Part 11: Mystery Package

40 2 0
                                    

Ruth's POV:

"Hi there sweetheart." Salubong na bati sa akin ni Carlos nang makapasok ako sa loob ng locker room.

Aba!? Paano ba nangyari yun? Kanina lang ay nandun pa siya sa harap namin ni Bessy at ngayon paano siya nakapunta dito?

"You are surprised. That's okay. Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong sa akin ni Carlos.

"Bakit mo naman naisip na iniiwasan kita? Aber?" Sungitan mo lang siya Ruth. Kaya mo yan!

"Well it is very obvious." Tapos lumapit siya sa akin. As in yung malapit. Wala na yatang natirang personal space sa akin eh. At sinabing...

"But you cannot escape from me forever. I'll be everywhere until you realize that I'm still worth it. Bye." Halos ilapit na niya yung mukha niya sa akin habang sinasabi niya iyon. Ako naman parang nawalan ng hininga sa pagkakasabi niya non.

Tapos naglakad na siya palabas ng locker room. Ako naiwan na hindi pa rin makahinga.

How dare he say that! He is really annoying!!!

----

Carlos Heindrick's POV:

That girl. When will she realize that! Aish she is really annoying!

"Oh Carlos nandito ka pala? Kanina pa kita hinahanap eh. May practice yata tayo ngayon for the upcoming school festival." Sabi ni Adrian sa akin.

Nandito kasi ako ngayon sa may field. Nagpapalamig dahil ang init talaga ng ulo ko doon sa babaeng yon.

Si Ruth. Ang nag-iisang babae na kumakalaban sa akin.

At ang nag-iisang babaeng nagturo sa akin kung paano magmahal. Hindi yung puro kalandian lang at pakikipag-flirt. Yung totong pagmamahal.

Tingin ko para sa kanya tapos na yung nangyari sa amin dati. Pero bakit ganun? Sa akin hindi pa.

At humanda siya sa mga gagawin ko!

"Hoy Carlos! Baka maputol na yung lapis mo sa sobrang higpit ng hawak mo diyan!" Sabi ulit ni Adrian. Oo nga hindi ko namalayan na sa sobrang inis ko muntik na mabali itong lapis ko. Ang mahal pa naman nito. Okay lang naman kahit mabali pa ito marami pa akong pambili nito eh.

Ang yaman ko kaya. Isa akong Legaspi na kasama sa pamilya ng mga mayayaman dito sa San Sebastian. Humanda talaga yang babaeng yan at matitikman niya ang kamandag ng isang Carlos Heindrick Legaspi!!!

"Tara na. Let's practice like there's no tomorrow!" At tumayo na ako para pumunta sa music room kung saan kami magpapractice ng banda.

"Hoy ano ka Carlos! Baka mamatay tayo 'pag ganun ang ginawa natin. Sira ka talaga." Sabi naman ni Adrian.

At ayun naglakad na kami papunta sa music room.

----

Leah Marie's POV:

Parang ang tagal yata lumabas ni Bessy sa locker room. Naku baka kung ano na ang nangyari doon. Nakakapagtaka lang dahil nakita ko pa si Carlos na lumabas ng locker room. Bakit kaya si Bessy eh nandoon pa? Mapuntahan na nga at nang makauwi na kami.

Pagpasok ko sa locker room nadatnan ko si Bessy na nakaupo lang sa isang tabi na nakatulala.

Hala. Nahawa ko yata si Bessy sa pagkakatulala ko eh. Malapitan nga.

"Hmm. Bessy. Anong nangyari sa'yo? Di pa ba tayo uuwi?"

Walang sagot. Aba mas malala yata ito sa akin eh. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo at niyakap ako. Sabay sabing...

If You Could See Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon