Hotel.

KRINGGGG KRINGGGG

"Hello."

( Lotus..)

"Aling Monay, bakit po?"

( Umuwi ka dito sa San Ruiz ang Papa mo nasa hospital. Inatake sa puso. )

"Ho?Opo..pupunta po ako dyan.."

Nagmadali si Lotus bumalik sa kanyang tindahan.

"Daisy..ikaw muna ang bahala dito. Aalis ako ngayon. Nasa hospital ang ama ko. Inatake ng sakit sa puso. Babalik din agad ako. "

"Yes, Maam. Mag-ingat kayo sa biyahe."

---------------------------------

Nakarating din sa kaalaman ni Nova ang pangyayari kaya napasugod din sya sa San Ruiz.

Tinawagan naman ni Lotus si Victor at nagpaalam sa pag-alis nya. Samantala si Nova naman ay di pinaalam kay Kyron ang pagpunta nito sa San Ruiz.

FAST FORWARD

Sa San Ruiz, magkasabay na dumating sina Lotus at Nova. Sabay silang pumasok sa silid ni Damian.

"Papa.." dali daling lumapit si Lotus at hinagkan ang noo ng ama.

"Kumusta na po ang pakiramdam n'yo? Nag-alala po ako ng husto." Garalgal na boses ni Lotus.

Ngumiti ng bahagya ang ama.

"H'wag kang mag-alala ligtas na ako. Dala lamang ng pagod ko kaya inatake ako."

Napaluha si Lotus. Nakita ng ama ang tumutulo ng luha ng anak. Batid nito ang takot na nadarama. Pinahid ni Damian ang luha ni Lotus.

"H'wag kang umiyak. Gagaling ako."

Napayakap si Lotus sa ama.

"Papa, natatakot akong mag-isa." Bulong nito sa ama.

UNRECOGNIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon