CHAPTER IV (HSL: Summer)

9 1 0
                                    

CHAPTER IV (HSL: Summer)


Marie's POV


Summer na. I really didn't expect na makakarating nga sila nong Bagong Taon. Naalala ko pa nga pagkatapos kong magdrama. Nandoon na pala sila Mama at Papa sa bahay. Hindi naman sa ayaw ko silang makita, alam ko kasi na busy sila kaya ayaw ko lang makadisturbo. The truth is that, I really miss them - though, hindi nga lang halata. Nagtagal lang sila ng limang araw at bumalik na rin sa kompanya.




Wala namang masyadong nangyari noong nakalipas na buwan maliban sa palaging pangungulit ni Seth sa akin na nakakairita talaga kahit hindi ko s'ya binibigyang pansin ay todo pangungulit pa rin. Masyado s'yang madaldal. Laking pasasalamat ko ng tapos na ang pasukan, wala ng gagambala sa'kin.




Ngayon, andito ako sa paaralan para sa three-week workshop for 'aspiring journalists'. Ayaw ko sanang sumali pero no choice ako eh. May lakad si Kuya at busyng-busy talaga s'ya sa pakikipag-negotiate sa mga PC companies para sa itatayo n'yang negosyo. Ayaw na daw kasi n'yang tumanggap ng sahod, gusto n'ya daw s'ya ang magpapasahod. Tsk! The perks of having an IT specialist-slash-engineer brother.




Oh well, last day na naman sa workshop bukas kaya ayos lang at pampalipas oras na rin kaysa magbabad sa kakatulog doon sa bahay. Itinago kasi ni Kuya ang mga libro ko para daw lumabas ako at makahanap ng kaibigan. Lewls~ pumayag na lang rin ako dahil kinonsensya n'ya ko sa nangyari noong nakaraan. Alam n'yo na, yung pinagkaguluhan s'ya ng mga binabae. Haha.




"Uyy! Ate Marie!", pasigaw na tawag ng maliit na babae habang tumatakbong palapit sa'kin.



"Yeah?", You see. Nagiging madaldal na'ko dahil sa kanya. Well, sa isip nga lang. She is Roseanne Cedric-Alajar at mas bata pa s'ya sa'kin ng isang taon. S'ya lang ang kinakausap ko dito. So, yun.



"Eh, kasi Ate. Wala yung lay-out artist natin para sa newsletter! Ano na ang gagawin natin?!", natatarantang sabi n'ya habang nakadilat ang mata. Ang liit lang ng problema eh. Geezer.



"Arse. Seanne, stop fidgeting. Just give me the laptop.", dali-dali naman n'yang tinungo ang groupmates namin na nasa kabilang sulok na halatang ang laki ng problema. Tss.



Nakabalik naman si Seanne at ibinigay sa'kin ang laptop pagkatapos ay nagpaalam na rin dahil may iniutos pa daw sa kanya. Nagsimula na rin akong gumawa.


•••


Geezer.


Gabi na pero hindi pa rin tapos ang newsletter ng grupo namin kaya napagdesisyonan nila na ipadala nalang sa kagrupo namin na nagngangalang 'Jessa'. Paano ko nalaman ang pangalan n'ya? Sinabi ni Seanne. Madaldal kasi itong si Seanne na kulang na lang ay pati brand ng panty ng kapitbahay n'ya ay ikwento sa'kin, kahit ayaw ko mang sabihin ay naaaliw ako sa kanya.



Anyway, pagkatapos no'n ay naghiwalay na kami ng mga landas dahil susunduin naman ako ni Kuya. Hatid-sundo n'ya ako. Ayos lang naman sa'kin at mas mabuti na rin 'yon para makapagbonding kami.




"How's the workshop, Sis?", tanong ni Kuya habang nakatingin pa rin sa daan.



"Fine. Quite stressful, though.", sagot ko pa.



"Why? What happened?"



"Nothing significant, Bro. Wala kasi 'yong lay-out artist sa grupo namin.", napatingin s'ya bigla sa'kin at nang ilang segundo ang lumipas ay ibinalik n'ya rin ang tingin sa daan.



Naghintay ako na umimik ulit si Kuya pero nanatili lang s'yang tahimik na para bang may malalim na iniisip kaya hindi na rin ako nagsalita pang muli hanggang dumating kami sa bahay.


•••


I'm about to meet Ma'am Mangubat, my Science Investigatory Project adviser but then, t'was canceled dahil na-postponed daw ang pag-uwi nila galing sa seminar sa Davao City kaya napagpasyahan kong mag'lakad-lakad dito sa paaralan. Napadpad ako sa quadrangle at dahil dapit-hapon na ay wala ng mga guro na makikitang naglalakad o mga estudyanteng nagti'take ng summer classes. Nakaharap ako sa stage ngayon habang nilalanghap ang simoy ng hangin.



Narrator's POV


Habang nakapikit si Marie ay bigla s'yang napamulat at natigilan ng bigla n'yang narinig na may tumawag sa pangalan n'ya.


Noong una'y hindi n'ya pa mailugar kung kaninong boses ang naririnig at nang napagtanto n'ya ay napabilog bigla ang mga mata n'ya.



'Anong ginagawa n'ya rito?', nalilitong tanong pa n'ya sa isip.



Nang 'di lumilingon ay naglakad s'ya ng mabilis dahil naririnig pa rin n'ya ang pagtawag nito na parang papalapit na sa kanya.'Geezer, not now'.



Hanggang naging lakad-takbo ang ginagawa n'ya at unti-unti ay tuluyan ng nawala ang boses habang s'ya nama'y nakalabas na sa paaralan,


na hindi alam kung saan pupunta.

•••



Big thanks sa lahat ng patuloy na nagbabasa, bumabasa at babasa (?) pa ng story na 'to. Hihi.


Lalong-lalo na sa first-evah voter ng story na 'to, si atelaglys0018. Salamat po talaga ng maraaaami~Mahal ko poang mga storyn'yo. Hihi.



Keep on smiling, Simples!~ ☺

Her Simple Life (THE COMEBACK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon