Pabalang akong umakyat sa eroplanong sasakyan ko papuntang Iloilo. Agad kong hinanap ang pwesto ko para makabawi ng tulog dahil ilang araw na akong puyat gawa ng aking mga magulang.
Hindi padin nag sisink in sa akin na imemerge ang kompanya namin at nila Alexis. It was a business deal and to seal it, we should get married.
Again.
This isn't like the old times. Bakit nauuso padin ang arranged marriage?
I admit, some part of me is happy sa narinig while the other says otherwise.
Noong nakita ko na ang seat number ko, agad akong pumasok para makaupo nang ma out balance ako.
Napaupo ako sa hita ng aking katabi.
Nakakahiya ka Kristine.
"I'm sorry." Agad kong sabi.
"Tsk. Are you sure you didn't mean it?" Napatingin agad ako sa nagsalita at laking gulat kong si Alexis iyon.
"Bat ka andito?"
"Can you get off my lap first?" Naka kandong padin pala ako sa kaniya kaya kaagad akong tumayo at umupo sa aking upuan. Nasa window seat ako habang si Alexis naman ay sa gitna.
"Is this another set up?"
"Maybe."
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya kanina."
Hindi na siya nagsalita pa. Sinandal niya lamang ang kaniyang ulo at huminga ng malalim. Ako naman ay nag aayos ng linya ng earphones para makabit ko na ito sa aking tenga.
"A pleasant morning to everyone. Welcome aboard Cebu Pacific, this is flight 5J 447 and we are all bound to Iloilo. Only guest of this flight-"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ng flight attendant dahil inon ko na ang music sa aking phone. Naramdaman ko nading umandar ang eroplano.
Pinilit ko kaagad matulog para di ko maramdaman ang pag take off. Nakapikit ang aking mga mata at napahawak ng mahigpit sa arm rest dahil takot ako sa ganito. Naramdaman ko nalang tumaas ang aking kamay at may mainit na palad na humawak dito bago ako tuluyang nakatulog.
Kalma.
Komportable.
Nakakawala ng kaba.
"Grabe, nakakapagod." Sabi ko kaagad pagkapasok sa hotel room. Humilata agad ako sa kama dahil sa sakit ng katawan.
Ngayong araw ang kasal namin ni Alexis at isa na akong ganap na Mrs. Gomez. Pagka tapos ng reception ay dumiretso agad kami sa kwarto para magpahinga.
"It's all worth it. You're worth it mahal."
Napatingin ako sa kaniya at halos maiyak na dahil sa sinabi nito. He always know how to make me happy, even with the smallest things.
"I'm one lucky girl alam mo ba yon?"
"Ba't feeling ko mas swerte ako sayo?" Banat nito pabalik sa akin.
I let out a laugh.
Kinikilig ako, ganito ba ang feeling ng mga bagong kasal?
Sana, ganito palagi.
Alas onse na pero wala padin si Alexis. Ngayon ang anniversary namin kaya nag set ako ng candle light dinner pero nasayang ito dahil hindi siya dumating.
Napa buntong hininga na lamang ako at niligpit ang mga pagkaing nakahanda sa mesa. Agad akong pumunta sa living room nang may narinig akong kalabog. Pumasok sa pinto ang isang lasing na Alexis. Gulong gulo ang buhok, nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang polo. Pulang pula ang kaniyang pisnge dahil sa alak.

BINABASA MO ANG
One Step Away
RomansaSeparated for 6 years, will high school sweet hearts Kristine Angela Perez and Alexis Santiago find each other again?