Ilang minuto nalang ay paalis na ang tatlong babae papunta sa South Korea."Elaine i'm so excited to see South Korea," Sabi ni Ela na nakaupo sa tabi ni Elaine.
Tumingin naman si Elaine kay Ela at ngumiti lang ung half smile.
"Andrama mo kambal! Wag genyan, pumapangit ka. Atsaka sino ba yang tinitingnan mo dyan?" Masiglang sabi ni Ela.
"Wala. Sige na, magsmile na ako wag mo na akong kulitin," Sabi ni Elaine.
"Sige. Smile ha,"
"Flight ELN 212 bound to South Korea is now boarding," Twice na inulit ng announcer.
"Girl tara na," Hinihigit na ni Jem si Elaine.
"5 minutes pa? Please," Pagmamakaawa ni Elaine.
"Kambal! Maiiwanan na tayo,"
"Sige na mauna na kayo, susunod ako," Pagtataboy ni Elaine.
"Susunod ka ha,"
Nakalipas ang 5 minutes na pagiintay ni Elaine kase nagbabakasakali siyang biglang dumating si Elione at kahit ilang segundo ay magkasama sila...
Elione's PoV
Ngayon ang alis nina Elaine at nagdadalawang isip ako kung hahabulin ko ba siya o hindi na. Gusto ko siyang habulin para kahit konting oras ay magkasama kame kahit alam kong aalis din siya pero... ayoko na siyang habulin kase kahit anong mangyare aalis at aalis din siya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, sina Klein at Redz nakapagpaalam ng ayos pero ako hindi.
10 minutes nalang at magboboard na sila antraffic pa dito sa Parañaque and it sucks! Hindi ko na ata siya maabutan.
Tutal malapit na naman, iniwan ko na ung kotse ko sa isang tabi at tinakbo ko na hanggang airport kase mas mabilis.
"Kuya nagmamakaawa ako, papasukin mo na ako," Lumuhod na ako dito sa harapan ng gaurd at hapong hapo dahil sa pagtakbo ko.
"Sir, hindi talaga puwede,"
"Kuya kahit samahan mo pa ako. Kailangan ko lang talaga maabutan si Elaine," Paliwanag ko.
"Sir.. Sorry pero hindi talaga puwede,"
"Kuya~ Please," Hinihigit ko na ung pantalon nung gaurd para lang payagan ako.
"Sir... Sige po, sasamahan ko po kayo," Pumasok kameng dalawa at nasa likod ko siya.
Hinanap ko ang gate number nila at ng makita ko yung waiting area...
"Kuya nasan na po yung mga papalipad papuntang South Korea?" Tanong ko dun sa isang crew.
"Nako sir! Hindi po kayo umabot. Ayun na po sila," Sabi nung crew at itinuro ung eroplanong palipad na.
Nagmelt down ako dito sa airport. Napaupo ako sa sahig at nagsisisi na hindi ko naabutan si Elaine at hindi ako nakapagpaalam. Ngayon ko narealize na ayoko ng malayo pa sa kanya kase hindi ko kayang wala siya.
Pero sa ngayon kakayanin ko, konting tiis lang.
Elaine's PoV
Akala ko hahabulin ako ni Elione dito pero still hindi niya parin ako kayang makita. Tanggap ko naman pero masakit.
Konting oras nalang nasa South Korea na kame at kung dati naeexcite ako, ngayon hindi na.
"Ela.. Wake up!" Inaalog ko si Ela na tulog sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Just A Dream
Teen FictionSi Ela na pinaglaruan ng tadhana dahil matagal siyang nawalay sa tunay niyang pamilya. Minahal din niya ng ang lalakeng nakilala niya sa Social Networking. Malalagay na kaya silang dalawang magkasintahan sa tahimik? Si Jem na malaki ang problema s...