Part 9: Human Shield

33 3 0
                                    

Leah Marie's POV:

Bago pa man dumating si Mr. Palacios ay nakabalik na sa room si Daniel. Hay sana nga ay di na siya bumalik eh.


Ano bang iniisip ko? Bakit ayaw ko siyang makita? Siguro dahil pa rin dun sa nangyari nung monday.

Nawala lang yung mga iniisip ko nang magsalita si Mr. Palacios.

"Iverson. Castro. Legaspi and Hampton. Please stand here in the front." Sabi ni Mr. Palacios.


Tinawag niya ang buong banda. Bakit naman kaya?



"Kyahhhhh!!!" Nagtilian naman ang mga babae kong classmates. Oo ngapala nakaalis na yung mga fangirls nila. Pinaalis ni Mr. Palacios saka start na din naman na ng mga klase. Kaya ayan mga classmates ko na lang ang nagtitilian.




Tumayo naman ang apat sa harap. Si Mr. Palacios tumayo naman sa upuan niya at umupo sa isang bakanteng seat sa harap. Kaya ayun nakaharap sila sa aming lahat.



Tinitigan ko lang si Daniel. Hay. Wala eh kahit ano nangyari nung monday, ganun pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Sa kanilang apat, siya talaga ang pinaka-cool.


Pero di ko rin maiwasan na mapatingin kay Mikael dahil sa ginawa niya kanina. Ang bait pala talaga niya. Nagulat naman ako nang napatingin din siya sa akin tapos ngumiti.



HAY BUHAY!!! Bakit naman siya ganyan kung makangiti? Feeling ko namula yata ako ng konti. Konti lang naman. Haha. Napatingin tuloy ako sa ibang bagay.



"So it seems that the four of you is the source of the commotion earlier." Sabi ni Mr. Palacios sa kanilang apat.


"Sir, hindi naman namin kasalanan kung sadyang pinagkakaguluhan kami eh." Sabi naman ni Carlos. Okay siya na talaga ang may kayang magsabi niyan. Palibhasa anak ng isa sa mga may-ari ng LPLU.


"Yeah. You are right Mr. Legaspi. Kaso lang masyado akong naperwisyo ngayong araw na ito dahil sa mga fangirls niyo. Dati hindi naman ganito sa ibang classes niyo." Paliwanag ni Mr. Palacios.


"Eh sir kasi po ngayon lang kami nagkasama-sama sa isang class. Hindi rin po namin akalain na ganun ang mangyayari." Sabi naman ni Adrian.

"Ok. Nasabi na rin sa akin ng mga ibang professors na nagkamali din sila sa schedule at nagsasama-sama tuloy kayo sa class na ito. Dahil diyan, wala na tayong magagawa since last year niyo naman ito sa university, may ipapagawa na lang ako para maresolve ang problemang ito." Paliwanag ni Mr. Palacios.

Eh? Ano naman kaya ang ipapagawa ni sir?


"Eh sir ano naman po yun?" Tanong ni Carlos.

"Simple. Kapag papasok kayo sa klase ko kailangan meron kayong tig-iisang bodyguard." Sabi ni Mr. Palacios.

"WHAT!??!" Sabay-sabay nilang sinabi yan.

"What do you mean sir? Maghahire kami ng bodyguard kahit na nasa school grounds lang kami?" Sabi ni Adrian.

"And to think that I even declined a thousand times to my parents that I clearly do not want or even need a bodyguard. And now this?" Sabi ni Daniel. Aba pati pala siya ayaw ng may bodyguard.

Oo nga naman. Ang OA naman ni Mr. Palacios eh. Bodyguard talaga para di pagkaguluhan ng mga fangirls nila? Ang mahal kaya kumuha ng bodyguard. Ay kunsabay mayayaman pala sila.

"Hear me out first. It is not a typical bodyguard that you are all thinking about. I selected one of your classmates to be your bodyguard. Each one for the four of you."

Ehh? Ano daw? Isa sa amin ang magiging bodyguard nila?

"Paano naman nila kami mapoprotektahan pag kapwa classmate lang namin ang magiging bodyguard namin?" Tanong naman ni Mikael.



"That's not it Mr. Castro. Ang magiging bodyguard niyo ay isang babae. Sasamahan lang naman niya kayo sa pagpasok dito sa class ko. Yung babae ay may malakas na personality at kayang palayuin lahat ng fangirls niyo."



Anong pumasok sa isip ni Mr. Palacios at naisip niya ito? Ang hiling ko lang eh sana hindi ako mapasama sa magiging bodyguard nila.


"Eh sinu-sino naman sir ang magiging bodyguards namin?" Tanong ni Carlos.



"Para hindi na ako mahirapan sa pagpili. Yung mga katabi niyo na lang. Ok? At bawal tumanggi kasi kapag nangyari pa ang commotion katulad kanina. Lahat kayo bagsak sa class na ito. Kadamay pati mga bodyguards niyo. You may take your seats." Paliwanag ni Mr. Palacios.


So ang ibig sabihin ako ang magiging bodyguard ni Daniel. Isang human shield niya.

"Grabe walang choice!" Bulong ni Carlos habang papaupo na silang apat.




Pagkaupo ni Daniel. Napatingin ako sa kanya. Saka siya nagsabing "As if I have a choice."


Tapos tumingin na siya ulit kay Mr. Palacios.




"And now let's start the class!" Sabi ni Mr. Palacios.

Ano ba ito? Bakit kailangan mangyari ito?!?!


----
Author's Note:

Pasensiya na po!!! Alam kong sobrang tagal na nung huling update ko sa story na ito.

Yung focus ko kasi napunta na naman sa isa ko pang story yung Pieces of the Puzzle. Sana basahin niyo rin po yun.


Ano kaya ang mangyayari sa pagiging human shield ni Leah kay Daniel?!

Thanks for supporting and reading this story.









If You Could See Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon