CHAPTER VII (HSL: A Whole New World)

1 0 0
                                    

CHAPTER VII (HSL: A Whole New World)

It has been 2 months since I left our old house. Nakarecover na'ko mula sa mga sugat, but the pain is still there. I tried on reading new genres aside from my mystery books para may mapaglibangan ako at distraction na rin, though nawawala ang sakit but it's only temporary.


Gaya nga ng sinabi ng Values Teacher namin, "To you, it seems that they're healed. But, when you remember the incident again, believe me, the pain would come back a hundred fold."


If only...


Every single day, I would blame myself for not caring about other things aside from my books. If only, I knew about it earlier -- things would have turned out differently. Every time I see the scars in my body, all the things that had happened would come back to me. Pati sa pagtulog ko ay hindi nito pinapalampas.


I've been living on my own right now dahil ayaw kong makitira sa kahit sinong mga kamag-anak nila. Simula ng nangyari 'yon ay pinutol ko na lahat ng connections ko sa kanila even to my brother. Noong inihatid ako ni Kuya dito sa Mindanao ay ipinatuloy nila ako sa rest house doon sa Cagayan De Oro pero umalis ako dala ang iilan sa mga gamit ko at sumakay ng bus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino dahil wala akong kakilala bukod sa nakilala kong pamilya which is all a lie. What a savage lie!


Maybe, they have planned all of this. For me to be miserable. Like I'd never been miserable enough? Ha! Acting all caring and all. Gusto kong masuka, sa kung gaano at paano nila ako pinaglaruan. No, erase. Erase. Hindi ko kailangan ubusin ang lakas na natitira sa akin. Right now, I have to focus on where I should go.


And suddenly, narinig ko na lang ang katabi ko na nagsabi ng, "Sa Valencia City ko monaog!" (Sa Valencia City po ako bababa!) doon sa lalaking naka-blue, konduktor yata ang tawag. Lumapit naman sya sa kinalalagyan namin, "Sento-singkwenta, Sir." (Isang daan at limampung peso, Sir.) sabi nya sa katabi ko. Nang mapatingin sya sa'kin, "Ikaw, Ma'am?" Kahit hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit nila pero alam ko kung ano ang dapat kong gawin.


"Valencia City, Manong."



Dale's POV

It has been two months and I still can't believe it. I sighed.

Simula nang iwan ko siya sa lugar na pinakaayaw ko sa lahat ay parang gusto kong magwala at sumbatan ang mga magulang ko. Hindi ko maatim na kaya nilang gawin 'yon. At sinabi pa nilang para sa ikabubuti naming dalawa ang ginawa nila? How preposterous!

I wasn't raised without manners pero ng oras na 'yon, ang sarap lang nilang gawan ng bagay na alam kong masakit sa mukha at masakit sa tyan. Ugh! I am not an emotional man for whoever's sake! Pero pagdating sa kanya. Yeah, sa kanya. I can almost do anything, but when "that" happened, natuod ko. She was calling for my help.

For me...

But I was too late. Too late that it happened, her bruises, her wounds happened.

Namalayan ko na lang na nawala na sya sa buhay namin. Sa buhay ko. She was my light and my therapy. And for a month na wala sya ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos kung kaya't nag-leave muna ako. Para makapag-isip. Makagawa ng plano dahil binalaan ako nila Papa na kapag susubukan kong suwayin sila ay hindi lang gano'n ang mararanasan nya kaya kahit labag sa kalooban ko at alam kong galit na galit sya sa akin ay sinunod ko sila. But.

I will surely have her back. Hahanapin ko ang liwanag ko saan man sya naroroon. Ano pang silbi nang pagiging IT expert ko kung hindi ko man lang magamit ito sa tamang paraan.


Wait for me, Sis. Your annoying brother will surely find you.

•••

Chapter 7? Done!

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa after three years, I'm back! Yey! ❤

Salamat ulit sa lahat, lalong-lalo na sa nagmotivate sa akin upang makapagsulat nang muli. Lalim te! Haha. Which is, myself. Madaming pinagdadaan but thank God for His saving grace.

To all of you, be strong. Never give up no matter what.


Keep smiling, Simples!~ ☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Simple Life (THE COMEBACK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon