Leah Marie's POV:
Nakakainis. Sobrang naiinis ako. Alam niyo ba kung ano ang laman ng malaking box? Isang malaking teddy bear na kulay brown. Tapos may kasamang mga libro sa loob.
Bakit ako naiinis? Kasi gusto ko lahat ng mga nakita ko sa box na iyon pero hindi ko gusto kung sino ang nagpadala.
Diba sabi ni kuya na nagdeliver eh ayaw daw ipasabi kung sino ang nagpadala. Eh pagkabukas pa lang nung box alam ko na agad kung sino ang nagpadala.
Sino?
Walang iba kundi ang walang kwenta kong tatay. Sobrang masama ba ang pagkakasabi ko? Wala naman talaga siyang kwenta dahil iniwanan niya kami nang malaman pa lamang niya na nabuntis niya ang aking nanay.
Sabihin niyo sino ang matutuwa dahil lang sa padala niya. Ganito siya lagi tuwing mag-uumpisa at magtatapos ang klase. Taon-taon nagpapadala siya ng kung anu-ano. Hanggang tingin lang ang ginagawa ko sa mga pinapadala niya tapos bahala na si mama kung ano ang gagawin niya.
Hindi ko nga alam kung paano niya nalalaman yung mga gusto ko eh. Siguro sinasabi sa kanya ni mama. Napatawad na kasi siya ni mama. Ako? Hindi. At hindi ko talaga alam kung kailan ko siya mapapatawad. Pero isa lang ang sigurado. Hindi pa talaga ngayon. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita ng personal sa amin. Nasa Amerika kasi siya. Puro sulat, tawag at mga iba't- ibang means of communication ang ginagamit niya para makausap kami.
"Anak saan ka pupunta?" Tanong ni mama sa akin. Nakapasok na kasi kami sa loob ng bahay pero papalabas ako ng pintuan.
"Bessy naman. Hangggang ngayon pa rin?" Sabi naman ni Ruth.
"Alam mo naman kung bakit Bessy. Ma... kailangan ko lang umalis muna. Maglalakad-lakad lang po."
"Samahan na kita, Bessy?"
"Huwag na. Baka matagalan ako. Kapag nainip ka na pwede ka na umuwi. Marami na naman tayong natapos eh. Bukas na lang ulit siguro."
"Ah sige."
"Sige."
At tuluyan na akong lumabas ng bahay. Saan naman ako pupunta?
Ah alam ko na. May park nga pala dito sa loob ng subsivision namin. Doon na lamang ako pupunta.
Nang marating ko ang park, wala masyadong tao. Mabuti naman at makakapaglakad-lakad ako dito ng tahimik.
Yun nga ang ginawa ko.
----
Ruth's POV:
"Tita Luisa... sa tingin niyo po kailan matatanggap ni Leah si Tito Mark?" Tanong ko kay Tita Luisa. Naiwan kami dito sa sala. Tinitingnan namin yung mga padala ni Tito Mark, tatay ni Bessy.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko naman akalain na ganito ang magiging epekto kay Leah ng mga nangyari sa amin ng tatay niya. Napatawad ko na si Mark. Pero mas masakit siguro para kay Leah na wala siyang tatay habang lumalaki siya. Hindi niya pa rin matanggap ang dahilan ng tatay niya sa pag-iwan sa amin."
"Siguro nga kailangan lang ng mas mahabang panahon ni Bessy."
"Oo nga. Hay sayang naman itong mga pinadala ng tatay niya."
"Eh ano na naman po ang gagawin niyo dito?"
"Eh ano pa nga ba? Kesa naman nakatambak lang dito sa bahay ay i-dodonate ko na lang ulit ito sa bahay ampunan na paborito niyong puntahan ni Leah."
"Ahh... may tama ka diyan Tita. Malapit lang dito yun sa subdivision natin diba? Kailan niyo po dadalin?"
"Siguro bukas."
BINABASA MO ANG
If You Could See Me Now
ChickLitI only have one wish... That is... maybe someday... You give me... even just a glimpse... Just a smile... Just a touch... Just a small gesture that will make me feel that you recognize me... Because with only that way my heart will be contented... i...