Author's Note:
Hi Guys! So, eto na! Makakapagupdate na ako! Hehehe. Tapos na ang UPCAT and unfortunately, mukhang di makakapasa. Biruin mo, mas mahirap pa yung Science sa Math. So, sa mga magtatake ng UPCAT next year, I suggest that you must study really hard and as much as possible, magbasa basa na kayo. Ang hirap mag cram sa lessons na hindi mo alam for goodness sake! And 1st Peiodical Examination result is out and unfortunately, ANG BABA NG GRADES KO! Kasalanan ng League of Legends. Huehuehue.
Anyway, enjoy the update. (Kung may nagbabasa pa.) Huehuehue. Dedicated sa kanya dahil nagrequest siya ng update. Haha!
Aya's POV
Nandito kami ngayon sa auditorium. Kakatapos lang namin manuod nung last performance. Tae, ang gagaling nila. Paano kaya kami? -_____-
"For those who haven't performed yet in the surprise practical examination, don't forget to practice your song of choice with your band. You may now go home." At sabay sabay kaming nagsitayuan. Thank God at hindi pa kami natatawag. Wala pa naman kaming matinong practice.
"Sis, sa inyo naman tayo magpapractice ha?" Sabi ko kay Leeanne. Parang timang. Nakatitig nanaman kay Ken.
"Hoy meds, baka matunaw yan." Sabi ni Angelica.
"May natutunaw palang tao?"
"Whatever Kingkong."
"Oy! Magsisimula nanaman kayo! Tama na yan. Tara na't magpractice." Sabi ko sabay hila sa kanila.
"O-oy teka lang choco! Kaya ko namang maglakad ng maayos!" Sabi ni Angelica.
"T-t-teka! Ano ba yan Aya?! Di pako nag bababye kay Ken." Ugh, kelan bako masasanay sa daily routine ni Leeanne tuwing uwian? "Bye Ken! See you!"
Lumingon ako at nakitang nginingitian ni Dustin habang nakaway. Ginantihan ko siya ng ngiti and I mouthed 'bye'. Hehe, crush ko siya eh, ba't ba!
"Nakakainis ka naman Sis! Lagi ka na lang nanghihila. Di ka ba nagsasawa?" Reklamo ni Leeanne.
"Di ka rin ba nagsasawang magbabye kay Ken? Para ka lang timang. Di naman siya nagbababye sayo." Sabi ni Angelica.
"So? At least, di kami nagbabangayan katulad niyo ni Trivan. Nakakarindi kaya."
"Oy! Tama na nga yan. Mamaya kayo pa mag-away." Saway ko sa kanila.
"Di kaya kami nag-aaway."
"Di ka na nasanay samin Choco." At nagtawanan kami.
Mga baliw talaga tong kasama ko.
-------------------------------
Nakarating na kami sa bahay ni Leeanne. Pagpasok namin, nakita naming nanunuod yung cute na cute na kapatid ni Leeanne na si Tatsumi. Kung gaano nga lang siya kacute, ganun din siya kataray at snob. Alam na kung san siya nagmana. Hahaha!
"Hi Baby Tats." Sabi ni Leeanne.
"Don't call me baby, pig." Sabi ni Tatsumi. Nagmula naman yung mukha ni Leeanne.
"Stop calling me pig! Is that how you treat your sister?!" At tinaasan niya ito ng kilay.
"Unfortunately, yes. Makaalis na nga. Istorbo kasi." Sabi ni Tatsumi sabay walkout. See? Mas malala pa siya kay Leeanne. Daig pa babae eh.
BINABASA MO ANG
The SNS(Sweet Note Sensation) Band
RomanceA story about 3 students who enter Note de Musique Academy, a special school for people who are musically intelligent. Aya, the Hopeless Romantic, Leeanne, the Pretty Brat and May, the Annoying Nagger. The 3 of them will form a band and prove the pe...