chapter 22

93 1 0
                                    

Chapter 22

Naalimpungatan siya mula sa pagkakatulog. Naramdaman niya ang bigat na nagmumula sa kanyang tiyan. Nagulat pa siya ng makitang kamay yun ni Darius na nakadagan sa kanyang tiyan. Lalo pang nanlaki ang kanyang mata ng mapagtantong wala siyang anumang suot sa katawan.

Dahan dahan siyang umalis sa kama upang hindi magising ang binata. Hinanap ang kanyang mga damit at dagling nagbihis. Matapos magbihis ay naupo sa upuan sa may mesa at tumanaw sa malayo mula sa bintana.

Nagulat pa siya ng marinig ang katok mula sa pinto.

“Mga anak, bumangon na kayo at maya maya lamang ay aalis na ang truck na maghahatid sa inyo.” Tinig ni nanay perlita mula sa pinto.

“Sige po nanay perlita. Susunod na po kami.” Tugon nya rito. Mula sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang gumalaw mula sa pagkakahiga si Darius, bumangon at walang pakundangang tumayo kahit na walang anumang saplot sa katawan. Hinanap din ang mga damit at nagbihis.

Wala silang salitang lumabas na ng kwarto. Dinala sila ni nanay perlita sa hapag at pinakain bago sila umalis. Hindi siya makatingin sa mata ni Darius habang kumakain. Iwas na iwas siya sa mga mata nito. Mahirap nga lamang dahil nasa tapat niya ito kaya naman yukong yuko siya. Nahihiya siya na basta na lang siya nito nakuha ng walang kahirap hirap.

Hindi naman niya pwedeng aminin na may pagtingin na siya rito kaya niya nagawa yun.

“mag iingat kayo mga anak. Sana’y pagpalain kayo ng ating ama” paalam ni nanay perlita ng paalis na sila. Niyakap niya ito bilang pamamaalam.

“ganun din kayo nanay” sagot ni Khleign. “Dadalawin ko na lang kayo sa ibang araw. Paalam!”

Inihatid na sila ni tatay pepito sa kanilang sasakyan. Isinakay sila nito sa unahan ng truck. At tulad kanina wala pa rin silang imikan. Nakatulog sila sa byahe. Ibinaba sila ng driver sa mismong mall sa divisoria kung saan sila ngbabagsak ng mga kalakal. Mula roon ay nakitawag sila sa isang tindahan upang magpasundo sila sa kanyang kuya. Ang binata naman ay ganun rin sa kanila. Naghihintay sila sa isang kainan sa loob ng divisoria mall.

Wala pa rin silang imikan. Hindi rin sila makaorder dahil wala naman silang pera. Binibigyan sila ni nanay perlita kanina ng isang libo ngunit hindi nila tinanggap. Sinabi na lang nila na mas kelangan nila ang perang iyon.

Napapitlag siya kasabay ng pagtingala rito nang marinig niyang nagsalita si Darius.

“About last night…I real—“

“Don’t mind it. It’s alright. You don’t have to say sorry.” Mabilis niyang sabi bago pa naituloy ni Darius ang mga sasabihin. “I’ll be back, ccr lang ako” hindi na niya hinintay na sumagot ito at diretso na siya sa labas ng fast food upang maghanap ng cr.

Naglalakad siya sa labas upang humanap ng cr nang may mapansin siyang mga lalaki na sumusunod sa kanya.

Shit! Mura niya sa sarili. Hindi naman siya nagpapanic sa halip ay buong kalmang naglakad palayo sa kinaroroonan ni Darius. Hindi niya ninanais na madamay pa ito.

Nang matantiya niya ang layo ay agad siyang nagkubli sa isang palikong daan. Hinintay ang mga itong lumapit. Since nasa isang public place sila ay nahirapan ang mga itong makisiksik sa mga tao.

Isa sa mga ito sana ang dadampot sa kanya ng makatanggap ang lalaki ng isang malakas na siko sa tiyan na ikinapilipit nito. Sunod sunod pang nagsilapit ang apat pa nitong kasamahan. Nagtumbling siya palayo sa mga ito. Inabutan siya ng isa sa mga ito at hinila siya kamay. Agad niyang pinilipit ang kamay nito at natanggal nga ang pagkakahawak nito sa kanya.

“ahhhhh…..!” ang sigaw nito. “Hayup kang babae ka. Madali hulihin nyo.” Utos nito sa tatlo pa nitong kasama. Hinawi naman niya ang mga taong nasa paligid na halos hindi makagalaw dahil sa takot at gulat na nararamdaman sa nasasaksihan nila sa kanilang mga harapan.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon