Leah Marie's POV:
Nandito kami ngayon ni Bessy sa may field. Lunch break ngayon. Diba dapat nasa canteen kami?
Pero wala eh dahil daw sa kabagalan kong maglakad naunahan na kami ng pagkarami-raming estudyante sa aming university sabi ni Bessy. Hindi ko naman talaga kasalanan yun eh. Sadyang maliit lang talaga ang capacity ng canteen namin. Hahaha!!!
"Uy Bessy. Ayos ka lang ba? Medyo malapit na matapos ang lunch break natin pero tulaley ka pa rin diyan!" Huhu tinarayan na naman ako ng Bessy ko.
Tulala nga ako. Eh sino ba naman ang hindi magkakaganito. Kanina diba?! Yung ako... as in ako daw ang bodyguard slash human shield ni Daniel.
"Bessy hindi ko alam ang gagawin ko! Help me!" Ayan nag-burst out na ako. Wow. This is his effect on me.
"Eh ano bang problema mo! Kumain ka na diyan at baka malate pa tayo sa next class!" Sagot naman ni Bessy.
"Eh Bessy bakit di mo alam! Si Daniel. Siya ang dahilan nito. Anong gagawin ko?"
"What? Daniel again! What is it this time?"
"Oh Bessy. Ako... ako ang bodyguard niya. Diba?!"
"Oh ano naman nga-- ay oh em gee... Oo nga noh! This is your chance!"
"Anong chance ka diyan? Eh naiirita nga sa akin yung tao, hindi eh galit nga siya sa akin!"
"Naku kung galit siya mas galit ako. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niya sayo nung Monday ha."
"Ha?!" Naku sabi na nga ba hindi nakaligtas kay Bessy yung palusot ko sa kanya.
"Hay naku. I know if you do not want to say it to me. But still it's your chance. Di ba matagal mo nang gustong mapansin ka ni Daniel. This is it!"
"But! Hindi ko yata kaya?"
"Ano after four years? Grabe ngayon mo pa hindi kinaya."
"Eh Bessy... gal--"
"Hay naku Bessy. Basta." Sabay tingin niya sa relo niya. "Naku tara na! Malalate na tayo."
Tapos tumayo na siya. Ako naman sumunod na lang sa kanya. Ayokong malate noh!
----
Ruth's POV:
Landslide..
Yes. Nagkaroon ng landslide sa school namin.
Wag OA ha. Hindi naman literal na landslide eh kasi naman parang landslide dahil sa dami ng pinapagawa ng mga professors namin sa lahat ng afternoon classes. Ano nag-usap ba sila? Bakit kailangan sabay-sabay? At pare-parehas talaga ng deadlines. Oh I'm so dead...
Eto naman Bessy ko tulaley pa rin. Well wala naman akong magagawa. Ganyan talaga ang epekto ni Daniel Lucas kay Bessy. Pero ok lang yan kasi naman alam ko na magagawa niya yan lahat. May pagka-nerd din kasi itong si Bessy. Hindi lang halata pero running for cum laude yan eh.
Ako, saktong pasado lang. Ok na yun.
"Bessy. Ang dami nating requirements! At sabay-sabay pa! Naku hindi tuloy tayo makakagala bukas. Hmmp!"
"Okay lang yan. Punta ka na lang sa bahay bukas. Doon na lang tayo gumawa ng mga requirements natin."
Oh kita niyo na. Kahit tulaley eh alam niya pa rin na may gagawin kami. Hay ano pa nga weekend horror na naman!
"Ok sige bukas ha! Namimiss ko na rin ang carbonara ni Tita Luisa eh." Sabi ko kay Bessy. Si Tita Luisa ay nanay ni Bessy.
Papalabas na kami ng gate ng school. Hay salamat at natapos na ang araw na ito.
Or not?
Makakasalubong lang naman namin ang nag-iisang taong kinaiinisan ko sa buong university.
Sino pa ba?! Edi si Mr. CARLOS HEINDRICK LEGASPI...
Kung bakit? Basta! Saka ko na lang ikukwento kapag naiwasan ko na ang nakakabuwisit na lalaking ito.
Medyo hinila ko si Bessy sa ibang direksiyon. Yung tipong iikot pa kami makalabas lang ng campus.
"Bessy? Akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong niya sa akin.
"Huh. Ah eh may nakalimutan pa ako sa locker ko eh. Kunin muna natin!" Great excuse kahit wala naman talaga akong kukunin doon.
"Ah okay." Tapos hinila ko na siya papunta sa locker room namin. Lumingon ako kung saan nandoon si Carlos kanina. Buti naman at hindi na namin siya makakasalubong.
Nakarating na kami sa locker room na parang wala akong kasama. Paaano si Ms. Tulaley pa rin si Bessy eh.
"Bessy ako na lang ang papasok ha! Hintayin mo na lang ako dito."
"Okay." Tipid na sagot ni Bessy. Hay kelan ba ito babalik sa katinuan. Makapasok na nga. Ilalagay ko na lang itong ibang libro na di naman namin kailangan para sa mga term papers na gagawin namin bukas.
Pero parang gusto ko ulit lumabas eh. Kasi Bakit? Paano? Nandito si Carlos sa loob ng locker room.
"Hi there sweetheart!" Sabi niya sa akin?
Teka parang nahawa yata ako kay Bessy. Tulaley na din ako!!!
----
Author's Note:
Pati si author tulala na din. Ano ba tong mag-BFF na ito parehas tulaley!!!
Hahaha... abangan ang mga susunod na chapters kasi may mga side funny side stories itong si Ruth at Carlos. Ayan nga ang simula.
Hmm... Ano kaya ang mangyayari sa first day ng pagiging human shield ni Leah kay Daniel?
Please comment and vote to improve my story and skills.
Also don't forget to read Pieces of the Puzzle and Water Runs Dry. May updates na rin po sila.
Wala pa po kasing author's note doon. Dito lang sa story na ito ako mahilig maglagay ng author's note eh.
Thank you for reading...:-)
BINABASA MO ANG
If You Could See Me Now
ChickLitI only have one wish... That is... maybe someday... You give me... even just a glimpse... Just a smile... Just a touch... Just a small gesture that will make me feel that you recognize me... Because with only that way my heart will be contented... i...