1

3.1K 44 5
                                    

"Good morning Ma'am Perez." Maligayang bati ng aking sekretarya pagkatapos ay pinagbuksan nya ako pinto papasok sa aking opisina.

I rolled my eyes and answered her in my sarcastic tone.

"Good morning Marie, updates?"

"Yes ma'am. 9am, meeting with the boards. 12nn, lunch with the engineer in charge of the condo in Iloilo."

"What for?"

"Umm, business things I guess?"

"I'm serious."

"It's about the condo obviously. About the materials that will be used and maybe some changes on your design."

"Anyways, you have a scheduled talk at a university at 2pm and a meeting with Mr. Dominguez at 5. Last schedule is at 7pm, dinner with family. Mr. Perez told me personally to schedule that kase daw po di ka na kumakain ng maayos and –" Di ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin nya. Bukod sa pagiging sekretarya ni Marie, siya din ay isa sa mga matalik kong kaibigan kaya noong grumaduate kami ng college ay kinuha ko agad siya bilang secretary.

"Kristine sinasabi ko sayo, magreresign talaga ako bilang kaibigan mo. Ako ang pinapagalitan ni tito." Sabi nito sabay pabagsak na umupo sa upuang nasa harap ng aking table. Binuksan ko na lamang ang aking laptop upang makapag umpisa na ng aking mga gawain.

"Nakikinig ka ba?"

"Marie, kakain ako kung may time okay?" Irita kong sabi sa kaniya pero tinaasan nya lamang ako ng labi.

"At anong oras yun? Alas dose ng hating gabi? Tigil tigilan mo ako. Kung andito padin si Alexis siguradong kanina ka pa naka dalawang plato." Pinandilatan ko siya ng mata na siyang dahilan ng pagtaas niya ng kamay na para bang sumusuko na.

"Okay, ang sinasabi ko lang naman ay alagaan mo ang sarili mo. Hello, sekretarya mo ako at isa din sa mga architect ng kompanyang ito pero living good and healthy padin ako."

I let out a chuckle.

"Di ka naman sexy." Biro ko sa kanya.

"Mas lalong di ka sexy. Isang pitik ka nalang ng hangin ghorl." Napa angat na lamang ako ng balikat at nagpatuloy sa kakaclick ng emails sa aking laptop.

Lumipasna lamaang oras at di ko napansing lumabas na din si Marie sa office ko. Natapos na ang meeting kasama ang board of directors kaya nagmukmok nalang ako sa office para mag trabaho. Madaming designs ang dapat i-approve para mapasa na sa Engineering Department upang masimulan na ito. Nagambala lamang ako noong pumasok si Marie na may dala dalang mga paper bags at tila hinahabol ang hininga.

"Wala kang trabaho te? Nagshopping ka yata." Patawa kong sabi sa aking kaibigan.

"Teka, hinihingal ako. Pahinging tubig."

Tinaasan ko siya ng kilay pero agad ko naman siyang sinunod.

"Sa pagkakaalam ko ay ikaw ang sekretarya at ako ang boss mo." Sabay bigay ng isang basong tubig.

"Sa pag- alam ko- din kaibigan wooh teka." Hinahabol niya padin yung hininga niya at nung umokay siya ay binigay niya sakin ang paper bags na dala niya.

"Sa pagkakaalam ko, magkaibigan tayo kaya dapat mokong bigyan ng tubig loko ka. Amo amo ka diyan."

She rolled her eyes sabay saksak ng paper bags na dala niya sa aking dibdib.

"Oh! suotin mo para sa lunch."

"Ayos na ako Marie. Meeting ang pupuntahan ko, hindi date. Tama lang tong suot ko." Tyaka ko inalsa ang dalawa kong kamay at umikot para masuri ni Marie ang buo kong kasuotan.

Naka black slacks ako at white long sleeves na pinaresan ng isang black platform heels.

Nang tumigil ako sa pag ikot, kita sa mukha ni Marie ang pandidiri na para bang ang panget panget ng suot ko.

"Eto na sabi, makinig ka sakin. Pogi yung ka meeting mo, baka mamaya, ito na pala si Mr. Right, ikaw na ba love of my life." Pakantang sabi ni Marie habang sinisiksik yung paper bags sa dibdib ko na agad ko namang kinuha.

"Mag bihis ka na. 11 na oh, baka mamaya ma late ka pa. Nako, turn off." Napatawa ako sa pinagsasabi niya. Parang hindi trenta, feeling teenager.

Pumasok ako sa isang kwarto sa office ko kung saan may kama na pwede kong tulugan kung sakaling oovertime ako at late na para makauwi. Dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay sinuot ang dalang damit ng aking kaibigan.

Isa itong rose colored terno na business sleeves at shorts. Kumuha ako ng black spaghetti top at yun ang sinuot para panloob tyaka ko sinuot ang pink blocked shoes. Binun ko yung hair ko at naglagay ng konting make up. Kinuha ko ang purse ko kanina nang maramdaman kong may nag vibrate dito.

0927xxxxxxx

"Here at ******, VIP room 4. Just knock before you go in."

Napataas ako ng kilay sa nabasa ko. Ang panget ng aura. Naalala ko kaagad yung sabi ni Marie na baka ito yung Mr. Right ko, ekis na kaagad.

I replied okay at umalis na sa opisina upang hindi na ma late. Past 12 na pala at andon na siya, nakakahiya naman kung maghintay siya ng sobra. Ekis na ako kaagad.

I chuckled and shook my head kase kung ano ano na ang naiisip kong nakaka turn off sakin.

Bat ko ba iniisip to? As if may chance pang umibig pa ako muli.

"VIP Room 4, I'm Ms. Perez." Sabi ko kaagad pagkarating ko ng restaurant. Kaagad naman akong inassist papunta sa room. At siyempre, kumatok muna ako bago ako pumasok.

Sinuri ko ang kwarto pero wala doon ang ka meeting ko. Akala ko pa naman late na ako.

Chineck ko ang relo ko at nakita kong late nga ako, 1:30 na at saktong 12 dapat yung meeting namin. Laking gulat ko na lang na may narinig akong flush galling sa cr ng VIP room at may isang pamilyar na mukha ang lumabas sa pinto nito.

Isang taong hindi ko na sana gustong makita.

Pero isa din sa hindi ko gusto ay ang kaba, saya at tibok ng puso ko nung nakita ko siya.

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon