Chapter 6

14 2 0
                                    

Pumasok si Elaine kasama si Elione at halos lahat ng nadadaanan nila ay nagchichismisan.

Inakbayan agad ni Elione si Elaine.

"Don't mention them. Isipin mo mga bee lang sila na lumilipad kaya maingay," Natatawang bulong ni Elione kay Elaine.

"Yahh. Hahaha. Mawawala din yan," Bulong naman pabalik ni Elaine.

-

"Guys! Good news!" Masayang sabi ni Elione

"Ano un?" Usisa ni Jem

"This weekend is my birthday, July 2. Tayong lima ay magcecelebrate sa Boracay. Ok ba un?" Sambit ulit ni Elione

"Talaga? Talaga?! Yes!" Napatarsier jump at yumapos si Elaine kay Elione.

"Asus! Yapusan talaga sa harapan ko??!!" Reklamo ni Jem.

Bumaba si Elaine at niyapos naman si Jem. "Yan ha. Wag ka na magselos at maingit. I love you babe," sabi nito kay Jem.

"Awww! Nakakaingit naman kayo. Buti pa si Jem my i love you at mahigpit na yapos!" Kunyareng nagtatampong sabi ni Elione.

"Para kayong mga tanga," Natatawang sabi ni Ela. "Elione ha, weekends Boracay tayo,"

"Oo naman. Be ready ahh. By friday ng 9pm ang alis natin," Sabi ni Elione.

Kinukulbit ni Elione si Elaine at humingi ng hug.

"Tumigil ka!" Pinanlakihan ng mata ni Elaine si Elione!

Elaine's PoV

Bo Bo Bo Bo Ra Cay!! Hahaha.

12am na pero ang Boracay ay high na high na.

Grabe nadelay ang flight at hindi na bago yun sa akin, Pilipinas e.

Andito kame sa hotel, sa station 2.

"Tara! Sayang ang tugtog," Hinigit ako ni Jem palabas.

Andito kame ngayon sa loob ng DSquare. Maraming bar. Maraming tao.

May ilang kilalang muka ang andito ahh. Huliii! Hahahaha.

"You want to dance Elaine?" Tanong ni Elione na nakaupo sa tabi ko.

"Ayoko no! Hindi ako marunong," sabi ko at ininom ko yung juice na hawak ko. Sayaw daw?

"Hahaha. Maniwala ako sayo. Dali na turuan mo ako," Dinala ako ni Elione sa dance floor.

Yeah yah yie yo! Hataw kung hataw. Sayaw dito, sayaw duon! 💃💃💃Andaming gwapo shuumayy!! Pero mas gwapo pa din si Elione.. Whoops! Nadulas ako. Hahaahaha

Inaya ko na siyang umupo dahil pagod na ako kakasayaw. "galing mong magsayaw ah," bulong ni Elione.

"Bolero!" Ginulo ko ung buhok niya. "Anong magaling sa pagpalakpak?" 👏👏

"Para sa akin magaling ka. Kahit sayaw timang pa yan," Seryoso niyang sabi sabay ngumiti siya ng nakakahimatay.

Hinigit ako ni Elione palayo "tara dun tayo sa may dalampasigan,"

Naglakad kame papunta sa dalampasigan.

Nakaupo kame ngayon dito sa puting buhangin ng Boracay.

"Elione ano ang nagustuhan mo sa akin?" Humiga ako sa balikat niya "hindi naman ako maganda at sexy,"

"Don't say that! Elaine your beautiful in your way at saka ano naman kung sobrang taba mo. It doesn't matter," Sabi niya at hinawakan niya ung dalawa kong braso.

"Maniwala sa mukang yan!" Nilamutak ko ung muka niya.

"Hahaha. Oo nga. Back to the topic, ang nagustuhan ko sayo nung nakita kase kita nung ipinagtatanggol mo ung isang lalake na High School sa mga bully na college," humiga siya sa lap ko. "Humanga ako sa tapang mo dun. The next day nakita kitang my dalang plastic ng doughnuts kakainin mo na ata un ng makita mo un mga street children tapos ibinigay mo nalang sa kanila. Sabi ko sa sarili ko, kakaiba tong babaeng to,"

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon