Nagmahal lang naman ako pero ito ang napala ko. Pero . ....
Masaya ako, masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko.
Hindi ako nagsisi na nakilala kita, Okay na sakin yung maikling panahon na nakasama kita, Okay na sakin yung maikling panahon na andiyan ka, yung maikling panahon na dinadamayan moko at nagmamalasakit ka para saken, pero .. .Nakakapang hinayang rin pala, Naalala ko nung mga panahon na magkasama tayo, Masayang nag-uusap at magkatext, Namimiss ko na yung init ng mga palad mo, Sa twing hinahawakan mo yung mga kamay ko, sa twing dumadampi yung mga kamay mo sa pisngi ko, Nakakamiss rin pala lahat, Yung mga araw na magkasama tayo, yung mga araw na masaya pa tayo.
Gusto kong balikan lahat ng yun, pero paano? Matagal narin palang panahon ang nakalipas, pero heto parin ako, Naiwan sa nakaraan, naiwan sa madilim na nakaraan, Pano ko ba makakalimutan ang isang katulad mo? Paano? Hindi ko kaya.
Pwede bang ibalik nalang ang lahat? Pwede bang magsimula nalang ulet? Magsimula nalang ulet tayo ng panibago,pero malabo na eh!
Ito na ba talaga yung huli? Ito naba talaga? Dito nalang ba matatapos lahat ng pinagsamahan natin? Lahat ng masasayang araw na pinagsaluhan natin, yung mga araw na kasama pa kita.
Hanggang dito nalang ba? Hanggang dito nalang ba talaga? Yung anlupet lang na ikaw, Nakamove on na, masaya kana ulet kasama ang bago mong mahal pero ako? Para akong isang grocery na hindi maubos-ubos, naka stuck,
OO STUCK! KASE HANGGANG NGAYON MAHAL NA MAHAL PARIN KITA, KASE HANNGGANG NGAYON NASA PUSO'T ISIPAN PARIN KITA, Ang unfair lang eh, Minsan nga umaabot pa sa point na kakausapin ko yung sarili ko,
Ano pa bang wala saken? Ano pa bang kulang saken? Ano bang meron sila na wala ako. Ano ba yung nakita niya sa iba. Na ano bang nagawa ko? May nagawa nga ba akong mali?
Hindi ko na alam, Bakit ba palagi nalang ako yung nasasaktan? Sana mabawasan nato, sana makalimutan ko na siya, Kase ang sakit sakit na eh, Ayoko na. Hanggang kelan paba ako iiyak? Iiyak nalang ba ako palagi? Magdarasal at maghihintay na sana bumalik siya?
Pero hindi eh, Tao lang din ako! Nasasaktan at napapagod! Matatapos din to, sabi nga nila diba? Napapagod din ang puso.
Someday, makakalimutan ko na siya, Someday, hindi ko na siya mamimiss,
Someday, hindi na ako masasaktan.Hahayaan ko nalang na maubos yung mga luha ko, hahayaan ko nalang na mapagod ang puso. And I guess, I've done! Sobra na akong nasaktan eh! Sobra na akong nagpakatanga, siguro ngayon! Panahon na para sumaya naman ako, siguro panahon na para saken, Siguro ito na yung tamang panahon. Hindi na ako iiyak hayaan mo, Last nato! Pagkatapos nito wala, Hahayaan na kita, kahit masakit na ... ... kasama siya.
*****
A/N: Play the music on the multimedia. :) Sana magustuhan niyo Haha! May naaalala ako habang tinatype ko to. XD Naluluha ako, Kawawa kase yung babae.
BINABASA MO ANG
EMPRESS: Gangster Queen (Completed)
Action'Dont you dare mess up with her, if you dont wanna see the hell that early' -Sabrina Greyshell Ferrer Sequel - Her Throne