Epilogo (Wakas)

25 0 0
                                    

(His Pov)

Sya! Oo. Sya. That girl! The girl that I love. The girl of my twin brother. The girl with that cutie smile. The girl who has a wonderful face. Gundel Mai Valdez. Weird no. Hindi ko pinapaalam sa kanya na twin brother ko yung boyfrie -- este ex nya. Actually nalaman ko nga lang to lately. At ang mas malala. Ako ang dahilan kung bakit napasama siya sa barkong lumubog na yun. At pinagsisisihan ko yun. Sobra!

~°~

Ganto kasi yun. Nung week after ang malagim na aksidente, nalaman ko na may kakambal pala ako. Sinabi ito ng tunay naming mga magulang. By the way. Si JOHN CARLOS DEL VALLE nga pala ay inampon lang nung kinikilala nyang magulang. Hindi kasi sila magkaanak. Gustong gusto daw nilang magkaanak kaso ang isa sa kanila ay baog. Tapos nung ipinanganak kami ay yun nga, kambal. Ipinagbili ni mama si JC dahil wala kaming pambayad sa hospital. Hindi ko na sasabihin ang presyo ng kakambal ko. Baka mabili nyo pa. Haha. Pero eto na seryoso. Kinontak ko sya pagkatapos kong malaman iyon. Tapos saktong pupunta sya sa Visayas dun daw sya nakabase. Kaya naman laking tuwa ko. Sa cellphone lang kami nagusap nun kaya parang hindi kaswal. Nakita ko na rin kasi Fb nya at nainggit ako dahil ako taga gawa lang ng love story, erotic story, at romance. Pero sya, meron sya nun in real life. Nakakalungkot lang isipin yun. Yeah i graduated na SUMA CUMLAUDE ng school ko sa kursong BS Development Communication Major in script writing. So yun nga. Nagkaroon kami ng hindi kaswal na paguusap at nahantong sa pagkikita.

~°~

Kaso dumating naman ang Malagim na aksidenteng yun na magdadala sa kanya sa kapahamakan. Na kahit hindi ko kasalanan ay guilty parin ako. Na pinapunta ko sya dito. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Kaya ako mismo ang nagpasya na pumunta sa burol ng kakambal ko. Sumama na rin sina mama at papa. Iyak ng iyak si mama nun. Nung nakarating na kami sa Palawan, nakita namin ang pamilya ng pinagbilhan namin kay JC. Malaking bahay, may pool, may garden, may magandang kotse. So yun. Naging isa ang pamilya namin nang dahil sa aksidenteng yun. Nagtulong tulong kami. Nagkapatawaran din kami dahil dun. Inilihim namin ito. Lalong lalo na sa kasintahan ni JC. That girl. Nararamdaman ko rin kung anong nararamdaman nya. Perhas kaming nawalan. Nawalan ng minamahal sa buhay.

~°~

Gustong gusto kong makausap ang kakambal ko. Gustong gusto kong malaman nya na mahal ko sya kahit week palang ang nakakalipasnang malaman kong kakambal ko sya. Gustong gusto ko talagang mayakap sya at sabihing ako na ang humihingi ng tawad para kay mama at papa sa pagbenta sa kanya. Pero huli na ang lahat. Huli na nang malaman ko. Bakit? Alam ko bang lulubog yung barkong sasakyan nya? Hayst. Sana ako nalang yong pumunta dun. Para ako nalang yung namatay. Tutal pangit naman ang naging buhay ko. Kaya sana ako nalang.

~°~

Pero nagbago ang lahat. Hiniling nang mama ni jc na doon na kami tumira sa mansyon. Binigyan nila ng trabaho ang aking ama bilang isang personal driver nila at ang aking ina naman ay bilang isang taong bahay doon sa mansyon tuwing wala doong tao. Pero ako, iba ang pagtrato nila sa akin. Trinato nila akong isang ganap na anak. Nakikita ko na lagi paring nabisita sa pamamagitan ng pagsskype ang gf ni jc. Maganda sya. Kaya naman nainlove ako sa kanya. Matapos ang three months na pagsubaybay sa kanya ay hindi ko naman inaaasahan na ako ay makikita nya. Kaarawan yon ng ikaapatnapung pagkamatay ni jc. Gulat na gulat ako noon ng umiyak sya sa harapan ko. Pero hindi ko pinahalata. Nagjolly jollyhan ako para naman akalain nya hindi talaga ako si JC. Hindi ko nga alam kung bakit ko agad sya nahila papuntang greenwich. Ang paborito kong puntahan. Pinagmasdan ko sya habang nakain kami. Hindi nya ito halata sa kadahilanang matakaw sya. Haha. So yun nga pagkatapos nun bumalik na kaagad ako sa bahay para sabihing wag ipaalam kay mai na may kakambal si jc.

