7

1.8K 18 2
                                    

Naisipan kong kumain sa kalapit na mall malapit sa hotel na aking tinutuluyan.

Si Alexis? Hindi ma contact.

Ewan ko ba. It's either he's busy or ayaw niya lang talaga akong makita.

Kaya heto ako ngayon. Mag isang kumakain sa Jollibee.

"Uuwi ka ba? Bilhan kitang dinner. Nasa Festive ako."

Agad ko namang naitapon sa table yung phone ko.

Bakit mo iyon ginawa Kristine? Nahihibang ka na ba?

Inoff ko nalang yung phone ko dala ng takot na he will leave me on read. Sige, alam ko namang wala lang ako sa kaniya at hindi dapat ako nag aalala. Tama, let's live normal Kristine.

Dali dali kong inubos ang aking pagkain para makapag grocery at makauwi na para kung sakaling umuwi man si Alexis ay tulog na ako.

Saktong pagkaapak ko sa harap ng hotel, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Ulan.

Isang bagay na nagpapaalala ng aming pinagsamahan. Kaya ayokong umuulan dahil bukod sa cuddle weather at wala akong ka cuddle, si Alexis agad ang unang pumapasok sa isip ko.

Tumungo na ako sa aking kwarto at nilagay sa ref ang aking mga pinamili. Pagkatapos ay nagshower na ako. Dahil kailangan ko ng papatay sa katahimikan na meron ang kwartong ito, I turned on my phone para makapag play ng music habang ako'y naliligo.

Walang reply.

Sungit.

Pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit inon ko ang aking phone. I played a song and put it in full volume. Pumasok na ako sa shower nang makarinig ako ng ilang ulit na vibrate. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong chineck ang aking phone nang bigla itong nagring. It's a call from my fave person.

"Hi love!" Kinuha ko ang lotion at naupo sa kama. Inipit ko ang phone gamit ang aking balikat at nagsimulang mag lotion ng paa.

"How are you baby?"

Napatawa lang ako sa kaniyang sagot. Tila nagtatampo ito dahil hindi ko ito nakita ng ilang linggo sa kadahilanang nasa Iloilo ako.

"I miss you so much love. Babawi ako. I think I'll return soon." Napatayo ako ng biglang may nagbukas ng pinto sa aking kwarto. Hinigpitan ko ang hawak sa aking tuwalya at umupo ng matuwid dahil pumasok si Alexis na basang basa. Agad itong naglakad papunta sa CR at hindi man lang ako binigyang pinansin.

"Ofcourse, I love you." Sabi ko sa kabilang linya. Halata ang pagka atat kong i off ang phone call dahil baka marinig ito ni Alexis.

"Oo, Huwag ka magpupuyat, bukas na tayo mag vc. Good night baby. Sige na, end mo na yung call. Love you." Pabulong kong sabi. Inend ko na ang call nang may narinig akong kalabog. Napatingin agad ako sa pintuan ng cr na kakasira lang.

Potek. Narinig niya ba yon?

Eh ano naman kung narinig niya?

"Ikaw tong tinext kanina kung uuwi tapos ikaw tong magtatampo." Napatingin ako sa phone at nakita kong madami siyang missed call.

Hala.

Pero bakit call?

Pwede niya namang replyan yung text ko. Hmp.

Narinig ko ang pagbukas ng shower hudyat na naliligo na nga si sungit. Agad akong nagbihis at baka ano pa ang makita niya sa akin.

As if hindi niya ito nakita pero that was years ago.

Agad akong humiga sa kama at pinilit na makatulog. Ngunit ilang minute ang lumipas ay gising padin ako. Nakalabas na si Alexis sa CR kaya't nagpanggap nalang akong tulog.

"Baby pala ha." Narinig kong bulong niya.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama at may ga brasong pumulupot sa aking bewang.

Nanigas ang aking katawan sa naramdamang kuryenteng dumaloy sa aking buong pagkatao. He still can give me butterflies kahit sa simpleng pagyakap nito.

"Ako lang dapat baby mo eh." Bulong nito sa aking tenga at hinalikan nito ang aking pisnge.

"Good night mahal." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon