2

2.7K 44 9
                                    

"Boys kung di kayo tutulong sa paglinis, lumabas kayo ng room!" Pasigaw na sabi ng class president sa mga kaklase kong lalaki na nagpopoker sa sulok ng room.

General cleaning ngayon ng aming school kaya busy ang lahat sa paglilinis dahil iinspeksyunin ito ng aming adviser pagkatapos.

Agad namang nag si tayuan ang mga lalaki at niligpit ang barahang ginamit nila. Isa isa silang lumabas pwera nalang sa isang lalaking nagpaiwan na akala ko ay hihingi ng sorry.

"Miss Pres, mainit ka today." Sabi nito sabay hawak sa bewang ni Loraine, ang aming presidente.

Ay.

Ekis.

"Tigil tigilan mo nga ako Alexis." Sabi ni Loraine sabay siko sa lalaki sa sikmura. Napangiwi ito sa sakit pero bigla ding tumigil noong makita niya akong nakatingin sa kaniya.

Napaiwas na lamang ako ng tingin noong kinindatan niya ako. Aaminin kong nandidiri ako panlalandi niya pero di ko maiwasang mamangha sa matipuno niyang mukha. Grade 12 pa lamang kami pero kita na ang hubog ng kaniyang katawan sa simpleng white tshirt na suot niya.

Ang pogi. Crush ko na ata siya.

Alexis ba ang pangalan niya? Yun ang narinig ko kaya baka nga. Halos di ko pa kilala ang mga kaklase ko kase nalipat ako ng section. Time will pass din naman and I might get close to them din.

Nagdaan ang mga araw at lagi iyon ang ganap sa amin. Magkakatinginan, tapos kikindatan niya ako at ako ang unang mag iiwas ng tingin. Ewan ko ba pero halos araw araw ding pahulog ang aking loob sa kaniya.

Ang landing bata ko naman, di pa nga kami isang buwan na magkakilala pero nahulog na kaagad. Ang rupok.

"Alam mo ba, si Alexis, crush si Kristine." Kwento ng kaibigan kong si Laura sa buong tropa namin.

"Late ka na girl. Matagal ko nang alam. Palagi ba naming nakatulala kay Tintin, nako." Dugtong pa ni Rhea.

Apat kami sa circle of friends ko. Si Rhea at Laura ang dakilang chismosa. Si Bianca naman ang tipong tahimik at sabay lang sa flow. Ako naman, wala, mabait.

Nakikinig lang ako sa kanila pero nalulunod na ako sa kilig. Pa simple akong umiwas ng tingin at namaypay gamit ang mga kamay na parang naiinitaan.

"Hala si Kristine, namumula." Kaagad kong tiningnan ng masama si Bianca para tumigil pero huli na ang lahat dahil narinig ito nila Laura at Rhea.

"Sinasabi ko na nga bang malandi ka." Sabi ni Rhea habang hinihila ang ilang hibla ng aking buhok.

"Halika dito gaga." Sabi naman ni Laura sabay hawak sa aking mga pisnge na pilit pinapaharap sa direksyon kung nasaan si Alexis.

"Hoy Alexis! Crush ka ng tropa ko." Pasigaw na sabi ni Rhea kaya napatingin ang lahat amin.

Nakatingin na din si Alexis sa direksyon namin at for the first time, siya ang unang umiwas. Simula non, palagi na kaming hotseat sa classroom. Kung meron man daw classroom couple, kami ang kinukutya. Madaming nagsasabing bagay kami, may mga nagsasabi ding mas bagay sila. Pero wala akong pakialam kase ang gusto ko lang ay magkrus ang aming landas at makapag usap ng matino.

Isang araw, ginabi ako ng uwi. Mayaman kami, pero ayokong dumepende sa yaman ng aking pamilya. Kaya heto ako ngayon, nag aantay ng masasakyang jeep habang umuulan ng malakas. Mabuti na din at wala masyadong tao kaya di ako nakikipag siksikan sa munting waiting shed na aking pinag sisilungan.

Yun nga lang, unti unti nang napupuno ng tubig ang kalsada. Mukhang aabutin na ata ang waiting shed.

Bigla nalang may pumarang kotse kaya napaatras ako dahil umapaw ang tubig sa kalsada at parang alon na dumaloy ito sa aking mga sapatos. Lumabas sa front seat nito si Alexis na may dalang payong.

"Hi!" Nahihiyang sabi nito pagkalapit niya sa akin.

"Sabay ka na sakin? Hahatid kita." Sabi nito habang nakahawak sa kaniyang batok dulot ng hiya.

Uminit ang mukha ko sa aking narinig. Grabe, parang nanalo ako sa lotto. Inaya lamang ako nito para ihatid pero feeling ko ay inaaya niya akong maging girlfriend niya.

Pero yun naman talaga ang nangyari. Noong marating naming ang bahay ko, tumila na ang ulan. Hinatid niya ako sa gate ng bahay at sa ilalim ng buwan na hindi na natatabunan ng makapal na ulap, sinabi niya ang tatlong katagang-

"Pwede ba manligaw?"

"Ms. Perez?" Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang tawag sa akin.

"Have a seat and we'll go over the changes on your designs." Nararamdaman ko ang lamig sa kaniyang boses.

"Yes. Thank you and sorry to keep you waiting. Umm, did you order already or?"

"I did, it will be served in a bit."

"Thanks. So, about the condo."

"Yes, there are minimal changes on the exterior design." Pinaharap niya ang kanyang laptop at inexplain na ng mga gagawin sa condo. Hindi ko ma process lahat sa utak ko dahil distracted ako sa pagmumukha niya.

"Ms. Perez? Are you listening?"

Umiwas ako ng tingin. Palagi nalang ako ang umiiwas. Wala na ba akong epekto sa kaniya?

"As I was saying, you are in charge for the condo in Iloilo."

"Yes, I am the architect in charge."

"No, you are in charge as a whole. You have to monitor the progress at least once a month but it will be more efficient if you stay in Iloilo until the project is finished."

"Ha? I wasn't aware of that."

He let out a sigh.

"I guess you are now."

Sinarado niya ang laptop at tumingin ng diretso sa akin.

"Look. I guess this is a set up."

I arched my brows and gave him a confused look.

"Our parents I mean. They're setting us up."

"We are done 6 years ago pa, Alexis. Sobrang late naman ng paghihimasok nila, they should've done it before and not now."

"You don't have any clue about your company don't you?"

"Luh. Nang iinsulto ka ba?" Pabalang kong sabi kaya napatawa siya ng konti.

Di na siya nakasagot dahil dumating na ang mga pagkaing inorder niya. We stayed silent throughout the whole lunch. What's there to talk about pa ba? We were done already.

Natapos ang lunch nang di kami nagkakaimikan. Muli lang siya nagsalita noong naghiwalay kami sa parking lot.

"I guess we'll see each other often then?"

Tinaas ko ang aking balikat na siyang huli kong ginawa bago tumalikod sa kaniya at naglakad papuntang kotse.

Agad kong pinaharurot ang kotse pagkasakay ko. Imbes na sa condo ako dumiretso, lumiko ako sa daan patungo sa bahay namin. 

Gaya ng sabi ni Alexis, 

I should talk to my parents.

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon