Chap. 21 KYRON'S MEMORY

2.4K 115 1
                                    

Napaatras si Lotus at akmang aalis ngunit mabilis hinawakan ng binata ang kanyang kamay.

"Lotus..I..." hindi masabi ni Kyron ang paghingi ng paumanhin. Hindi n'ya nagawang pigilan ang dalaga.

"Let me go.." mahinang boses na sinabi ng dalaga.

Umalis si Lotus at iniwan si Kyron. Sinundan naman ng binata.

"Lotus..I'm sorry."

"Kyron, hindi ko alam bakit pumayag pa akong sumama sa 'yo. Ano bang gusto mong mangyari?" Hinarap ni Lotus si Kyron.

" Look, I don't know how to explain this..merong dumidikta sa isipan ko na dapat kilalanin kita."

"Pwes, you're making a trouble here. Baka nakalimutan mong pareho tayong ikakasal sa mga kasintahan natin. Ano man ang dumidikta sa utak mo..H'wag mong pakinggan. Dahil baka ito pa ang maging dahilan ng problema mo."

Hindi nagsalita si Kyron.

Pumara ng taxi si Lotus at iniwan ang binata.

Nang marating ng dalaga ang bahay dali dali s'yang pumasok sa kanyang silid.

"Arf!Arf!"

Sinalubong s'ya ni Neitos. Binuhat ni Lotus ang aso. Napaupo s'ya sa kama. Nakita n'yang muli ang larawan ni Neil.

Lumapit s'ya at pinagmasdan ito.

"Neil, Ano mang iniisip ng kapatid mo; h'wag s'yang padalus dalos. Ayaw kong magkaroon ng alitan sila ni Victor. Natatakot ako."

Ipinikit ni Lotus ang kanyang mga mata..

"Bakit nakadama ako ng Deja vu kanina? Para bang minsan nang nangyari sa amin ni Kyron ang ganung eksena."

Lumapit si Lotus sa tokador at kumuha ng isang tableta.

-------------------------
Sumunod na araw; muling bumuhos ang malakas na ulan . May dalang malakas na hangin at kumikidlat. Dahil sa sama ng panahon maraming puno ang nasira. Maging ang mga poste ng kuryente ay nasira din. Pati ang linya ng telepono at Cable lines ay apektado.

"Tsk. Walang cable. Nakakabagot na."

Nakabusangot ang mukha ni Lotus.

Buong araw hindi naman s'ya lumabas ng bahay. Mabuti na lang at maayos ang linya ng kuryente sa kanilang Subdivision. Kaya naisipan n'ya na lang manood ng mga pelikula.

Ilang oras din syang nagbabad sa harap ng TV nang biglang..

Kzzzzzz kzzzz

Nawala ang kuryente.

"Gyahhhhh blackout!"

Biglang dumilim ang paligid.Napasilip si Lotus sa di kalayuang poste ng ilaw sa labas. Ngunit nakita din ni Lotus na may ilaw naman ang kanyang mga kapitbahay. Nagsimula s'yang mag-alala dahil gabi na.

"Oh no, ako lang yata ang walang ilaw ngayon. Takot ako sa dilim. Hindi pa ako nakabili ng emergency lamp. Tsk."

Tumawag si Lotus sa kompanya ng kuryente ngunit hindi sya makapasok sa linya. Paulit ulit syang nag-dial ngunit ganon parin.

"Matawagan na nga si Kathryn baka may technician sila na bakante."

KRINGGGG KRINGGGGG

Sa opisina nina Kathryn pauwi narin ang lahat.

"Hello."

( Kath, may technician ba kayo dyan?)

"Ahh..wala eh."

( Ganon ba. Kasi merong problema dito sa bahay eh..biglang nawala ang kuryente ko. )

"Naku, pano ba 'yan? Teka, hahanap ako ng isang bakanteng technician. Padadaanan kita d'yan para macheck yong linya ng kuryente ng bahay mo."

UNRECOGNIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon