Aya's POV
"Andyan na si Ms. Piyok. Oh, musta na yang boses mo? Magaling na? Haha!" Hay nako.
"Lalalalalalala-" Sige gayahin pa. Natutuwa ako eh. Sige pa. Kakarmahin din kayo.
Saya diba? Aga aga naiinis ako. They are pissing me off. Paano, kumalat ba naman sa buong academy yung pagkapahiya ko. OO, BUONG ACADEMY. Hindi ako OA. Just stating the truth. At hindi ko alam kung papaano ito kumalat ng isang araw. Grabe, instant celebrity.
Sinong hindi maiinis? Yung kada daan mo may titingin tapos may magbubulungan tsaka gagayahin. Imbis na tumigil sila dahil asar na asar na ako eh lalo pa silang natutuwa sa pinag gagagawa nila. Hay buhay nga naman. Makapunta na nga lang sa next class ko.
"Hay, at last! Walang tao. Isang mapayapang lugar. Nawala rin sa paningin ko yung mga bwiset na tao." Kung tinatanong niyo kung bakit di ko kasama si Leeanne at may, nandoon sila sa next subject nila. Buti pa sila, classmates. Ako nahiwalay. Wala tuloy akong kilala. Dagdag mo pa na aasarin lang nila ako.
Dance lessons kase ang next class ko. Maaga kase natapos yung Vocal lessons namin kanina dahil pinatawag sa office si Ms. Reg. Eh kesa naman sa mabwisit ako, dito na lang ako sa Dance Studio 1. Dami naman kasing alam nitong school nato. Pati pag sasayaw may class. Weird.
Dahil wala akong magawa at dala dala ko naman yung keyboard ko, tutugtog na lang ako. Matagal pa naman bago mag start yung class eh. Tutugtugin ko na lang yung matagal ko ng pinapractice. Oo tama, yun na lang.
(Pag nabilhan na po si author ng keyboard, mag uupload ako ng video at ako talaga ang tutugtog :D)
After kong tugtugin yung River Flows in You, nag iba bigla yung mood ko. Nawala yung inis ko. Biglang good vibes. Can't wait for my mom to go home. Siya kase yung gusto kong unang makarinig ni-
*clap clap*
H-huh?! Sino yun?
"River flows in you. Ang galing mo naman." May tao pala dito? At bakit hindi ko napansing may pumasok na. Oh my gosh! Narinig niya! Narinig niya akong tumugtog. Hindi pwede to!
"Sino ka?!" Sabay pagtingin ko sa likod ko, nagulat ako kase kaharap ko na siya. At sabay ng pagharap ko ay nakakita ako ng anghel. (Di ako OA mag react)
"Miss, di magandang mag drool sa harap ng isang lalaki." Sabi niya tapos tinakpan yung bibig ko at nag smile.
Shet, napanganga ako dun ah. Literally. Nakakahiya. Mukha akong manyak.
"A-ah. S-sorry. Sorry. Di ko sinasadya." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Nakakahiya, nakatingin siya sakin. Alam kong nag init yung mukha ko. Kaya iniwas ko yung tingin ko.
"Haha. River flows in you yung tinutugtog mo kanina diba?"
"A-ah. O-oo." Shet, bakit ako nauutal? DI pwede to.
"Teka, familiar ka." Hala, may ginawa ba akong kasalanan sa kanya ng hindi ko nalalaman? Baka kung anong gawin niya sakin.
"H-ha?"
"Ah! Alam ko na. Ikaw yung pumiyok sa classroom. Haha. Hello, nice meeting you!" Sabi niya sabay tumawa. Yung natawa na nakaka in love pero hindi tama ang narinig ko.
"Anong sinabi mo?" Sabi ko. Nagbago nanaman yung mood ko.
"Diba ikaw yung Ms. Piyok ba yun?"
BINABASA MO ANG
The SNS(Sweet Note Sensation) Band
RomansaA story about 3 students who enter Note de Musique Academy, a special school for people who are musically intelligent. Aya, the Hopeless Romantic, Leeanne, the Pretty Brat and May, the Annoying Nagger. The 3 of them will form a band and prove the pe...