"Ms. Marcelina Buburol, please come to my office."
Macie!Macie! sigaw ng utak ko. Naalibadbaran ako sa buong pangalan ko. Tinig ng boss ko sa intercom ang gumulo sa mga sapantaha ko.
"Ma'am, tinawag nyo po ako?"
"Yes, you'll be leaving in ten minutes." wika ni Ms. Jessa Hernandez, ang CEO ng Trans-IT Consortium. Ako ang kanyang executive assistant. "Ikaw ang pupunta sa Crown Towers to hear the guidelines in our bid for an IT provider contract with the Mega City Corporation."
Nagdiwang ang loob ko. This means libreng lamiyerda ako ng Makati. Enjoy na enjoy ako pag pinapadala bilang representative ng aming kompanya. I felt to be mighty and high, as if ako ang may-ari. Minsan nga natatawa ako, mas maporma pa yata ako sa CEO namin. Pag magkatabi kami, parang siya ang executive assistant ko. Pilyang napangiti ako lalo na-iimagine ko ang itsura naming dalawa. Ambisyosa! saway ng isang panig ng utak ko.
"Please send my regards to the Madrigals. It's just that I have an appointment sa labas na hindi ko matanggihan. You know what to do."
"Yes, ma'am. Absolutely, I know what to do."
"Good. You may go."
I closed the door behind her. Yes! tili ko sa loob. I freshen up a bit, naglagay ng konting blush on at lipstick. Then I rushed to the company service. Umupo ako sa likod hindi sa tabi ng driver, para Boss na Boss ang dating.
"Let's go, Mang Rogelio."
"Opo, ma'am."
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA, busy ako sa kakalikot ng aking iphone. Hangga't maari gusto ko laging "in" sa trend. Nangutang pa ako sa bangko para lang makabili ng iphone6.
Off for a corporate meeting. caption ko sa aking instagram. Perfect ang anggulong naka-post. Anyhow, napraktis ko na ang nakakabighaning ngiti at anggulong maganda sa aking mukha. Tinignan ko din ang newsfeed. Mostly sa mga artista ang tinitignan ko. I envied their fashion sense.
"Ma'am, dito na po tayo."
Bumaba ako sa sasakyan. In my 5-inch stiletto, above the knee skirt and with white plunging undergarment na pinatungan ng black blazer, I walked confidently as I enter Crown Towers. Who would thought I am not a CEO sa ayos ko? I saw admiration sa mga mata ng mga taong nadadaanan ko.
Sa elevator nakasabayan ko ang isang lalaki, sa tindig nito malamang high profile. I sweetly smiled at him. Takte..di man lang nag-respond. Isnabero! sigaw ng utak ko. Kung ayaw mo mamansin di huwag, hindi lang ikaw ang lalaki. Nanalaytay ang pagkainis sa mukha ko.
To my surprise, pareho kami ng pupuntahan Suite 1102 - opisina ng Mega City Corporation. Pagpasok sa loob, dumiretso ako sa information desk.
"Miss, I'm from Trans-IT Consortium. I'm here for a meeting with Mr. Terrence Madrigal."
She led me to the conference room. Namilog ang mata ko. He's the guy at the elevator! Kung mamalasin nga naman.
"Sir, Ms. Jessa Hernandez of Trans-IT Consortium is here." the receptionist announced.
"Good morning, Mr. Madrigal. But just to correct, I'm Macie Buburol, executive assistant of Ms. Jessa Hernandez. I'm here on her behalf."
Umasim ang mukha ng lalaki. "I think Ms. Hernandez didn't understand my terms. Tell her if she's not interested to get the contract, just say so. Hindi 'yung kung sino'sino lang ang pinapadala!" Tumayo na ito at umalis sa kuwarto.
"Mr. Madrigal, wait!" taranta ako. What the efff... napaka moody naman itong kausap.
He stopped and turned on me. "Look, Ms. Buburol.."
"It's Macie, Sir." putol ko sa sasabihin niya.
"Okay, Macie. I'm not against you or anybody. But I prefer to be talking to your Boss because there are issues that I want immediately to be resolved. That's why I don't do with representatives. I talk straight to the bosses para hindi sayang ang oras ko. I'm giving your company another chance. Tell her to meet me tomorrow, same time."
Tuluyan na itong umalis. Parang harap-harapan niyang sinabi na hindi kami magka-level. That was blunt. My face was all red. Naghalo na ang pagkapahiya at pangingitngit lalo pinagtitinginan na ang ako ng mga empleyado ng Mega City Corporation. Pakyu...mura ko sa lalaki. Hindi umobra ang pa-boss effect ko. Ngayon pa lang ako nasopla ng ganito.
May araw ka rin, Madrigal!
"Hannah! Hannah!"
Kung pangalan ko lang sana isinisigaw, I would presume ako ang tinatawag. Somebody was yelling at the main entrance ng Crown Tower. Pero hindi ko na pinansin. Ngitngit pa rin ako sa preskong Terrence na 'yon. Dire-diretso ako sa company service.
"Tara na Mang Rogelio."
Antipatiko! bubulong bulong ako na animo bubuyog. Sino ka ba sa akala mo? Hmmmpp...hindi talaga ako maka get-over sa pagkapahiya ko kanina. I began searching his name sa instagram. Gotcha! I found his account.
Mabibilang sa daliri ang post niya. His recent was a month ago. His dark eyes were darn serious. But I had an inkling parang there's a shade of sadness in them. Parang ang sarap damayan. Huuwaattt...Ano daw? I shook my head. Paki ko! kontra ng isang bahagi ng sarili ko. Don't be fooled, Macie. You had the first hand experience, he was rude.
Pagkadating sa office, I told my boss kung ano sinabi ng antipatikong Terrence na 'yun. Tumango-tango lang si Ms. Hernandez. Saka niya ako pinabalik sa upuan ko. Maghapon na akong bad trip.
____________________________________________________________________________
A/N Please post your comments and don't forget to click those VATE and FOLLOW buttons.
Thanks in advance!
BINABASA MO ANG
Cousin for HIRE
Romance"Pretend to be my cousin, and anything under the heaven will be yours." Napanganga si Macie sa offer ng kaharap walang iba kung hindi si Terrence Madrigal - the heir of the Hotel Magnate. Nakahamba ang platinum visa card sa mukha niya. Only the ul...