Aya's POV
Shiz, eto na nga ba sinasabi ko e.
"Excuse me. Excuse me po." Sabi ko habang natakbo. Malelate nako for goodness sake. First day pa naman ngayon. Badtrip.
Hay nako, as always, forever late. Paano, late nanaman akong nagising. Di kase ako nakatulog ng maayos kagabi. Eh first time kong mag aaral sa dream school ko. Hehe. Tapos kanina ayoko pang bumangon. Hinahatak ng kama ko yung katawan at diwa ko. Kaya ayan, eto ang resulta. Hay, nakakahiya naman. First day na first day ko late. Bwiset.
Magpapakilala muna ako. Haha, ako si Aya Marie Salvador. Junior student ng Note de Musique Academy(proud student haha). Ang unique ng name no? Isa siyang academy na tumatanggap lang ng mga students na mahilig or gifted sa music. Mahirap makapasa dito ha! Mostly mayayaman nag aaral dito. Ako? Hindi ako gifted. Mahilig lang ako. Marunong akong kumanta tsaka tumugtog ng instruments. Nung bata kase ako, niregaluhan nila ako ng keyboard. Tapos ayun. Tuloy tuloy na.
Ow geez. Ang daming tao. Tae naman malelate nako eh!
Yung kung kailan kailangan mong mag madali tsaka nagkakaganito yung mga tao? Seriously? Ang dami nila. Hindi ako makalagpas ng hallway tae.
Nakakainis talaga. Ang daming tao. Nagsisiksikan sila dito. Mapababae man, lalaki, bakla o tomboy. Anong meron? Hindi tuloy ako makadaan. Parang may pinagkakaguluhan. May libreng pagkain? Libreng ticket? May namimigay ng libre dito? Kung ano mang libre yun, wala akong pake. Ang gusto ko, makadaan nako dito.
"Ready na mga badessa, gogora na itez!" Sigaw nung bakla. Nagsitakbuhan naman sila papuntang gate.
"Andyan na sila! Paparating na sila!" Sigaw nung isang babae. Huh? Sinong padating na? Artista?
"Ayan na!" Sabay turo nung babae. Syempre tiningnan ko. Sorry, may pagka chismosa ako. Nakakacurious kayang malaman yung pinagkakaguluhan nila.
Nakakita ako ng tatlong lalaking umaapaw ang kagwapuhan. Bumaba sila sa kanya kanyang sasakyan nila. Napanganga ako. Bukod na sa gwapo sila, ang ganda pa ng kotse nila. Mga limited edition. Ang gwapo nila, lalo na yung nasa gitna. Siya yung pinakagwapo para sakin.
Syet, sa kakalandi ko dito, nakalimutan kong malelate na nga pala ako. Tae, daming commercial. Bwiset.
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnng*
Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Nako. Sige Aya, takbo na. Bilisan mo. Malelate ka na. Ay late na nga pala ako no? Tungeks. Bibilisan ko na nga lang kumilos. Wag mo nang pakeelaman lahat ng mababangga mo.
At sa sobrang bilis kong tumakbo, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.
"Aw!" Sigaw namin pareho ng nakabangga ko. Pareho kaming napaupo sa sahig. Tae, lakas ng impact sa pwet. Sakit sa likod.
"Hey stupid girl! Watch where you're going, you stupid little brat!"
"Waah! Nagkalat mga piano sheets ko. Nako! Sorry sorry sorry!" Sabi ko habang pinupulot yung nagkalat kong piano sheets. Baka gamitin namin to mamaya. Hirap pa naman iarrange nito. Pati tubig ko natapon. Nako naman. Malas ko naman ata ngayong araw na to? Huhu.
"Hoy stupid. Para kang tanga diyan. Paulit-ulit?! Bwiset. Nakakainis. Pang init ng ulo. Aga aga eh. Irita!" Sabi nung babae. Tumayo siya tapos pinagpagan yung damit niya.
"Nako! Sorry. Sorry talaga! Di ko naman sinasadya eh. Nagmamadali na kase ako." Tiningnan ko siya. "Baka pwede mo akong tulungan mag pulot ng Piano Sheets ko?"
BINABASA MO ANG
The SNS(Sweet Note Sensation) Band
RomanceA story about 3 students who enter Note de Musique Academy, a special school for people who are musically intelligent. Aya, the Hopeless Romantic, Leeanne, the Pretty Brat and May, the Annoying Nagger. The 3 of them will form a band and prove the pe...