3

2.2K 40 12
                                    

"Woah, it's a surprise but you're here early." Bati kaagad ng tatay kong nagkakape sa veranda ng bahay. Rinig ko ang pinaghalong gulat at sarcasm sa boses niya.

"It's also a surprise that you're here. Don't you have work?"

"Woah young lady, can't I have my own day off?"

"You don't do day offs dad."

He let out a laugh and stood up to greet me with a hug.

"It's good to have you here." Binitawan din naman niya ako kaagad at bumalik na sa kaniyang pagkakaupo. Sobrang dalang ko lang sa bahay namin. If wala ako sa condo, It's either I'm in my office or out of town for business.

"Where's mom?"

"She'll be back soon. Nag grocery dahil uuwi ka." Tinaas niya ang isang kamay upang humigop ng mainit na kape at ang isa naman ay nagscroscroll sa kaniyang ipad.

"How sure are you na uuwi ako?" Tinaasan ko ng kilay ang tatay ko. I'm not being rude pero I'm curious kung paano nila na tantsa na uuwi ako.

"I know you have questions kaya I'm sure na uuwi ka." Patuloy parin ito sa pagscroscroll sa kaniyang ipad at di man lang ako tinapunan ng tingin.

He knows. So that was really a set up?

"Anyways, I asked Marie for your schedule. You have a meeting at 3, pero andito ka na when it's only 3:45."

"I cancelled it. Will resched tomorrow. Also, lunch didn't go well, anong trip to?" Binaba niya ang kaniyang ipad, looking all serious. What does that mean?

"Later love. Dinner. Why don't you rest for a while? Pinalinis ko ang kwarto mo."

Napa buntong hininga na lamang ako. As much as I want to know everything now, it has to wait.

"Fine. Please wake me up if it's dinner time. Kailangan kong bumawi ng tulog." Sabi ko sabay hikab dahil ilang araw na akong puyat.

Umakyat na ako sa kwarto at nag desisyon na magshower. Pagkatapos ay nagbihis at dumiretso na sa kama para makatulog.

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto. Agad akong bumangon at tumingin sa orasan na nasa bedside table ko.

6:30pm.

Pinagmasdan ko ang paligid na parang hindi na pamilyar sa akin. Madaming nagbago sa kwartong ito. Ngayon ko lang napagtanto na may picture frame sa gilid ng orasan ko kanina. When I looked at it, it was one of my favorite photos before.

Senior High School Graduation.

Kami ni Alexis.

Sa pagkakaalam ko tinago ko to.

No, nahanap ba nila ang box?

Pumunta ako sa walk in closet ko para hanapin ang pinagtaguan ko ng lahat ng aming alaala. Binuksan ko agad ito nang aking makita and it was lesser than I remember. Pinakealaman ba ito ng nanay ko?

Nakarinig ako ulit ng katok, but this time. It was from my mom.

"Tin, dinner."

"Susunod ako ma!"

Dali dali kong sinarhan ang box nang may umagaw ng aking pansin. Isang papel na nagbigay ng sobrang saya sa aking buhay dati.

Concert ticket ng LANY. The night he proposed to me. The night that made me the happiest woman in the world.

"And you need to know, You're the only one alright, alright." Pasigaw naming kanta ni Alexis. Nasa concert kami ng LANY at sobrang saya ko dahil magkasama kaming nanood nito. Apaka surreal pa ding makita at marinig mo ang iyong iniidolo.

Nakapulupot ang kamay ni Alexis sa aking bewang, resting his chin on my shoulder.

"Grabe mahal, sobrang saya ko today. Can this day get any happier?"

"Ofcourse mahal, mas magiging masaya ka." That confused me. Ano ang makakatalo sa saya ko ngayong nakita ko ang LANY?

"I already am happy. Thanks love, I love you." Nakahawak ako sa kamay niya pero bigla siyang bumitiw kaya naman napaharap ako sa kaniya.

"Oh my heart hurts so good, I love you babe." Kanta ng LANY pero bigla nalang si Alexis lumuhod.

Punong puno ng kaba ang aking dibdib. Di ko maexplain ang nararamdaman ko, parang lalabas ata ang puso ko sa mga nangyayari. Ni hindi ko na makita ang mga taong naghihiyawan at nakapaligid sa amin.

Siya lang, siya lang ang nakikita ko.

"So bad, love. So bad." Kanta nito.

"Can this day get any happier? I hope so. Will you spend the rest of your life with me mahal?" Rinig ang nginig sa kaniyang boses. Muntil pa siyang mautal noong sinabi niya iyon sa akin. Kitang kita ang namumuong luha sa kaniyang mga mata, at ganon din sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Ang taong sobrang mahal ko ay inaaya ako sa walang hanggang pag – ibig.

"Oh my God." Halos humagulgol na ako noong sinabi koi yon.

Mas lalong lumakas ang hiyawan sa paligid dahil marami na ang nakakita ng pag propose na gawa ni Alexis. Ako naman ay naiiyak dahil sa ginawa niya.

"Ofcourse love. Fck. Mahal, Yes. Oh my God." At tuluyan na nga akong umiyak. Binigay ko ang kanang kamay ko sa kaniya upang maipasok niya ang singsing sa aking daliri.

Can this day get any happier? Yes.

He kissed me in front of everyone pagkatapos niyang maisuot ang singsing sa aking mga kamay. Tumulo na ding ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"I love you Kristine Perez."

Ang saya saya ko. Kung sisingilin man ako ng tadhana sa sayang ito, sana hindi si Alexis ang kabayaran dahil hindi ko kakayaning mawala sa buhay ko ang tahanang pumuno ng pagmamahal sa puso ko.

"I love you too, Alexis Gomez."

"Tin?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng aking nanay. Hindi ko namalayan ang mainit na luhang tumutulo sa aking mga mata.

Sabi nga nila, may mga taong sobra nating minahal. Yung tipong hindi mabura sa ating puso at isipan.

Sa sitwasyon ko, si Alexis yun.

Anim na taon na ang nakalipas pero sariwa parin ang lahat.

The one that got away,

At the same time,

The one I loved the greatest.

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon