Chapter 2 - Lalalalalalala-

210 16 7
                                    

Aya's POV

Palabas na kami ng academy. Oo kami. Kasama ko sila Leeanne at May. Actually, close na nga kami eh. Lagi kase kaming magkakasama. Haha.

"Girls, I have an idea!" Sabi ni Leeanne.

"Ano?" Tanong ko. Mamaya yung ano nanaman iniisip nito. Knowing her, maraming alam na kalokohan yan. Sa mga pinagkukwento pa lang niya eh. Haha!

"Since maaga tayong pinalabas at wala naman akong magawa, punta tayo sa bahay niyo May!"

"Luh? Bakit sakin? Malayo yung bahay namin. Sa Bloomingdale pako. Sa inyo na lang since you suggested it in the first place." Pasusungit nanaman ni May.

"Sungit. Tsh, malayo din yung akin. Sa Villareal pako. Sa inyo na lang Aya. Diba sa Plazaville ka?"

"Oo. Sige." Umoo na lang ako. Mahirap makipagtalo kay Leeanne. Ayaw na ayaw niyan magpatalo, haha!

"Tara na dun!" Tapos hinigit na kami ni Leeanne.

Since sa bahay naman namin pupunta sumabay na sakin si May at Leeanne. Hassle kase pag hiwalay pa kami. Papasundo na lang daw sila sa bahay mamaya. Ayun nag kwentuhan lang kami habang nabiyahe.

"Ma'am, andito na po tayo."

Pinapasok ko sila. Sa living room ko muna sila pinapunta. Pinaupo ko muna sila.

"Uy wait lang ha! Aayusin ko lang kwarto ko. Ate, pahanda naman kami ng snacks. Pakiakyat na lang po sa kwarto ko. Thank you!"

"Bakit kailangan mo pang ayusin? Ew, hindi ka naglilinis ng kwarto mo? So gross." Sabi ni Leeanne.

"OA mo naman. Naglilinis ako ng kwarto. Aayusin ko lang yung iba kong gamit." Sabi ko at umakyat na. Hoy hindi magulo kwarto ko ah. Aayusin ko lang yung mga libro ko na nakalimutan kong iligpit kagabi. Nakatulog na kase ako at yun nga, di ko na rin naayos kanina kase malelate nanaman ako.

Pagkatapos kong ayusin ay bumaba na ako at pinaakyat na sa kwarto ko. Only child lang ako kaya naman spoiled sa parents. Not totally spoiled to the point na yung ugali ay masyadong brat. Spoiled na lahat ng kailangan ko napoprovide nila at minsan ay sobra na. Malaki yung kwarto ko. Different shades of pink, violet and blue and color. May walk-in closet, sariling C.R. and may music room din ako. Diyan ako madalas tumambay kase alam niyo na, music lover.  

"Ang cute ng kwarto mo, infairness." Sabi ni May tapos nilibot niya yung tingin niya. Pareho nga pala kami ng favorite color kaya siguro nagustuhan niya.

"Haha, thank you! Tara doon na lang tayo sa music room tumambay. Wala naman tayong magagawa dito eh." Tapos pumunta na kami sa music room.

Pagkapasok na pagkapasok namin, kanya kanya kami ng pinuntahan. Si May, sa guitar, si Leeanne naman sa drums at ako ay sa pink piano ko, which is at the center of the music room.

Hmm. Ano kayang magandang tugtugin? Ah, alam ko na.

Nagstart na akong mag piano.

"Rocketeer yan diba?" Sabi ni Leeanne.

"Yep! Baket?"

"Tara tugtugin natin."

"Sige, ikaw May alam mo?"

"Of course. I'm not stupid." Kahit kelan talaga. Haha.

"Game!"

The SNS(Sweet Note Sensation) BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon