Chapter 20

85 1 0
                                    

Chapter 20

Naalimpungatan siya sa kanyang pagkakatulog. Hindi kasi siya matulog ng nakabaluktot kaya naman heto at ngalay na agad ang kanyang mga kasukasuhan. Nakayakap pa rin sa kanya si Darius at nakasandal ito sa puno habang ang isang kamay ay nakapatong sa ugat at ang isa ay nakayakap sa kanya. May kaunti ng liwanag kaya nasisigurado niya na madaling araw na, yun nga lang hindi niya alam ang eksaktong oras.

Napababa ang kanyang tingin sa sarili at nakita niya na may jacket pa lang nakabalabal sa kanya. Kaya pala kahit sa labas sila natulog ay hindi siya nakaramdam ng gaanong lamig.

Gentleman!

Dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap ng braso nito sa kanya. Hindi man lang ito nagising. Malamang kanina lamang ito nakatulog dahil naalala niyang sinabi nito na babantayan daw siya nitong matulog. Kinilig naman siya na isiping tinotoo nito ang sinabi.

Naglakad lakad siya sa paligid upang alamin kung hina hunting pa ba sila ng mga lalaking iyon. Kailangan din kasi nilang malaman ang daan pabalik kaya naman lilibutin muna niya ang gubat habang hindi pa nagigising ang binata.

Hinapit ni Darius ang babae sa kanyang tabi ngunit nagulat siya ng wala siyang nahawakan. Pilit niyang iminulat ang mata para hanapin ang babae. Antok na antok pa siya dahil halos kanina lang naman siya nakatulog dahil nangangaba siya na baka mahanap sila ng mga lalaking iyon. Nang masigurado niyang hindi na sila nito matutunton ay matiwasay na siyang natulog.

Inilibot niya ang kanyang  paningin sa paligid at tuluyan na syang napatayo nang mapagtantong wala ang dalaga sa paligid. Hahakbang na sana siya upang hanapin ang dalaga ng mamataan niya itong palapit sa kanyang kinaroroonan.

Mukhang malalim ang iniisip nito dahil nakatingin ito sa kawalan habang naglalakad pabalik.

“Where the hell have you been?” galit niyang tanong sa dalaga. Pinagalala na naman kasi siya nito.

“Dyan lang. Kailangan na nating umalis rito. Maguumaga na at kapag bumalik sila madali na nila tayong mahahanap. Hindi na natin kaya magkubli pa kapag sumikat na ang araw.”

“Babalik tayo sa dalampasigan?” umiling ito. “¿cómo no?(why not)”

“they could be there, waiting for us to come back” may katwiran nga ito.

“Where are we going then?”

“I saw a small village there.” Turo nito sa direksyong pinanggalingan nito kanina. “makisakay na lang tayo papuntang manila since we have nothing here”

Yeah, we really have nothing, not even a single cent. They left their things inside his car since they are not expecting this would come about.  They are barefooted and also look like a mess.

Tumingin siya rito. Ni hindi man lang ito nagrereklamo. Kung ibang babae siguro ang kanyang kasama they maybe exclaiming to death. Napababa ang kanyang tingin sa bewang nito na nagkulay violet na dahil nagsama ang kulay ng dugo nito at damit.

“How’s your wound?” tanong niya sa kanya.

“Daplis lang ‘to. Marami nang nangyari sa akin at hindi ito ang makapapatay sa isang tulad ko.” Kibit balikat niya sabay lakad patungo sa direksyon ng village.

Tinatahak namin ni Darius ang daan patungong kabayanan ng tahimik. Hindi ito nagsasalita. Patingin tingin lang siya rito dahil nagaalala siya na galt ito dahil nadamay niya ito sa gulong siya ang may gawa. Alam niyang naghihintay ito ng paliwanag mula sa kanya ngunit wala siyang balak ikwento rito at ipaalam ang kanyang totoong pagkatao. Mas mabuti na iyon para tanungin man siya ng mga salarin ay wala silang makuha kahit isang impormasyon tungkol sa Blue wings. Hindi niya nanaisin na malagay ang mga ito sa panganib ng dahil sa kanya.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon