Kapitulo Tres

16 0 0
                                    

All right reserved.

© by: LawPierce

Kapitulo Tres

Gulat na gulat ako. Ang daming nakatingin sakin kasi naiyak ako. Masakit eh. Sobrang sakit. Hindi ko alam na buhay pala sya. Iyak ako ng iyak. Ang mga tao. Ang mga ingay. Ang tunog ng nilalaro nya. Ang tunog ng kung ano ano. Nagulo ang isip ko. Nagtutubig ang mata ko. Nanlalabo. At hindi ko namalayan na nasa harap na nya pala ako. And then, i burst.

~°~

"HOY JOHN CARLOS DEL VALLE! BAKIT BUHAY KA! BAKIT KA NANDITO? ANONG NANGYARE SA BARKONG YUN? AKALA KO ISA KA SA NAMATAY? AKALA KO NAKAIN KA NG MGA ISDA AT KUNG ANONG CREATURES MERON DUN SA DAGAT NA YUN? HA? BAKIT? NAGSISINUNGALING SI TITA? MAY PASALAMIN SALAMIN KAPA DYAN. TAPOS MAY TEKKEN TEKKEN KAPA. UMUWI KA NA SA BAHAY. HINAHANAP KA NI TITA. AT P*TANG INA NAMAN OH! PINAASA MO AKO. PINAASA MO AKO! PINA--" -napatigil nalang ako ng napakunot ang noo nya at hinawakan ako sa balikat. Ang ginagawa ni JC sakin pag nagagalit ako.

~°~

"Hey Miss! What are you talking about? And my name is LOU-ADOLPH DE VILLA. Actually, im not dead. Im still alive. And still counting. Hahaha."- Pagkatapos nya akong hawakan sa balikat ay tumawa sya ng tumawa. Binalik nya ang tingin nya sa tekken na nilalaro nya kanina.

~°~

And to think of it, ang hero nya ay si Lili. Isang napaka gandang babae. Bad girl nga lang. Napa singhot ako at napatingin sa mga tao sa loob. Nakita kong pinaguusapan nila ako, at pinagtitinginan. Tutulo na ulit sana ang luha ko ng biglang hinatak ako ng taong kamukha ng aking kasintahan. THAT GUY.

~°~

"Tayo na nga. Natalo lang ako sa game ko eh. Kain tayo. Punta tayong Greenwich. Dali." Sabi nya ng pormal at hindi ako nililingon. Dirediretso kami papuntang Greenwich. Ang greenwich ang pinaka ayaw puntahan ni JC pero pi aka gusto ko naman. Kaso sya ang laging masusunod kasi kung saan saan nya ako dinadala na restaurant. Haaay.

~°~

Mabilis naman kaming nakahanap ng upuan at nakaorder. Kaso ang weirdo lang at tinignan ko ng maigi sya na sobrang pagkakahawig o pagkakamukha ni JC. Hindi ako pwedeng magkamali. May salamin lang sya at lumago ng konti yung buhok nya. Tinesting kong tanggalin ang eyeglasses nya pero hindi nya nakayanan sa sobrang labo daw ng mata nya. Tinanong nya ako kung sino daw yung john carlos, kung bakit ko daw sya nilapitan, kung bakit umiiyak ako at kung bakit nya sinasabing patay na dapat sya. Pero nag iisa lang ang sagot ko sa mga tanong nya.

~°~

"Sorry" Isang salita ng makakapapagaan ng loob ko para makausap sya ng masinsinan. Sinagot nya ako ng ayos lang yun. Sagutin ko raw ang tanong nya. Kaya naman napilitan akong ikwento ang nangyare sa buhay ng aking kasintahan. Syempre sabi ko kamukha nya ang bf ko. Pinakita ko pa nga ang picture ni Jc na nasa cellphone ko. Sabi nya, ngayon lang daw nya ito nakilala. Ngayon lang daw nya ito nakita. Bukod daw sa araw araw syang tumitingin sa salamin at yung itsurang yun ang lagi nyang nakikita. I admit it. Gwapo ang boyfr-- este ex ko. Pero di pa naman kami legal na nagbrebreak diba? Ala ewan. Basta gwapo sya, gwapo rin syempre tong kasama ko. Haha.

~°~

Marami na kaming napagusapan. Sabi nya kaya daw nya ako hinatak dahil alam nyang hindi ako iiyak ng walang dahilan. At para makaiwas sa isyu ay hinatak nalang daw nya ako papunta dito dahil nga gutom na sya.

~°~

Tinanong ulet sya kung wala syang kialalang john carlos del valle. Na isang engineer? Pero wala eh. Wala talaga. Sabi nya kung gusto ko daw ay friends kami. Sabi ko ok lang. Pero walang tataas sa limitasyon sa isat isa. So yun, nagpalitan kami ng number para my communication. Then nag pasalamat ako sakanya atsaka umalis na.

~°~

Pag balik ko sa bahay, binuksan ko ang aking laptop. Nagkataon na online si tita Ruth. Mama ni jc. Kaya ichinat ko agad. Tinanong ko kung totoong patay na at kung totoo rin yung bangkay? Pero ang reply na ay kung hindi parin ba daw ako makapagmove on. Kung ako raw chuchu. Ganto ganyan. Pero ang sabi ko, tita ayos na ako. Ayos lang din ako. Pero tinanong ko rin kung may kakambal ba si jc. Sabi nya wala daw. Naikwento ko sa kanya yung nangyare sa mall. Nagulat sya. Sabi nya baka guniguni ko lang yun.  Tapos tiningnan ko yung contacts ko at nandun yung pangalan ni lou. Kaya alam kong di ako nananaginip o kayay guniguni lang yun. So ayun nag logout na ako. Hayssss.

NAKAKAINIS NAMAN.

THAT GUY.

THAT SMILE.

AND THAT WONDERFUL EYES.
.

.

.

.

ITUTULOY

That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon