chapter 11

91 2 0
                                    

CHAPTER 11

Buong maghapon siyang hindi pinalabas ng bahay ng kanyang kuya. Parusa daw ito dahil sa hindi niya pag iingat.

“Para galos lang, masyado naman siyang over reacting” bulong niya sa sarili.

Nang matapos ang hapunan ay nagpaalam siyang bibisitahin si Brad sa ospital.

“He’s fine. You don’t have to visit him” saba’t naman agad ni Kurt habang nagpapaalam siya sa kanilang mga magulang.

“I just want to make sure that he is fine. I also want to get some information to him since nakasama niya ang mga iyon ng matagal tagal.” Ang tinutukoy niya ay ang grupo ni Franz.

“I already did that” malamig na sabi ni Kurt

Galit sana niya itong lalapitan ng pumagitna ang kanilang mama.

“Hush dear.”sabi nito sa kanya pakuwa’y bumalik kay Kurt. “Kurt, anak hayaan mong gawin ni Khleign ang mga dapat niyang gawin. Afterall, you gave that mission to her. Hindi mo dapat siya nililimitahan sa mga kilos niya dahil trabaho naman niya ang gawin iyon.” Mahinahong paliwanag ng kanilang ina rito.

Wala nang nagawa pa si Kurt kundi ang bumuntong hininga. Basta ang kanilang mama ang kaharap nito wala itong magawa kundi ang magparaya.

“fine” sukong sabi ni Kurt sa kanya.

Bumaling naman si Mrs. Salcedo sa kanya.

“Khleign, anak hindi mo dapat inaangkin lamang ang problema. Maybe that’s the reason why your brother always afraid of letting you do this kind of mission. Nandyan lang sya at tutulungan ka kung kailangan. Huwag kang mag alinlangan na tumawag, ok dear?” mahinhing saad nito. Napapangiti lang namang nanonood ang kanilang papa.

“ok mom. So can I go?” sabay sabay naman ang mga itong tumango.

Napapansin niyang kanina pa na parang sumusunod sa kanya ang kotseng itim na nasa likod nya. Upang makatiyak lumiko siya sa kanan at nakita niyang lumiko rin ito. Hindi pa rin nagbabago ang bilis niya. Nasa normal lang upang hindi nito mahalata na alam na niya na sinusundan siya nito. Isa pang liko ang ginawa nita sa kabilang kanto at muli itong sumunod.

Walang duda alam na ng mga ito kung sino siya. Ang nakapagtataka lamang ay kung paano. Wala siyang matandaan na nakita ng mga ito ang kanyang mukha.

Pinatulin niya ang kanyang takbo. Nakaramdam naman ang nasa kabilang sasakyan at ganun din ang ginawa.

“Shit” paliko liko siya sa kalsada dahil na rin medyo bumibigat ang trapiko. Nang sa tingin nya ay wala na siyang masusuotan ay lumiko siya sa kanang eskinita at bumaba ng sasakyan. Malas hindi niya dala ang kanyang baril.

Tumakbo siya sa may bahaging madilim at nagtago. Nakita niyang huminto na rin ang itim na sasakyan. Bumaba ang tatlong lalaking pare parehong may saklob sa ulo. Lumapit ang mga ito sa kanyang kotse at nang mapagtatong walang tao ay sinenyasan ng nasa gitna na kumalat at hanapin siya.

Napasiksik siya ng Makita niyang patungo ang isa sa kanyang direksyon. Nang makalampas ito ay sinakal niya ito mula sa likod gamit ang kanyang mga braso. Siniko siya nito sa sikmura kaya napabitaw siya rito. Napaubo siya dahil sa sakit. Itinutok ng lalaki ang baril sa kanya ngunit bigla siyang tumayo at pinilipit ang braso nit dahilan upang mapasigaw ito.

Naagaw marahil ang atensyon ng dalawa pang lalaki kaya naman nakita sila nito. Binaril siya ng isa ngunit dahil alerto siya, isinangga niya ang lalaking hawak niya upang dito tumama.

Nawalan ng mala yang kanyang hawak kaya naman bumigat ito. Nabitawan na nya ito. Kinuha niya ang baril ng lalaki at itinutok sa mga lalaki. Nadaplisan lamang ang isa sa kanila.  Nakipagpalitan din ang mga ito ng putok at sa kasamaang palad ay natamaan siya sa kanyang braso.

“Damn” nakalantad kasi siya sa mga ito. Mga siyang makublihan kaya naman hindi na sya nagtaka nung matamaan siya ng mga ito.

Nang sa wakas ay nakapagtago siya at nang makakita ng pagkakataon ay binaril ang isa sa kanila. Tarantang nagtago ang isa. Sa ngayon ay nasa kanya ang kapalaran dahil hindi sya natatanaw ng kalaban. Umikot siya at kahit na sumasakit ang kanyang braso ay pinilit nya ang sarili na isiping hindi ito masakit.

Nakita niya ang lalaki na nakakubli sa isang malaking poste. Hindi sya nito nakikita dahil nakatingin ito sa lugar kung saan siya nagtatago kanina. Dahan dahan ang ginawa niyang paglapit dito at tinutok ang baril sa tapat ng mukha nito.

“What are you looking at?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. Gulat na napalingon  ito sa kanya. Nang Makita ang baril na nakatapat sa kanyang mukha ay nahintakutan itong nagsalita.

“wag mo akong papatayin” nagmamakaawang sabi nito sa kanya.

“why would i?to think na halos patayin nyo na ako. Do you think maaawa pa ako sa iyo?” nakakaloko niyang inilahad ang kanyang palad.

Agad naman nitong ibinigay ang baril sa kanya.

“I need you to testify who the drug lord is. Sumama ka sa akin. “ pinauna niya itong lumakad at siya sa hulihan. Nakatutok pa rin ng baril niya sa likod nito.

Malapit n asana sila sa kanyang kotse ng bigla itong dumukot sa kanyang bewang ng patalim at humarap sa kanya kasabay ng pagbigwas nito ng patalim sa kanya.

“shit” tinamaan na naman nito ang sugat niya na dinaplisan ng mga ito ng bala.

“sino sa atin ngayon ang mamamatay?” mabalasik na anyong sabi nito. Napatingin siya sa kanyang baril na nalaglag dahil nahawi nito kanina. Nang mapansin ng lalaki kung saan siya nakatingin ay dagli nitong sinipa palayo sa kanya ang baril.

“sa palagay mo ba nanalo kana?”sarkstiko niyang tanong dito

Sandaling naguluhan ang lalaki pagkuwa’y ngumiti nang nakakaloko. “hindi mo ako malilinlang ng mga sinasabi mo. Isa ka lang babae”

“then let’s see” pinatid niya ito. Akmang tatayo ito pero pagtalon niya kasabay ng pag tumbling ay sapol ang kanyang paa sa ulo nito dahilan upang humampas ang ulo nito sa lupa. Sa lakas ng impact ay hindi na muling nakatayo ang mga ito.

Sa nanlalabong mata ay sumakay siya sa kanyang sasakyan. Kailangan niyang makarating sa ospital. Mukhang napasama ata ang tama sa kanyang braso. Baka maubusan siya ng dugo nito.

Binabaybay niya ang eskinitang iyon ng biglang nagdilim ang kanyang paningin at hindi na niya alam ang nangyari.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon