6

2K 32 4
                                    

Nasa harap ako ng site upang bisitahin at kamustahin ang progreso nito. Agad kong hinanap si Alexis ngunit hindi na ako nag abala sapagkat kitang kita ko sa kaniya ngayon na ayaw niyang maistorbo.

Kinakausap niya ang mga trabahador at mukhang busy na busy ito. Ni hindi nga niya ako mabigyang pansin.

Nakakunot ang kaniyang noo at mukhang seryoso sa papel na kaniyang tinuturo na mukhang blueprint ng condo.

Maganda ang pagkakagawa ng condo na ito. Konting ayos nalang at baka matatapos na ito sa susunod na buwan. Mabuti naman at nirarush ito kaya hindi ako masiyadong maiipit sa presensiya ni Alexis.

Timing naman na nakatingin ako sa gawi niya noong nag alsa siya ng ulo, paraan upang makita niya akong nakatayo lang sa gilid. Agad naman itong napataas ng kilay at palipat lipat ng tingin mula ulo hanggang paa. May dumi ba ako sa mukha? Sa damit? Sa paa?

Lumapit ito sa akin at bigla nalang akong hinila papunta sa munting bahay sa gilid lang ng aking kinatatayuan. Tantsa ko ay isa itong opisina at tama nga ako. Maliit lang ito pero it looks spacious on the inside. Pagkapasok mo ay makikita mo ang sofa sa gilid at sa dulo nito ay ang kaniyang office table at mga drawers sa kabilang side. Kita ang gulo sa kaniyang mesa na may nakalatag na blueprint at mga lapis.

"Aren't you a little overdressed to be here?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman ang problema sa puti kong off shoulder dress at white block shoes?

"I think not?"

"Dinidistract moa ng mga trabahador. Tiyaka heels? Next time mag rubber shoes ka."

"What's wrong with my heels if I find them comfortable?"

Not true. Dahil kanina pa sumasakit ang paa ko sa kakatayo at paghihintay sa kaniya. For sure, meron na akong sugat at pilit ko lang iniinda ang sakit para hindi ito mahalata ni Alexis.

"Tell me about it. Stay here and make yourself comfortable. I'll be back at lunch. First aid kit can be found in the restroom."

"At ano naman ang gagawin ko dito?"

"I don't know? Maybe stand, sit, walk a little or play with your phone?" He shrugged and left me alone, just like that.

Naupo ako sa sofa at nagcheck ng emails if may kailangang urgent sa office. Minutes passed at nakatunganga padin ako. Naghahanap ako ng way para makaalis na dahil naiinip na ako. Napatingin ako sa wall clock nang makitang 10:30 palang.

What time kaya yung lunch nila? Maybe 12?

I shoud've bought some food para may maibigay ako kay Alexis.

Right. Food. I should buy then food.

But how many should I buy? I better ask that guy.

Tumayo ako sa sofa at lumabas sa office ni Alexis. Dirediretso akong naglakad at hindi ko namalayan na mabubunggo ko na ang hawak na materyales ng isang trabahente.

"Ma'am! Excuse!"

Bigla naman akong napa atras sa gulat at natapilok dahilan upang matumba ako. Bago pa man sumalpok ang pwet ko sa sahig ay hinila na ako ni Alexis kaya napasubsob ako sa dibdib nito.

"Tsk. You're a walking tornado, do you know that?" Ani nito. Kinuha niya ang kaniyang hard hat at sinuot sa akin.

Napakagat na lamang ako ng aking labi dahil sa sobrang hiya. Talagang gumawa pa ako ng eksena sa site kahit na sobrang busy ng mga tao. Dapat pala nanatili nalang ako sa loob.

"Likot." He gave me a pat at tinalikuran na ako pero bigla ko siyang hinawakan sa kamay. Napahinto ito kaya bigla ko siyang binitawan. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan at parang kiliti sa aking mga tiyan. Nilingon niya ako at ang mga mata nito ay nagtatanong kung bakit.

"Paano ka?"

"Kaya ko."

"Hmp. Hambog." Humakbang ako upang sundan siya pero naramdaman ko ang sakit sa aking kanang paa.

Natapilok nga pala ako kanina. Tiniis ko ang sakit at paika ikang sumunod sa likod ni Alexis. Naramdaman niya siguro ang kabagalan ko kaya't nilingon niya ako at napatingin sa aking paa.

"Tsk." Agad naman itong lumapit sa akin at binuhat ako na para bang bagong kasal.

Agad naman nag ingay ang mga trabahador sa nakitang pagbuhat sa akin ni Alexis. Halo halong pang aasar at pangungutya ang aking narinig.

"Sila ba?"

"Sir Bagay kayo!"

"Ayieee, si sir may love life."

Bigla akong nahiya sa pinagsasabi ng mga ito kaa siniksik ko nalang ang aking mukha sa dibdib ni Alexis. Akala ko sa opisina kami pumunta pero pinasok niya ako sa kaniyang kotse. I can smell his manly scent. Apakalinis din nito. I can't relate. Mabuti nalang at hindi ko dinala ang kotse ko sa Iloilo.

Nilapag niya ako sa front seat at biglang nilapit ang kaniyang mukha. Automatic naman akong napa atras dahil konting usog niya nalang at mahahalikan na niya ako.

Andito na naman ako sa thought na hahalikan ako. Hindi na ito healthy.

Nabalik ako sa realidad nang may narinig akong click, sign na nakabit na ang seatbelt.

Agad naman itong umatras at bumulong sa akin. Bigla namang tumaas ang dugo ko sa at hindi ko alam kung magagalit ba ako o mahihiya sa kaniyang sinabi.

"Ang bigat mo."

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon