chapter 14

91 1 0
                                    

Chapter 14

Nasa opisina siya at maraming trabaho nakapatong sa kanyang table ngunit kahit isang trabaho ay wala pa siyang nasisimulan. Hindi mawala wala sa kanyang isip ang mga eksena nila ni Khleign kagabi. Hindi naman niya planong halikan ito kagabi pero ang makita siyang magulo ang buhok, walang make up nagmumukha siyang anghel. That also made her look seductive and so tempting. Naiintindihan nyo naman siguro ako diba?

But what really pissed me off ay yung nangyari sa kanya. Ano ba ang itinatago ng babaeng yon? Sino at bakit siya gustong patayin ng mga taong gumawa sa kanya ng masama? Isipin lang iyon ay kumukulo na ang kanyang dugo. Hindi niya maintindihan ngunit ayaw niya namay mangyaring masama kay Khleign. Natigilan siya sa pagmumuni muni nang may kumatok sa pinto ng office niya.

“entrar (enter)” ipinatong niya ang isang folder sa bunton ng folder sa kanyang table. Napailing na siya. Wala pa naman kasi siyang nasisimulan kahit isa.

“Sir, nasa labas po si Miss Cynthia Cuevas. Papasukin ko po ba?” tanong sa kanya ng kanyang secretary. Binilinan nya kasi ito na huwag siyang istobohin dahil maraming siyang nakatambak na trabaho.

Sasagutin na sana niya ang tanong nito nang bigla nalang lumitaw sa harap nila ang dalaga.

“Hi Darius!” nakangiti nitong bati.

“oh hi Cynthia. What brought you here?”

Nagpout ito at maarteng naupo sa harap ng table niya. Lumabas na naman ang kanyang secretary matapos niya itong senyasan na umalis na. Maarteng pinagkrus ni Cynthia ang kanyang mga hita. Nakamini skirt lamang ito at kitang kita niya ang mapuputi at mabibilog nitong legs.

“I just want to invite you for lunch.” Malandi nitong pinaglakbay ang kanyang daliri sa gilid ng aking mga labi.

“lo siento Chiquita (I’m sorry, babe), I have a plan for lunch” hinawi niya ang kamay nito. “if you’ll excuse me, I am busy”

“But­—“ protesta ng dalaga.

“No more buts Cynthia. Nakikita mo ba yang tambak ng folder sa ibabaw ng table ko? Kailangan ko yan matapos ngayong araw so I don’t have time para sa isang Lunch date.” Katwiran nya rito. Pinindot niya ang intercom. “lalaine, ihatid mo na sa labas si Miss Cynthia”. Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary

“follow me Miss Cynthia” wika nito sa dalaga. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa kanyang secretary. Bago ito lumabas ng pinto ay lumingon muna ito upang bigyan siya ng isang ngisi.

“I’ll see you later, Darius Honey” at nawala na ito sa kanyang paningin.

Napailing nalang siya. Minsan hindi nya alam kung bakit ba ginawa pa ang mga babae. Ngunit nang maisip ang babaeng gumugulo at ang babaeng hindi nagpatulog sa kanya kagabi ay hindi niya napigilan ang mapangiti.

Dinampot niya ang kanyang mobile phone at dinayal ang number ng mansion.

“hello” boses ng kanyang mama ang bumungad sa kanya.

“mom, I just wanna ask if khleign’s still there.”

“Yes, she is still here. Nandoon siya sa garden at nagkakape. Gusto na nya umuwi ngunit pinakiusapan ko na manatili muna kahit mamaya paguwi mo. Sinabi ko na magpahatid na lang sayo.” Napangiti siya ng lihim. I thank my mom for that. Magaling kasi ang convincing power nito eh.

“I’ll be home by lunch mom. Dyan na ako kakain dahil may mahalaga akong sasabihin kay Khleign.”

“Alright. Ipaghahanda kita ng favorite food mo.” Ang sweet talaga ng mama niya kaya mahal na mahal niya ito eh.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon