chapter 24

88 1 0
                                    

Chapter 24

“When are we gonna kill that brat, Dad?” tila naiinip na tanong ni cynthia kay Armando Cuevas.

“Soon sweetie after we finish our transaction to Mr. Black” ang tinutukoy nito ay ang lalaki sa likod ng lahat. Ang lalaking pinagsusuplayan nila sa states.

“One week pa yun Daddy at masyadong matagal” dabog ng dalaga. “hindi ba pwedeng ngayon o kaya bukas na lang.”

“Fine it’s your choice honey. Whatever you want” may pagsukong sabi ng matanda. Bumakas naman ang kasiyahan sa mukha ni Cynthia. Agad itong tumayo at binigyan ng halik sa pisngi si Armando.

Diretso ang dalaga sa garahe upang magtungo sa hideout. Tuwang tuwa ito dahil sa wakas ay wala ng hahadlang sa kanilang dalawa ni Darius. Ngayon na niya tatapusin ang paghihirap nito.

Oh hindi ba’t mabuti pa rin siyang tao dahil inaalala niya ang paghihirap ng iba.

Lingid sa kaalaman niya ay sinusundan siya ni Claude. He is 50 meters away from her car. Ganun kasi ang required gap kung halimbawang may sinusundan sila. Iyon ay upang hindi sila mahalata o kaya naman ay hindi mawala sa kanyang paningin ang sinusundan.

Nangunot ang kanyang noo ng lumabas ito ng manila. Malakas ang kanyang kutob na pupuntahan nito ang kanilang hideout. Kinuha niya ang phone at agad tinawagan si Kurt.

“Claude, is there any information from you?” bungad agad ni Kurt sa kanya.

“I am now driving outside manila going to batangas and I am chasing this Cynthia.  I am just reporting to you but I am not really sure about this. I’ll call you later once we reached their hideout.” He said all eyes on Cynthia’s car.

One more hour and a half had passed nang tumigil ang sasakyan nito sa isang tambakan ng mga sirang sasakyan, an abandoned towing area. It is somewhere in Malvar, batangas.  Itinigil niya ang kanyang kotse sa kalayuan upang hindi ito mapansin ng dalaga. Ipinasok nito ang sasakyan sa mismong lugar at bumaba. Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan. He wondered why?

Itinago na din niya ang kanyang kotse sa hindi kalayuan at kinuha ang kanyang baril. Mabuti na ang nagiingat. Hindi naman siguro magpipictorial ang dalaga sa ganitong kagulong lugar, diba?

Nakita niya nang salubungin ito ni Franz Ferrer. Nagusap ang mga ito ngunit sa paraang parang nagtatalo sa bagay na hindi niya alam kung ano. Naunang pumasok si Cynthia sa isang bodega at mukhang tarantang nakasunod lamang si Franz.

Kinuha niya ang phone at tinawagan muli si Kurt.

“What’s new Claude?”seryosong sabi ni Kurt.

“positive” sabi niya sa mahinang paraan para hindi siya marinig ng mga ito. Ilang metro lamang kasi ang layo niya sa mga salarin. “it is somewhere in malvar,batangas. I’ll turn my gps on at dun mo na lang ako tuntunin. I don’t know the exact place. Please be hurry cause I think they will kill Khleign now.” He said while gritting his teeth. 

“right away” mabilis nitong pinutol ang tawag. Siguro’y upang agad makaalis.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Takang payukod siyang naglakad papasok ng field upang makalapit sa mismong bodega. Walang tao sa paligid. Siguro’y lahat ay nasa loob ng bodega. Wala man lang silang iniwang tagabantay sa labas.

Nang makakita ng taguan sa gilid ng bodega ay pumuwesto na rin siya. Mula roon ay kitang kita niya ang mga nagaganap.  Nakatali si Khleign sa isang upuan. She looks exhausted and shattered, but her eyes show strenght. Nakayuko ito ngunit nang maramdamang may palapit ay agad na tumunghay.

Agad naningkit ang maganda nitong mata nang makita kung sino ang kanyang bisita.  Tama nga siya, lahat ng tauhan nito ay nasa loob ng bodega na iyon. Humigit kumulang labinglima ang mga tauhang nakapaligid sa bodega at labingpito kasama sina Franz at Cynthia.

Mabilis ang kanyang pagmamaneho sa kanyang kotse. Convoy sila actually nina Kurt at hindi lang yun, marami pa silang kasama pati pulis ay may escort sila. Tumawag sa kanya si Kurt kanina upang ipaalam na nakita na nila ang hideout ng mga taong kumuha kay Khleign.

Tatlong araw na rin ang nakakaraan mula ng makidnap ang babae at talaga namang halos mabaliw siya sa kakaisip kung anong hirap ang pinagdadaanan nito.

He will do anything just to save her from her bastard kidnappers.  Kung alam lang niya ang karakas ng ama ni Cynthia hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat.  Naputol ang mga iniisip niya ng tumunog ang kanyang cellphone at nag appear ang pangalan ni Kurt sa screen.

“Kurt?’ he asked wondering why he called him.

“just want to remind you,  don’t make any scene. Mas lalong mapapahamak si Khleign kapag nagpadala ka sa galit. Anuman ang makita mo, just stay focus and please bring box of self control.”  Paalala nito sa kanya. Malapit na kasi nila marating ang lugar kung saan dinala si khleign.

“Alright” sukong sagot niya.

“Agh………”

Sumosobra na ang bruhang to ah. Nakakadalawa na itong sampal sa kanyang magandang mukha. Naniningkit ang matang tinitigan niya ito. Hinding hindi niya ito mapapatawad sa mga ginawa nito sa kanya.

“Don’t look at me like that, you son of a bitch!” isang sampal pa ang pinakawalan nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ininda ang sakit. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahang makita siyang nahihirapan.

“Are you always like this to the women who have an eye to Darius?” she asked in sarcastic voice.

Kitang kita ni Khleign kung paano matigilan ang dalaga, ngunit maya maya lang ay ubod tamis ngumiti.

“Not really! Actually sa iyo lang, dear. Wanna know why?” at sinabunutan na naman siya nito. Napangiwi siya sa ginawa nito. “dahil malandi ka!”lalong humigpit ang kapit nito sa kanyang buhok. “Nilalandi mo ang lalaki ng iba!” isang sampal ang tinanggap niya rito.

“Damn!” sigaw niya. “hintayin mong makawala ako rito and I’ll give you a fight you cannot forget till the rest of your life.” mariin niyang sabi. Hindi naman nasindak si Cynthia sa kanyang sinabi. Tumawa ito ng malakas, ang tawang sa tingin niya ay tawa ng isang demonyita.

“As if naman, makakawala ka pa. Nabibilang na ang araw mo sa mundong ito kaya sige lang ipakita mo pa ang bangis mo.” Inilapit ni Cynthia ang mukha sa mukha ni Khleign. “but if I were you, I wont waste my energy and saliva with your trash talk.”dahan dahan subalit gigil nitong sabi kay Khleign.

“Tama na yan, Cynthia.” Pigil ni Franz sa kanya.

“Bilis bilisan mo lang huh, dahil kating kati na ang kamay kong patayin yan.”

“hinding hindi ako mamamatay sa kamay mo, Cynthia. Itaga mo yan sa bato.” Sigaw ni Khleign na ikinatawa nito.

“easy said than done, dear. At once na wala kana, ako na ang mamahalin ni Darius my love.”

“not even in your dreams, Cynthia. You’ve been his model for how many years pero dumating kana sa edad na yan at hindi mo pa rin naaangkin si darius? Do you really think if I died here ay magugustuhan kana nya? Hinding hindi siya papatol sa tulad mong masama. You are nothing but a mischievous sprite!” mahaba niyang sabi rito ng may ngiting nang aasar. Kitang kita niya ang pagkabuhay ng galit sa mata ng dalaga. “a demon…..all of you, even you Franz.” Baling niya sa binata at nakita niya ang pait na gumuhit sa mukha nito.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon