Author's Note:
Dedicated sa kambal ko! Closemyeyes! Miss na kita sis. Paramdam naman oh! >___< Read her stories, okay? :D
Aya's POV
"Class dismissed." Sabi ng Piano teacher namin. "Don't forget to go to the auditorium. Your band might be called. That's all you may go." Pahabol ng teacher namin.
"Tara Aya." Napatingin naman ako sa harap ko. Nakita ko si Dustin na nakangiti. Hay, ang gwapo talaga niya! Hihi. Landi ko nanaman. Haha.
"Teka, aayusin ko lang yung gamit ko." Sabi ko. Minadali kong ilagay yung mga notebook ko sa bag. Sa kakamadali, nalaglag yung ballpen ko. Pupulutin ko na sana yung ballpen ko nang magtama yung kamay namin. Parang may kuryenteng dumaloy. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya sakin. Nginitian niya ako at kinuha yung ballpen sabay abot sakin.
"Next time kasi wag clumsy, ha?" Sabi ni Dustin sabay ngiti. Napatango na lang ako.
"San nga ba tayo magkikita kita?"
"Sabi sakin nila Ken nandun na daw sila sa may auditorium. Maaga daw kasi natapos yung klase nila."
"Ah. Kinakabahan ako." Sabi ko kay Dustin. Swear simula pag bangon ko iba na yung pakiramdam ko. Parang may di ako inaasahang mangyayari.
"Bakit ka naman kinakabahan?"
"Ewan ko nga rin eh. Parang may mangyayari na di ko alam."
"Baka guni guni mo lang yan."
"Ah, baka nga."
---------------
Dumating na kami sa auditorium. Nireserve na pala nila kami ng upuan so magkatabi kami. Emeghed, quota nako. Haha!
Mga ilang minuto na ang nakalipas bago nagstart magperform yung first group. Bale 10 groups ang magpeperform ngayon.
Nakapagperform nadin yung pang siyam na group at eto na, binubunot na yung last na magpeperorm. Hay sa wakas, makakapagpahinga at makakapagpractice pa kami. Obvious na sigurong di kami yung mabubunot diyan. Sobrang dami kaya ng magpeperform. Haha.
Patayo na sana ako pero parang nananadya ata ang tadhana.
"Sweet Note Sensation Band. I repeat, Sweet Note Sensation Band, please proceed to the backstage and your performance will start just a few minutes later." Bigla kaming napaupong tatlo. Shock is written all over our faces. Sa tanang buhay namin, di pa kami nakakapagperform sa maraming tao. This will be the very first time na magpeperform kami as a band. Tiningnan kami nila Harley, Ken at Trivan.
Ni isa sa aming tatlo, walang umiimik. Lahat tulala. Nakatingin lang sa amin ang tatlo.
"I repeat, Sweet Note Sensation Band, please proceed to the backstage now or else you will be given a failing grade." Bakit ba kasi nauso yung ganito dito? Di ba pwedeng sa private room na walang ibang nanood? Paano kung magkamali kami, edi mapapahiya kami sa buong school. Take note, buong school. Ganun kalaki yung auditorium namin. Kayang sakupin yung buong students ng school namin.
"Hoy! Tumayo na kayo diyan kung ayaw niyong maka zero!" Pabulong na sigaw ni Trivan. Ano daw? Bulong tapos sigaw? Medyo magulo po.
Natauhan naman kami sa sinabi niya kaya naman tumayo kami. Nakayuko lang ako. Tiningnan ko ang paligid at winish na sana di ko nalang ginawa. Paano, all eyes are on us. Nakakahiya talaga. Medyo nagmadali nalang kami kasi nga kanina pa kami tinawag at nakakahiya naman kung babagal bagal pa kami kumilos.
BINABASA MO ANG
The SNS(Sweet Note Sensation) Band
RomanceA story about 3 students who enter Note de Musique Academy, a special school for people who are musically intelligent. Aya, the Hopeless Romantic, Leeanne, the Pretty Brat and May, the Annoying Nagger. The 3 of them will form a band and prove the pe...