Ngayon ang araw na napagkasunduan namin ni Terrence na magkikita kami ni Donya Adelfa. Ninenerbiyos ako. Ngani-ngani akong mag-back out pero Terrence assured me that everything will turn out right.
"Just be casual."
Pumasok kami sa mansion. Tumambad sa aking paningin ang mga mamahaling muwebles at kasangkapan sa loob. Madrigals are really ultra-rich.
"Dun tayo sa kuwarto ni lola."
He led me to where Donya Adelfa is. Nauna si Terrence sa kuwarto at naiwan ako sa labas. Ayaw niyang biglain ang matanda.
"How are you, grandma?" Bati ni Terrence sa abuwela.
Mula sa loob, I hear them talking. Lalo yata akong ninerbyos. Juice ko po, Lord. Patawarin niyo ako sa aking gagawin.
"Grandma, there somebody who wishes to see you."
That was the cue from Terrence. Pumasok ako sa loob ng kuwarto. I saw how her face brightened.
"Hannah, apo ko!! Is that really you?"
Mangiyak-ngiyak si Donya Adelfa pagkakita sa akin. Lumapit ako sa kinauupuan niya. I embraced her. Yumugyog ang balikat ng matanda. Hinagod ko ang kanyang likuran. Hindi ko namalayan, napaiyak na din ako. I don't know why pero I felt her longing. Five years of suffering is too much for her.
"Shh, grandma. Huwag na po kayong umiyak." Pinalis ko ang luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry for running away from you."
Now, I'm in character. Parang hindi na ako umaarte, feeling ko ako na talaga si Hannah. Grabe! Ganun ba kalalim ang pag-internalize ko sa pagiging Hannah at parang natural na ang lahat? Hindi ko din maintindihan pero I felt the sudden attachment to Donya Adelfa. How would that be possible?
"No, iha. Ako ang dapat humingi ng tawad sa 'yo. I was foolish to drag you into a marriage without your affection to the other party."
Matagal akong tinitigan ng matanda. Nakita ko sa kanyang mga mata ang tunay na pag-aalala at pagmamahal sa apo.
"Kumusta kayo ni Diego?"
Patay! Hindi namin napag-usapan ni Terrence kung ano na status nina Hannah at Diego. I stammered, hindi ko alam ang isasagot.
"He's in the states, grandma." si Terrence na ang sumagot.
"Yes, he's right. Pinadala po siya ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya sa Amerika. He'll be back sometime next year po kaya dito muna ako sa inyo."
Naks! Impromptu, nakaisip kaagad ng kwento. Bakit ba hindi namin naisip ni Terrence na magtatanong si Donya Adelfa tungkol kay Diego.
"That's great, iha. Dumito ka muna habang nasa Amerika pa si Diego. I would like to cope with the lost times. Matanda na ako, and any moment now, alam ko magkikita na kami ng iyong Lolo Manolo."
"Grandma.."
Halos sabay kami ni Terrence na sumaway sa matanda. Naluluha man, alam kong masaya na si Donya Adelfa sa pagbabalik ng inaakalang apo. I feel guilty about it.
"Okay, sorry about that. I'm just so happy that you're back, iha."
Sa buong araw hanggang sa kanyang pagtulog, nasa tabi lang ako ni Donya Adelfa. She really loved Hannah very much. Hindi nakapagtatakang masyado niyang ininda ang pagkawala ng apo.
"Thank you, Macie. You just made grandma really happy."
Terrence took my hand and marahang pinisil bilang pasasalamat. I seemed electrocuted. Tila may mali-liit na boltaheng dumaloy sa palad niya ang pumasok sa aking katawan. Agad kong binawi ang aking kamay.
"Don't be. Alam mo namang may kapalit ang lahat." Ipinaalala ko ang aming deal. I don't want to take credit for something I don't deserve.
"No, no. Her happiness is priceless. Konting bagay lang ang sinasabi mong kapalit kumpara sa ligayang idinulot mo sa lola ko."
Ngumiti si Terrence. Haaisstt. Naiihi na yata ako sa kilig.
"Pero paano mo nagawa 'yun?"
Naguluhan ako. I don't know what he's talking about. "Ang alin?"
"Galing ng akting mo. You really transformed into Hannah. Kung hindi ko alam na ikaw si Macie, I myself could be fooled. Nag workshop ka ba?"
Hinampas ko siya sa kanang braso. Bumalik ang pagiging antipatiko nito. Kakainis!
"Ouch. Nang-aano ka?" Tumatawa si Terrence habang hawak ang brasong hinampas ko. Napalakas yata kasi namula ang bahaging hinampas ko.
"Sige, mang-inis ka. Ikaw din, lapit lang naman ang kuwarto ng lola mo." Hamon ko sa kanya. Ewan ko ba, pikon ako pagdating sa lalaking ito.
"Chill ka lang. Pinapatawa lang kita. I know, how hard it is to pretend being somebody else." Nakatawa pa ding sabi ni Terrence. "Halika, ipapakita ko sa 'yo ang kuwarto mo. It's been a long day, I know napagod ka din."
I agree with him. Nakakapagod magpanggap sa katauhan ng iba. Lalo pa at tila kinakain ako ang aking konsiyensya. Iniisip ko na lang gaya ng palaging sinasabi ni Terrence, para sa kaligayahan ni Donya Adelfa. At nakita ko mismo kung gaano siya kasaya kanina.
Bago umalis, lumingon ulit si Terrence. "Seryoso, saan ka talaga nag acting workshop? Ang gaing-galing mo."
"Aba't..."
Hinabol ko siya ng kurot pero nakatakbo agad ang loko. Naiwan akong kumukulo ang dugo. He never fail to stir me. May araw ka rin!
______________________________________________________________________________
A/N: Awww... may chemistry ba? please post your comments...

BINABASA MO ANG
Cousin for HIRE
عاطفية"Pretend to be my cousin, and anything under the heaven will be yours." Napanganga si Macie sa offer ng kaharap walang iba kung hindi si Terrence Madrigal - the heir of the Hotel Magnate. Nakahamba ang platinum visa card sa mukha niya. Only the ul...