~°~

Siguro tama rin to para matanggal ang sakit na nararamdaman ni mai. So yun nga nagpanggap kaming walang alam about dun sa kambal issue namin. Lahat nang ito ay para sa kapakanan nya. Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Isang taon na ang lumipas. NapaMahal na sakin sya. Oo. Mahal ko na nga ata sya. At sa pintong ito, gusto kong nang malaman nya. Gusto ko nang ipaalam. Sana hindi pa huli ang lahat. Makikipagkita ako sa kanya. Hindi ko lubos maisip ang nararamdaman ko. Kinakabahan, Ninenerbyos, Pinagpapawisan, at Nababanyo. Pero nagbago ang lahat ng sumigaw sya sa akin. At ang matindi pa, si JC na naman ang binanggit nya. Kaya naman nadala narin ako ng emosyon ko at nakapagconfess ako sa kanya ng wala sa oras. Pagkatapos noon. Dinala ko sya sa condo ko, which is yan yung pabirthday ng mama ni jc sakin. Dyan na kami nakatira mag-anak. At nagkataon namang wala si mama at papa. Kaya pinakita ko na ang lahat ng magpapatunay na iba ako kay jc. Birth certificate, i.d., etc. Tapos pinagluto ko sya. Oo maalam akong magluto. Habang kase wala akong trabaho, nagaral rin muna ako ng culinary sa dati naming tinitirhan. Tapos naging cumlaude ako roon. Pero di parin ako tumigil sa pagsusulat ng story. So yin. Nagustuhan naman ako este yung niluto ko ni mai. Haha.

~°~

Days past, Pinakilala ako ni mai sa mama ni jc. Naabsweltohan naman namin ito kaagad. Lahat kami acting kung acting. Hindi pa kasi naman kayang masaktan na naman si mai ng kagaya nung nalaman nyang patay ang kasintahan nya. Pati nga yung pangalawang ampon nila tita eh napasabak rin sa acting. Haha. Pero pagkatapos noon, pumunta na kami sa Cavite Mental Hospital para dalawin ang ina ni mai na si tita noreen. Ayos naman sya. Kaso mukhang naapektuhan talaga brain nya kaya may pagkakulit minsan. Sinabi ko na rin na nanliligaw ako sa anak nya. Pero may binulong sya sakin. "Alam ko ang sikreto mo. At hindi mo yan maitatago hanggang kamatayan." Sabi nya. Nagulat nga ako. Tahimik ako sa daan habang ganun din naman si mai. May kung anong bumabagabag rin sa kanya. Hindi ko na nga magawang itanong sa sobrang nagulat ako sa sinabi ni tita noreen.

~°~

Lumipas na ulit ang mga araw, napagdesisyonan kong umuwi samin. Kaso nung nandun na ako, inatake naman ng stroke etong lolo ko. Kaya, hindi na ako ulit umuwi sa cavite. Wala kaming communications. Wala nako noong cellphone dahil iniwan ko sa condo namin. Hindi ko naman sya mahanap sa social medias kasi iba ata pangalan nya sa fb. Kaya taon na ulit ang lumipas, naging isang sikat na writer ako. At may book signing ako sa SM Batangas. Ang napublish kong libro ay tungkol sa kanila ng kakambal ko. Di ko man nasaksihan ang kanilang love story, kinuwento naman nya ito sakin. May mga part din na binago ko. May eksena rin na pawang hindi makatotohanan. So yun, im on my way to SM Batangas, at dahil nga sikat na ako, nakakotse ako. Hahaha. Tinignan ko ang mga fans na bumili ng aking obra. Hay. Ang sayasaya ko. Pero parang may kulang.

~°~

Nagbubook signing ako ng biglang may lumapit saking isang sexy na babae. Hottie Chick nga eh. Nagpasign din sya ng binili nya. Pero laking gulat ko ng magsalita sya.

"No 1 Fan po ako ng librong yan. Katunayan nga po ay kapareho ko ng pangalan ang bida jan." Ang boses na yun. Ang kalmang kalmang boses na yun. Tumingala ako at nakita ko ang malaanghel sa gandang babaeng nasa harapan ko. Tumikhim sya at nagsalita ulet.

"Sikat ka na ah. Salamat at binigyan mo ako ng magandang ending dyan sa libro na yan. Pero bakit kaba nawala? Namiss kaya kita. Pero alam mo, hindi pakita sinasagot. At yung day na umalis ka, sasagutin na sana kita eh. Ang kaso nawala ka na. Nawala na naman ang taong mahal ko. Nga pala, alam ko na na kakambal ka ni John Carlos. Sinabi na ni tita sakin ang lahat lahat." Napatulala nalang ako sa mga nangyayare.

"M-mai?" Tumulo na ang luhang kanina pang nagbabadya. Sya ang babaeng nasa libro. Sya yun. That girl.

"Lou! Alam mo bang sinasagot na kita! Alam mo ba yun? Mahal parin kita hanggang ngayon." Sabi nya ng may luhang tumutulo sa mata nya. Shet. Mahal parin nya ako. Mahal parin ako ng mahal ko.

"Mahal na mahal rin kita Mai ko. I love you. I love you. I love you." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap na ako sa kanya at humagulgol habang nagsasalita. At paulitulit ang salitang I Love You .

~°~

Lumisan na kaming dalawa ng matapos ko ang aking book signing. Pinakilala ko naman sa mga fans ko ang girlfriend ko na sya yung nasa book. At ang pamagat ng kwentong pinagpaguran ko para maipublish,

Ay

~°~

~°~

THAT GUY

~°~

END.

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon