CHAP. 22 VICTOR'S JEALOUSY

2.1K 108 1
                                    

Alas nuebe ng umaga nagising si Kathryn.

"Arg!ang sakit ng ulo ko."

Bumangon si Kathryn at lumabas ng silid. Nakita nyang paalis si Lotus.

"Good Morning besty."

"Good morning. Nagluto na ako ng pang almusal mo. Kumain kana lang. Aalis na ako papuntang tindahan. Please close the door when you leave."

"Ah okay."

Wala namang sinabi si Lotus. At umalis agad ito.

"Nakakainis naman..wala paring hint si Lotus. "

Nang umalis si Kathryn ng bahay tumawag sya kay Oswald; nagkita sila sa park.

"Ano?! Sinabi ni Kyron na sya si Neil. Bakit mo naman naisipan yong gawin sa dalawa? Paano kung magsumbong si Lotus kay Victor? E di mas mapapabilis ang kasal nila dahil magsusumbong si Victor kay Nova."

"Hindi naman naniwala si Lotus kay Kyron kagabi eh."

"Kahit na. Tsk."

"Sorry na." Napayuko si Kathryn.

Inakbayan sya ni Oswald.

" Sige na nga. Basta hwag mong aminin kay Lotus ang totoo. Alam kong napapatanong na sila sa isa't isa sa mga nangyayari sa kanila ni Kyron."

--------------------

Sa bahay ni Kyron, nakaramdam sya ng pagsakit ng kanyang ulo. Pilit nya pinikit ang kanyang mga mata. Nararamdaman nyang kailangan nyang uminum ng kanyang gamot; ngunit tiniis nya na hwag uminum.

"Ayaw kong maging dependent sa gamot. Alam kong mawawala rin itong pananakit ng ulo ko."

Nagpahinga ang binata.

"I need to relax myself...alam kong dala lang ito ng nainum kong alak kagabi at....dahil kay Lotus."

Maya maya narinig nya na may dumating na bisita.

"Si Sir Kyron mo nandyan ba?" Tanong ni Oswald sa katulong.

"Opo. Nasa kwarto po nya." Sagot ng katulong.

"Os.."

Napatingin si Oswald nang lumabas si Kyron.

"Hey, what's the matter Dude? Mukha kang haggard ka ngayon."

"I have a headache."

"E di uminum ka ng gamot mong walang label." Sabi ni Oswald.

"No. Dala ito ng nainum kong alak kagabi. Mawawala rin ito. Tsaka ayaw ko nang uminum ng gamot na 'yon. Mahirap na ay maging dependent ako sa gamot. Alam kong may side effect din ang mga drugs."

"Mabuti't alam mo." Sangayon din si Oswald.

Napansin din Oswald ang lungkot ng mukha ni Kyron.

"Hey, anong problema mo?"

"Wala."

"Nag-away ba kayo ni Nova?"

"Hindi."

"Eh ano? Alam kong hindi ka problemado sa pera. " Naiintriga si Oswald.

"My problem...it's here." Sabay hawak ni Kyron sa dibdib.

"May sakit ka sa puso? Aba magpacheck up kana."

"Stupid! That's not what I mean." Asik ni Kyron.

Huminga ng malalim si Oswald. Kunwari napapaisip din sya sa sinabi ng pinsan.

"Tell me what's your problem?"

Umiwas ng tingin si Kyron at napangiti.

"It's...about...Lotus."

UNRECOGNIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon