CHAPTER II (HSL: Another Day)

27 2 0
  • Dedicated kay Jessa Mae Gomez
                                    

CHAPTER II (HSL: Another Day)

Matapos ang pang-iiwan ko kahapon sa'king Beloved-Brother, ayon - nagtatampo ang loko.

Hahaha! Pero hindi pa rin mabura sa isip ko ang 'oh-so-priceless face' niya that time. Talagang nakakatawa.

Flashback

Prente akong nakaupo sa sala namin habang nagbabasa ng magazine nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking parang ni-rape ang itsura dahil sa suot nitong nagkagusot-gusot at may mukha pang parang natatae na ewan.

"Where's my Bloody Sister?!" sigaw n'ya sa sarili n'ya (wala naman kasi s'yang kausap) habang nilibot ang kanyang tingin sa paligid hanggang huminto ito sa direksyon ko, sinuklian ko naman ito ng bakit-mo'ko-hinahanap look.

Lumaki naman bigla ang mga mata n'ya at para bang nagkaroon ng sulat ang mga mata na, 'TARGET SPOTTED' tapos biglang 'TARGET LOCKED'. Bigla s'yang sumugod sa direksyon ko, dala na rin siguro ng adrenaline rush - napatayo ako at napatakbo. Kaya ang nangyari ay naghabulan kami sa loob ng bahay.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa lang ako ng tawa habang tumatakbo, at halatang inis na inis na ang Beloved-Brother ko dahil hindi n'ya ko mahuli-huli.

"Just wait until I caught you!"

"Really?! Then, I'll be waiting for that. As if that time will come!" Pang-aasar ko sa kanya at muling,

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" I c-can't help it. Talagang nakakatawa ang mukha ng Brother ko, para kasi s'yang matatae na talaga. Hindi naman sana big deal sa'kanya ang pag-iwan ko dahil nga, naulit ko na 'yon hindi ba?

Ganoon na lamang ang reaksyon n'ya dahil daw pag-alis ko ay dinumog s'ya ng mga kababaihan na may kasama pang halik at yakap, hindi naman s'ya makawala sa dami nila. Okay na daw sana eh, kaso lang ay . . .

mga bakla pala iyon. Kaya,

HAHAHAHAHAHA! ﹋o﹋

Dahil nga hindi ko mapigilang 'di matawa, ayon - nagtatampo lang naman po ang SUPER Gwapo kong Brother.

Tsk! magpapaamo na naman ako ng taong mas malaki pa sa'kin -_-.

End of Flashback

Nakakat- I mean, nakakaawa hindi ba?

Saturday ngayon at walang pasok kaya narito lang ako sa bahay. Ayy, Kami pala.

Anong ginagawa ko? Ito, magbabasa na sana ng mga libro ko nang biglang may dumadaan sa harapan ko na nagpaparinig. Paano ko nasabing nagpaparinig? Ito lang naman po ang ginagawa n'ya;

"Tss! Kung hindi ko lang mahal ang isa d'yaaan~ Talagang . . . Tsk!" Nanggigigil na sabi ngmagaling kong kapatid habang pabalik-balik na naglalakad pataas at pababa sa hagdanan. Psh!

Paulit-ulit lang n'ya 'yon ginagawa, wala naman 'yong epekto sa'kin dahil imbes na makonsensya ako, napapatawa na lamang ako dahil nagmumukha s'yang ewan sa ginagawa n'ya.

Plano ko pa naman sanang humingi ng tawad sa kanya kanina, nag-download pa'ko ng mga applications which is mga laro lahat at alam kong mga paborito n'ya 'yon dahil ilang araw n'ya 'yong pinagluksaan kasi ini-reset ko ang mga HiGHSCORE ng mga game na 'yon at ini-uninstall ko pagkatapos dahil 'wala akong magawa'. Ipinagbawalan ko kasi s'yang magdownload ng games pag hindi ako ang pipili, since good boy s'ya - sumunod naman. Well, so much for that at base sa nakikita ko, since inunahan na n'ya ko.

Pinabayaan ko na lang s'ya kasi mas masaya pala pag ganito. Hihihi ∩_∩

Dale's PoV

Kahit anong gawin kong pagpaparinig sa maganda kong kapatid ay talaga namang walang silbi -_-.

*B O O G S H*  *B  O O G S H*

Napatingin naman ako kung saan nanggaling ang tunog at napatapik na lamang sa noo.

'She's starting it again. Tsk!'

*B O O G S H*  *B  O O G S H*

'Aish!', at napasabunot sa buhok ko sabay takbo sa kinaroroonan n'ya.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Very short update . . . Chapter 2 done!

A/N:

pki-click po ng vote sa mkabasa ng chapter na 'to (well, sa willing lang). Magcomment rin po para sa inyong mga thoughts or PM me. God speed!

P.S This is my first published story. Don't expect too much.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Her Simple Life (THE COMEBACK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon